You are on page 1of 10

LITERARY

MGA SIPI MULA SA MGA PANULAT NI RIZAL NA NAGPAPAKITA NG MGA SS:


1. PAGAWASTO NG KAMALIAN
Ang bayan kong ito, na lubhang marikit
sa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit
ibong malalaya, nangagsisiawit
mulang kabundukan, lagaslas ng tubig
ang halik ng dagat sa buhangin mandin
lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.
Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhang
masayang batiin ang sikat ng araw
habang sa diwa ko'y waring naglalatang
silakbo ng isang kumukulong bulkan.
-MI PIDEN VERSOS
Ang saknong na ito ay tumatalakay sa pagnanais ni Rizal na iwasto ang kamaliang
nagawa sa paglisan. Sinasaad din sa saknong na ito ang kalungkutan ni Rizal ng kanyang iwan
ang Bayan na minamahal. Hinahalintulad ni Rizal ang kanyang sarili sa isang Ibon na malayang
nakalipad. Sa huling linya naman ay nagpapahiwatig ng pagnanais ni Rizal na bumalik na lamang
sa pinanggalingan sapagkat ang nararanasan ng kanyang kalooban ay para bang siya ay nasa
loob ng isang kumukulong bulkan.
2. PAGHAHAYAG NG PAGBABAGO
Habang ang sibol, umuusbong mula sa banging, buong pagmamalaking nag -aalay ng tamis
Habang ang magarang kasuotan, pinakakain mga ugat nito; gayundin ang tubig
Ng saloobin ng kalangitan ay nagbibigay-buhay sa edukasyong tunay, naghahasik
Ng liwanag, nagbibigay ng init; dahil sa kanila ang bangin ay mabango at prutas nito'y matamis
-ALLIANZA INTIMA ENTRE LA RELIGION Y LA EDUCATION
Mula sa ikalawang saknong ng tula, sinasabi kung ang binabanggit tungkol sa grapevine ba ay
mabuti o hindi dahil sinabi na pompous ito, marahil nakabubuti ito dahil kung ang grapevine ay ang
religion at ang sinasabing stem ay ang education, at ang sinasabing plant ay tayo, ang mga tao, maganda
ito dahil ang pinagsamang education at religion o ang grapevine at stem, ay ang nagbibigay ng food for
the plant to live, maganda ang kalalabasan nito, ang loving plant. At kung ang religion daw ay malinaw at
maliwanag na ginaguide ang education, maganda at makabubuti ang kalalabasan nito.
3. PAGLALARAWAN NG KALAGAYAN
Sa may kalawakan ng pampang ng tanak, lambuting buhangin,
Sa paa ng bundok na balot ng kulay na lunti sa tingin,
Ang hamak kong kuboy doon itinayo, sa maayang lilim

Niyong kakahuyan upang sa gubat ngang payapay hanapin


Ang pamahinga niyaring isipan, tighaw sa panimdim.
-MI RETIRO
Isinulat ito ni Rizal tungkol sa kanyang buhay bilang isang exile sa Dapitan. Inilarawan niya ang
kanyang itinayong kubo sa tabi ng dagat kung saan ang buhangin ay malambot at pinong-pino. Ang
kubong ito ay nasa paanan din ng bundok kung saan ay malilim at matahimik, kung saan ay
nakakapagpahinga niya ang kanyang isip at damdamin.
Kung babasahin ang tula ay makikitang napakapayapa ng lugar kung saan nakatira si Rizal. May
batis na umaawit habang lumalagos at kung gabi ay may bulong na nakakapagpa-antok, ngunit
kapag umuulan ang agos nito ay may tulin na walang katulad. Walang bumabasag sa katahimikan
kundi ang ungol ng aso, awit ng ibon at hiyaw ng mga kabayo.Sa pagtanaw ni Rizal ng dagat ay parang
inangkin na niya ito. Kung sabagay, siya lamang ang taong nakatira sa tabing dagat kayat masasabi
ngang para sa kanya ang dagat na iyon.
Ibinabahagi din ni Rizal sa tula ang kanyang nararamdaman, na nakalulungkot at mag-isa lamang
siya, na parang hinila siya sa mundong kilala niya at kilala siya, at itinatago siya dahil sa kanyang mga
paniniwala at kaalaman. Ang pagmamahal niya sa kanyang mga mahal sa buhay, na miski malayo sa
kanya, miski iniwan siya o yumao na, hinding-hindi niya makakalimutan.

4. PAGHAHAYAG NG PAGMAMAHAL
Giliw kong ina, iyong kaarawan
Ipinagdiriwang nila.
Ang rosas sa angking bango,
Ang ibon sa kanyang pugad
-MI PRIMERA INSPIRACIN
Mula sa ikaanim na saknong, isinasaad dito ang dahilan ng pag-aalay ni rizal ng akda, ito ay para
sa kaarawan ng kanyang minamahal na ina, Inalay ni Rizal ang tula para sa kanyang ina at binati nya ito
sa kanyang kaarawan. Ang rosas ay hinahalintulad sa ng kalinga ng inasa paggamit ng salitang "angking
bango" na sumasalamin sa naaalala ni Rizal ang yakap ng kanyang ina. At ang Ibon sa kanyang pugad ay
nagsasaad ng pagkalinga ng isang Ina sa kanyang anak na parang pagbabantay ng isang ibon sa kanilang
pugad.
5. PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN
At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik na
Ang mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga,
At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niya

Sa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga,


Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligaya
Sa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga.
-A LAS FLORES HEIDELBERG
Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal noong siya ay nag-aaral sa Germany Habang nagagala, nakita
niya ang kanyang paburitong bulaklak, ang light-blue na forget-me-nots. Isinulat niya ang tulang ito dahil
naalala niya ang kanyang bayang Calamba.
Isinasaad sa tulang ito, na para bang gusto ni Rizal dalhin ang mga bulaklak ng Heidelberg sa Pilipinas
upang mapaganda ang ating bayan. Sa ganitong paraan, nais ipamahagi ni Rizal sa Pilipinas at sa mga
Pilipino ang kagandahang kanyang nakikita sa ibang bansa. Parang pagpapahiwatig din ito ng
pagmamahal ni Rizal sa ating bayan.
Ang mga bulaklak nsa Heidelberg ay nagpapahiwatig ng kapayapaan, pag-ibig, at karangalan na
nais ibigay ni Rizal sa atin. Ito ay isang napakagandang tula na isinulat ni Rizal dahil sa matinding lungkot
na nadama niya sa pagtira sa ibang bansa.

6. PAGHAHANGAD NG MITHIING PANLIPUNAN


Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na mga silahis na dunong at sining;
Kilos, kabataan at iyong lagutin
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
-A La Juventud Filipina
Sa saknong na ito ay ipinaalala niya ni Rizal sa atin na para maabot natin ang ating mga
pinapangarap, dapat natin itong paghandaan. Dapat pagsumikapan sa pamamagitan ng pag-aaral at
pagpapakadalubhasa. Ninanais ni rizal na paghandaan ito ng mga kabataan-pag-aaral at
pagpapakadalubhasa- sapagkat nakikita niyang hinog na ang Kabataang Pilipino bunga ng mga
karanasang kanyang napagdaanan. Naniniwala siyang magiging bunga rin ng matamang adhikain ang
isang walang hanggang buhay.
Ang kabuuan ng tula ay nagsasaad ng hamon para sa mga Kabataang Pilipino na magising sa
pagiging manhid at imulat ang mga sarili sa mga nagaganap sa paligid. May adhikain din itong ipabatid sa
mga kabataan na magkaroon ng adhikaing matulungan ang Inang Bayan.
Pinukaw ni Rizal ang isipan ng Kabataang Pilipino na ipagmalaki ang ating lahing Pilipino. Itaas
ang iyong noong aliwalas, sapagkat ito lamang ang nagbibigay ng liwanag sa landas na kanilang
tatahakin. Para na rin sa ikabubuti ng kanilang mga kalahi.

SANAYSAY
MGA SAKIT NG LIPUNAN NA NAKAPALOOB SA MGA SANAYSAY
1. LIHAM PARA SA MGA KADALAGAHAN NG MALOLOS
Kamalian at bulag na pagsunod sa simbahan. Sinabi niya na karuwagan at isang
kamalian ang maniwala na ang pagkabanal ay kinabibilangan ng bulag na pagsunod. Ginawa
tayo ng Diyos sa kanyang imahe at pagkakatulad at hindi Niya nais na tayo ay niloloko o
ginagawang tanga. Kaya naman gusto niyang gamitin natin ang ilaw ng pag-iisip na kanyang
ibinigay sa ating lahat. Ang ilaw na ito ang siyang magsisilbing liwanag sa pagtahak natin sa ibat
ibang landas. Isa pang dapat natin tandaan, ay ang pagiging angkin ng mga ilaw na ito.
Hindi tayo dapat sumunod sa liwanag ng iba sapagkat ang ilaw na iyon ay para sa
kanila lamang. Bakit ba natin kakailanganin pang tumingin sa liwanag ng iba kung tayo mismo
ay binigyan na nito? Ayon kay Rizal, kadalasang sinasabi ng mga manlilinlang ay mali ang
magtiwala sa sariling desisyon ng mga tao sapagkat lumalabas silang nagkukunwaring mga
mensahero ng Diyos. Dahil dito, hindi raw dapat makinig lang sa sariling pagpapasya kundi
dapat mas lalo pa sa ibang mga tao. Ngunit sa katotohanan, kahit ano pang pilit ng mga kura na
tanggalan tayo ng sariling pag-iisip o kontrolin ang ating mga saloobin, mananatili parin ang
konklusyon na kaya nila ito nagagawa sa atin ay dahil sa nakikita nila ang ating mga kahinaan o
lalo pa nilang ginagamit sa kanilang panig ang ating pagtatanga-tangahan.
Tinalakay din ni Rizal ang papel ng mga kababaihan bilang mga Ina na siyang nagpapalaki
sa susunod na lahi ng mga Pilipino. Kinuwestiyon nya ang uri ng mga mamamayan na
mabubuo kung ang ina na nagpalaki sa kanila ay walang alam kundi ang magdasal at m ag
nobena lamang. Hindi niya ito sinabi bilang pagmamaliit sa kapasidad ng mga kababaihan,
sinabi niya ito dahil alam niyang lubhang masunurin ang mga Pilipina at ang ugaling ito ay siyang
dahilan kung bakit siya madaling mamanipula ng simbahan. Kung titignan kasi natin ang
sitwasyon, kung puro pagluhod, paghalik sa kamay at pagsunod sa mga utos ng pari ang alam na
gawin ng bata, anong klaseng Pilipino ito paglaki nila?
Binanggit din niya sa sanaysay na kung ang mga prayle nga ay totoong mga
representante ng Diyos, bakit hindi sila marunong tumulong sa kapwa? Bakit imbes na gamitin
ang pera ng simbahan sa pagpapakain ng mahihirap, ginagasta lamang nila ito sa pagbili ng
mga mamamahaling dekorasyon sa altar?
Sinabi rin ang ukol sa paghalik sa mga kamay na hindi naman daw naging ugali ni
Hesus at ang implikasyon na nagpapakita lamang ito ng kanilang egoismo o mataas na
pagpapahalaga sa sarili na hindi naman angkop sa kanila sapagkat dapat nga sila maging
mapagkumbaba kung tunay at matapat sila sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng Diyos.

Dagdag pa dito, hindi dapat nanghihingi ng pera kapalit ng mga dasal nila dahil kung
ang Santong si John nga ay hindi nanghingi ng kahit ano mang kapalit sa kanyang pagbibinyag sa
ilog Jordan at maging si Hesus na walang hiningi bilang kapalit ng kanyang pagtuturo.
Kung palalawakin natin ang larawan na ito, ang nais lamang sabihin ni Rizal ay, ito ang
uri ng mga taong sinusunod natin sa lipunan. Sinasabi nilang batid kuno nila kung ano ang
nararapat dahil nga sila ang mga pinili ng Diyos upang magsilbing ilaw ng buong sanlibutan. Ang
problema nga lang sa ganitong sitwasyon ay hindi nakapagbigay liwanag ang mga prayleng ito sa
mga mamamayan bagkus nagpakita lamang ng mga ugaling malayo sa imahe ng Diyos na kulang
na lang ay sabihin mong ang Diyos mismo ay nabibili ng pera at maluho sapagkat ganitong klase
ang kanyang mga alagad.
2. TUNGKOL SA KATAMARAN NG MGA PILIPINO
Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga
Pilipinoy hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa
Mindanaw at Sulu. Paanoy ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang
sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang ibay wala at kasama sa mga
pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastilay maraming digma at kaguluhan
sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong
malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat
sa Sulu palibhasay walang sukat maipananggol sa sarili.
Ang pagsasakay napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng
pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang
tigil na paggawa ng mga barko, kayat maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy
sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kayat naging mga
mapagpabaya.
Ang Pilipinoy hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto.
Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino,
silay pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba namay pinipilit na sa kanila
ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsay wala pang bayad o kayay
dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan.
Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyoy sinasarili ng gobernador, at sa halip
pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niyay ang kanyang
kapakanan kayat sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa
pangangalakal. Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at itoy isa pa ring nagpapalala ng katamaran.
Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi
nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng
katamaran. Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong
nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin. Ang sistema
ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na magpasigla

sa Pilipino. Siyay nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa


paggawa.
Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin
bilang isang bansa palibhasay pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan
na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.

3. ANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON


Ipinakita ni Rizal ang mga pagbabago na naidulot ng pagkasakop ng Pilipinas sa Espanya. Kung
saan, ang dating pinuno sa Pilipinas ay napasailalim sa mga dayuhan dahil na rin sa pagasang
pag-unlad mula sa mga mananakop. Unti--unting naisantabi at nalimutan ng mga Pilipino ang
kanilang mga katutubong tradisyon, mga awitin, tula at mga paniniwala nang sa gayon ay
mayakap ang mga bago at dayuhang doktrina, na sa totoo'y hindi naman nila naiintindihan.
Ikinahiya at tinanggihan ng mga Pilipino ang sarili nilang kultura.
Hinangaan at pinuri ng mga Pilipino ang anumang bagay na banyaga hanggang sa
nagapi ng dayuhan ang kanilang puso at diwa. Lumipas ang mga taon, ang relihiyon ay
nagpakitang gilas din kung saan ginamit ang pagsamba sa Diyos upang akitin at sa huli'y
pasunurin at mapasailalim ang mga Pilipino sa kagustuhan ng mga dayuhan. Nang makuha ang
loob ng mga Pilipino ay itinuring na parang hayop, inalisan ng kaisipan at damdamin at
ginawang mga alipin upang pagsilbihan ang mga dayuhan sa ikauunlad ng Espanya. Muling
nabuhay ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino dahil sa mga pasakit at panghihiya na
kanilang naranasan. May ilang damdaming nagising sa katotohanan sa mga kahayupan at
paniniil ng mga dayuhan dahil na rin sa patuloy na pag-alipusta at pagsasamantala na
unti-unti ay gigising sa lahat.

COMPILATION
SAAN KARANIWANG ITINATAYO ANG MONUMENTO NI RIZAL?
1. SA MGA PAARALAN. Si Rizal ay isang simbolo ng isang masipag at matalinong mag-aaral,
kadalasan sa paaralan ito itnatayo ang kanyang rebulto upang magbigay inspirasyon sa mga
mag-aaral ang katalinuhan at kasipagan ni Rizal na ipinamana niya sa pamamagitan ng kanyang
mga akda na ating inaaral sa mga paaralan. Binigyan diin ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyon
na siyang magiging susi sa ating pagtatagumpay.
2. SA MGA LIWASAN AT PARKE. Ang Parke ay isang sa mga importanteng bahagi ng bawat lungsod,
si Rizal ay nakikilala bilang isang manlalakbay na pumunta sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Ang
kanyang mga rebulto ay kadalasang tinatayo sa mga lugar na kanyang pinaglakbayan upang
magbigay alaala, pugay at importansya sa ating bayani. Ang pinaka popular na rebulto ni Rizal ay

matatagpuan sa Rizal Park na nasa siyudad ng Maynila, sa nasabing pook binitay ang ating
pambansang bayani.
ITALA ANG MGA BAGAY AT SISIMBOLO NA HAWAK NI RIZAL SA MGA MANUMENTO
1. Aklat. Ang aklat ay sumisimbolo sa mga akda ni Rizal na Noli me Tangere at El Filibusterismo,
Ang mga Akdang ito ang pumukaw sa damdamin ng mga Pilipino upang maging makabayan at
ipaglaban ang minimithing kalayaan.
2. Pluma at Papel. Ang Pluma at Papel ay sumisimbolo sa mga ambag ni Rizal sa panikitan. Ang
pagsusulat din ang kanyang naging sandata laban sa mga Kastila.
3. Suitecase. Ito ay nagpapakita ng pagiging manlalakbay ni Rizal, si Rizal ay naglakbay sa ibat ibang
bahagi ng mundo upang mag-aral at mag obserba.
4. Sulo. Ito ay sumisimbolo sa Liwanag at Pag-asawa. katulad ng mga pinaglalaban ni Rizal na
Kaliwanagan sa ating mga hangarin sa bayan at pag-aga sa makamit ang kalayaan at katarungan.
SIMBOISMO NG MGA MATERYALES NA GINAMIT SA MGA MONUMENTO
1. Paggamit ng batong Obelisk na may tatlong Bituin. Ito ay sumisimbulo sa pagiging mason ni
Rizal at ang mga Bituin ay ang Luzon, Visayas at Mindanao.
2. Dahon at Paso na gawa sa bato. Tumutukoy sa mga natural na resources ng ating bansa.
3. Marble. Ginagamit ito sa kadahilanang nuong inilibing si Rizal sa Paco, sa marble isinulat ang
kanyang initials upang maging palatandaan.
4. Granite. Nakilala si Rizal bilang isang mapagkumbabang nilalang. Kaya ang mga materyales na
ito ay pangkaraniwan at hindi mura.
5. Stainless steel. Ginamit ito sa monumento ni Rizal sa Luneta upang muling bigyang buhay ang
Rebulto ni Rizal at mapataas ang sukat nito na mula 12.7metro ay naging 30.5 metro.

SIMBOLO NG MGA POSISYON NI RIZAL SA MGA MONUMENTO.


1. Heroic. Ito ay mula isang istillo na tinatawag na classic heroic. Sumasagisag ito sa pagpapakita ni
Rizal ng katapang at kabayanihan.
2. Mother with her child. Sumisimbolo ng kahalagahan ng Pamilya.
3. Children reading. sumisimbolo ng kahalagayan sa Edukasyon.
LAYUNIN NG PAGTATAYO NG MONUMENTO NI RIZAL

Itinatayo ang mga Rebulto ni Rizal upang magbigay aalala sa kanyang kabayanihan, at
mga importanteng naganap naganap sa kanyang panahon. Ang mga Rebultong itinayo para kay
Rizal ay nagsisilbing gabay saatin na nag papaalala ng mga aral ni Rizal upang makamtam ang
mga hinahangad sa buhay. ang mga Rebultong ito ay nagiging sagrado na nagbibigay ng
positibong pananaw na maari nating iapply sa araw-araw nating gawain. Ang kahalagan naman
ng mga sukat nito ay para mas marami ang makakita at makapansin sa rebulto.
SIMBOLO NG BANTAYOG NI RIZAL KUNG SAAN AY BUHAY SIYA NG HUBAD NA KALALAKIHAN
Ang Rebulto ni Rizal sa Catbalogan samar na mabuhat ng tatlong hubad na kalalakihan
ay gawa ng isang iskulptor na si Miguel Alcazar na mula sa UP college of Fine Arts.
Ang tatlong lalaki ay sumisimbolo sa tatlong regional groupings of Luzon Visayas at
Mindanao. Ang mga modelong ginamit ay siya at ang kanyang mga kaibigan.
Ang pagiging hubad ng mga kalalkihan o OBLATION ay base sa ikalawang saknong ng MI
ULTIMO ADIOS o AKING HULING PAALAM na isang akda ni Rizal.
In fields of battle, deliriously fighting,
Others give you their lives, without doubt, without regret;
Where theres cypress, laurel or lily,
On a plank or open field, in combat or cruel martyrdom,
If the home or country asks, it's all the same--it matters not.

Reaksyon
Ballet Manila
Ang proyektong PROJECT BALLET FUTURES ay tumutulong sa mga kabataang nais
tumulong sa mga kapuspalad na nais matutong mag ballet. Ang proyektong ito ay inilunsad
noong 2008 na nagbibigay ng scholarship sa mga kabataang mula sa pambublikong paaralan.
Ang mga bata ay kinakailangan makapa sa kanilang Dance Audition upang ang mga may
potential na maging isang magaling na mananayaw. Bukod sa pagbibigay ng skolarship sa mga
bata, sila din ay may libreng supply ng ballet shoes at mga kasuotan. Bukod dito, ang proyekto
ay nagbibigay din nga mga gatas, bitamina, at mga masusustansyang pagkain na kinakailangan
ng mga batang mananayaw. Sa kasulukuyan mayroon silang 50 na kabtaang iskolar. Ang Ballet
Manila ay pinamumunuan ni Lisa Macuja-Elizalde na tinagurian Prima Ballerina.
Noong Ika-22 ng pebrero, Ipinalabas ang ika 20 anibersaryo ng Ballet Manila p na
pinamagatang,"BM 2.0" Pinasimulan ni Lisa Macuja ang programa at nagpasalamat siya sa mga
manunuod. Ang programa nahahati sa tatlong pagtatanghal, una ay ang Paquita na nagpapakita
ng kanilang "vaganova" training. Ito ay napaka tradisyonal at napakasigla, ang mga mananayaw
ay naka dilaw na kasuotan at ang bida ay naka pula upang mabigyan pansin ang kanyang
presensya sa etablado. Sumunod naman ay ang "Bloom" na nagpapakita ng mga marti al arts na
mga kilos habang sumasayaw sa etablado. ang huli naman ay tinaguriang "Ecole" na may
kahulugang "rite of passage" ng dalawang generasyon ng mga mananayaw ng Ballet Manila.
Ipinakita dito ang mga bagong mananayaw ng mga Ballet Manila patio narin ang ilan sa kanilang
mga iskolar na magiging mga magaling na mananayaw sa kinabukasan.

Proyekto sa HIST 1023:


Buhay, Mga Gawain at Sinulat ni Rizal
Ipinasa ni:

Nikki L. Oliva #42


ABE 2-2

Mga Nilalaman:

LITERARY
SANAYSAY
COMPILATION
REAKSYON

Ipinasa kay:
Prof. ESTRELITA C BAGSIC
March 09 2015

You might also like