You are on page 1of 3

MIDTERM EXAMINATION

in
The Life, Works, and Writings of Jose Rizal
2nd semester, 2019-2020

NAME: Airon Bendaña CLUSTER: BSAIS -II SCORE:_________


DUE DATE: July 17, 2020 INSTRUCTOR: Sir Ariel Magtanong Tamayo

“Si Dr. Jose Rizal sa Aking Pananaw: Noon sa Ngayon”

Panimula…

Hindi sapat ang isang taludtod


na ito upang isalarawan ang mga
naipamalas na kahusayan ni Dr. Jose
Rizal. Siya ay isang henyo na isinilang
sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng
Hunyo taong 1861. Ang mga likha ni
Rizal ay patuloy na dinadakila
hanggang sa kasalukuyan kabilang dito
ang kanyang dalawang nobela.
Pinatunayan ni Rizal na kayang
maghimagsik ng mga Pilipino kahit
hindi pinadadanak ang dugo. Sa
pamamagitan ng talim ng kaniyang
utak at mga salita, naipakita niyang
may mas matalas pa kaysa sa punyal.
Nawa’y patuloy na maging inspirasyon
sa atin ang kanyang buhay,
kabayanihan at pagmamahal sa ating
bayan lalo na ngayong may krisis
tayong kinahaharap. Pasasalamat ang
huling batid ko sa isang bayaning
nagpalaya sa aking bayan.
Bilang isang Anak…

Lumaki sa piling ng
kanyang ama’t ina si Rizal na
puno ng pagmamahal. Bata
palamang si Rizal namulat na ito
sa akademikong gawain at natuto
itong bumasa at mag sulat sa
mura pa nitong edad. Pagiging
malapit sa kayang ina ang
nagbigay daan upang
mahumaling siya sa pag-aaral.
Pinalaking may respeto at matulungin sa nakatatanda kaya’t ibinalik ni
Rizal ito sa kanyang ina. Sa pagmamahal niya sa kanyang ina ang
kagustuhan na magamot at gumaling ang kanyang ina sa iniinda nitong
karamdaman sa mata. Lahat na yata ng magagandang katangian na
puwede mong maisalarawan ay tugma kay Rizal noong kabataan niya.

Bilang isang Kapatid…

Masasabi kong si Rizal ay


mataas ang respeto at naguumapaw
ang pagmamahal niya sa kanyang
mga kapatid. Sa yugto ng buhay ni
Rizal na kung saan pumanaw ang
nakaba-batang kapatid niya na si
Concepcion ay lubos ang hinagpis
niya. Sa kanyang mga babaeng
kapatid ay tinanawag niyang
Señorita ang mga ito kapag walang
asawa at Señora naman sa mga may
asawa bilang pagbibigay respeto. Sa kanyang Kuya Paciano na tumayong
pangalawang ama sa kanya, malaki ang utang na loob niya rito dahil sa
mga tulong na naibigay nito lalo na noong nag-aaral pa lamang siya. Sa
bawat hamon sa buhay ni Rizal ay nakasubaybay ang kanyang mga
kapatid at handa siyang tulungan. Maging siya rin ay handang tumulong
sa kanyang mga kapatid, sa amba ng kamatayan na hatid ng mga Kastila.
Bilang isang Mag-aaral…

Ang unang guro ni Rizal ay ang


kanyang ina na si Donya Teodora. Sa
edad na tatlo ay natutunan niya ang
alpabeto, mga dasal at magbasa. Siya
ang unang nakakita ng talino ng anak
sa pagkakatha ng tula kaya lagi niya
itong hinikayat magsulat ng tula.
Bilang isang mag-aaral si Rizal ay
laging pinaka-mahusay. Patunay ang
mga grado niya kung anong klaseng
mag-aaral si Rizal noong panahon niya. Sa hilig niya sa pag-aaral ay natuto
siya ng mga iba’t ibang lenggwahe at nag-aral din siya ng iba pang mga
propesyon upang mas mapalawak pa ang kanyang mga kaalaman. Tunay
nga na isang henyo si Rizal dahil sa mga ipinamalas niyang galing sa pag-
aaral.

Bilang isang Mamamayan…

Si Jose Rizal at ang pagmamahal


niya sa kanyang bayan ay naibalangkas
sa pamamagitan ng pagmumulat sa
mga Pilipino sa pang-aalipusta ng mga
dayuhan at sa tulong ng kanyang mga
nobela. Kahit hindi na sambitin ni Dr.
Rizal ang kanyang lubos na
pagmamahal sa bayan ay kitang-kita
naman ito sa kanyang mga gawa.
Makikita ito sa kaniyang mga isinulat
at pagpapahalaga. Ang ilan sa mga ito
ay ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang mga nobelang
ito ay naglalaman ng kanyang damdamin ukol sa kahalagahan ng
edukasyon at kamalayan sa bayan. Ang mga karakter na ginamit ni Dr.
Rizal ay nagpapatunay ng kanyang damdamin sa kung gaano kahalaga
para sa kanya ang mga Filipino. Ang layuning makamit ang kalayaan ang
isa sa kaniyang mga minimithi noon pa man. Ito ang tunay na
pagmamahal sa bayan. Ang makita itong malaya.

You might also like