You are on page 1of 23

EL AMOR PATRIO

LOVE OF COUNTRY
“PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA”
BY: DR. JOSE RIZAL

GROUP 4 – SHAYNE GALO, BEATRIZ DE LEON, DYAN QUIMING, LOUISSE KYLE JAVIER, NICOLE ADRIANNE LONTOK
Ang El Amor Patrio ay
kaniyang inialay sa Inang
Bayan.

Ipinahayag ni Rizal ang


kaniyang masidhing
pagmamahal sa bayan
na kahit gaano man kaganda
ang Europa, babalik at babalik
siya sa Pilipinas.

Ipinapahiwatig ng sanaysay
na ito na ang pag-ibig sa ating
bayan ay isang dahilan upang
makagawa ng mga dakilang
bagay gaya ng
pag-aalay ng buhay para dito.
BACKGROUND
Rizal wrote this essay in Barcelona, Spain; June
1 1882.

2 Rizal wrote this essay when he was 21 years old.

El Amor Patrio is the most beautiful essay that he


3 make.

It was published under the name of “Laong Laan” in


4 Diariong Tagalog Manila (August 20,1882).

First article that Dr. Jose Rizal wrote and given to


5 Basilio Teodoro.
Simbolismo

“Pawis ng mga
Liwanag manggagawang
Pawis pilipino.”

“Pilipinas na pilit na lumalaban


sa mga nanakop nito.”
Ulap Inang
Bayan “Ang bansang
“Mga mananakop na gustong Pilipinas.”
sakupin ang inang bayan.”
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

Narito ang isang magandang paksa; at dahil din sa kanyang kagandahan ay


napakadalas nang talakayin. Ang pantas, makata, makasining, manggagawa,
mangangalakal, o mandirigma, matanda o bata, hari o alipin -- ang lahat ay
nakapag-isip na tungkol sa kanya, at nakapaghandog ng pinakamahalagang bunga
ng kanilang isip o ng kanilang puso. Buhat sa taga Europang mulat, malayat mapag
malaki sa kanyang maluwalhating kasaysayan, hanggang sa negro sa Aprika, na
hinango sa kanyang mga kagubatan at ipinagbili sa hamak na halaga; buhat sa
matatandang bayang ang mga aninoy aali-aligid pa sa kanilang mga mapapanglaw
ng guho, libingan ng kanilang mga kaluwalhatiat pagdurusa, hanggang sa mga
bansang makabagot lagi ng kumikilos at puno, ng buhay, ay nagkaroon ay
mayroong isang pinakamamahal na dilag, maningning, dakila, ngunit walang habag
at malupit, na tinatawag na Inang-Bayan.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

Libu-libong dila ang sa kanyay umawit, libu-libong kudyapi ang naghandog sa kanya ng
kanilang mga makatang lalong matataas ang pangarap, ang naghain sa kanyang harap o
sa kanyang alaala ng kanilang piankamaningning na katha. Siya ang naging sigaw ng
kapayapaan ng pag-ibig at ng kaluwalhatian, palibhasay siya ang laman ng lahat ng pag-
iisip, at katulad ng liwanag na nakukulong sa isang malinis na bubog, siyay tumatagos
hanggang sa labas, na parang mga sinag na buhay na buhay. At ito bay magiging sagwil
upang siyay pag-ukulan natin ng panahon? At tayo bay hindi maaaring mag-ukol sa kanya
ng anumang bagay, tayong walang ibang kasalanan kundi ang pagkakahuli ng pagsilang
sa maliwanag? Nagbibigay ba ang dantaong ika-labinsiyam ng karapatang huwag
kumilala ng utang na loob? Hindi. Hindi pa nasasaid ang mayamang mina ng puso;
sagana pa tuwina ang kanayang alaala, at bahagya man ang pagkakapukaw ng kanyang
alaala, at bahagya man ang pagkapukaw ng ating kalooban, ay makasusumpong tayo sa
kaibuturan ng ating kaluluwa na kung di man isang masaganang kayamanan, ay abuloy
na bagaman dahop ay puspos naman ng kasiglahan.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

Katulad ng mga matatandang ebreong nangag- alay sa templo ng mga kauna-unahang


bunga ng kanilang pag-ibig, tayong mangingibang lupain ay nag-uukol ng mga kauna-
unahang tinig sa ating Inang-Bayang nababalot ng mga panginorin at mga ulap ng
umaga, lagi nang maganda at matulain, at sa tuwi-tuwinay lalong sinasamba habang
sa kanyay nawawalay at nalalayo.

At itoy hindi nararapat pagtakhan sa dahilang ang pag-ibig sa inang-bayay isang


damdaming tunay na katutubo; sapagkat naroroon ang mga kauna-unahang alaala ng
kamusmusan, isang masamang tulang awitin na ang kabataan lamang ang
nakakikilala at sa mga bakas nitoy sumisibol ang bulaklak ng kawalang-malay at ng
kaligayahan; sapagkat dooy nahihimbing ang buong nakaraan at nababanaagan ang
isang hinaharap; sapagkat sa kanyang mga kagubatan at sa kanyang mga
kaparangan, sa bawat punungkahoy, sa bawat halaman, sa bawat bulaklak, ay
nakikita ninyong nakaukit ang gunita ng isang nilikhang minamahal ninyo, gaya ng
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

hininga niya sa mahalimuyak na simoy ng hangin, ng kanyang awit sa mga bulong ng bukal, ng
ngiti niya sa bahaghari ng langit,o ng mga buntung-hininga niya sa magulong halinghing ng
hangin sa gabi. Ang sanhi nitoy sapagkat dooy nakakikita kayo, sa pamamagitan ng mga mata
ng inyong gunita, sa ilalim ng tahimik na bubong ng matandang tahanan, ng isang angkang nag-
aalaala at naghihintay sa inyo, nag-uukol sa inyo ng mga isipan at mga pagkabalisa nila; sa
wakas, sapagkat sa kanyang langit, sa kanyang araw, sa kanyang mga karagatan at sa kanyang
mga kagubatan ay nakakatagpo kayo ng tulain, ng paggiliw at ng pag-ibig, at hanggang sa
libingan na ring pinaghihintayan sa inyo ng isang abang puntod upang kayoy isauli sa
sinapupunan ng lupa. Mayroon kayang isang kadiyusang nagtatali ng ating mga puso sa lupa ng
ating inang-bayan, na nagpapagandat nagpaparilag sa lahat, naghahandog sa atin ng lahat ng
bagay sa ilalim ng isang anyong matulain at malambing, at nakararahuyo sa ating mga puso?
Saapagkat sa papaano mang anyo humarap siya, maging nararamtan ng matingkad na pula,
napuputungan ng mga bulaklak at laurel, makapangyarihan at mayaman; maging malungkot at
nag-iisa, nababalot ng basahan, at alipin, nagmamakaawa sa kanyang mga anak na alipin din;
maging anakiy diwata sa isang halamang maalindog, naliligid ng mga bughaw na alon ng
karagatan, nakahahalina at marikit, gaya ng pangarap ng napaglalalangang kabataan;
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

maging natatakpan ng isang lambong ng yelo, nakaupong malungkot sa mga dulo ng


daigdig, sa silong ng isang langit na walang araw at walang tala; maging anuman ang
kanyang ngalan, ang kanyang gulang o ang kanyang kapalaran, siyay lagi na nating
minamahal, gaya ng pagmamahal ng anak sa kanyang ina sa gitna ng gutom at ng
karalitaan.

At bagay na kataka-taka! Habang siyay lalong abat kulang-palad, habang lalong


nagdurusa nang dahil sa kanya, ay lalo naman siyang sinasamba hanggang sa
nagtatamo ng kaligayahan sa pagtitiis ng dahil sa kanya. Napansing ang mga
naninirahan sa mga bundok at sa mga di-linang na kaparangan, at yaong mga
isinilang sa lupang tigang o mapanglaw, ay siyang nag-aangkin ng lalong buhay na ala
- ala ng kanilang bansa, at walang nasusumpungan sa mga lunsod maliban sa
malabis na pagkainip na siyang pumipilipit sa kanilang magbalik sa kanilang tinubuang
lupa. Ito kayay dahil sa ang pag- ibig sa inang-bayay siyang pinakawagas,
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

pinakamagiting at pinakadakila? Ang pagkilala kaya ng utang na loob, ang pagkalugod sa lahat ng
nakapagpagunita ng ating mga kauna-unahang araw, ang lupa kayang kinahihimlayan ng ating
mga nuno, ang templong kinadoroonan ng sinasamba nating Diyos sa pamamagitan ng katapatan
ng walang malay na kamusmusan; ang tunog ng batingaw na nakaaaliw sa atin buhat sa
pagkabata, ang mga malalawak na kaparangan, ang lawang bughaw, na may mga kaakit-akit na
pasigan ng mga bulaklak na parang pugad ng pag-ibig; o ang ganitong matamis na damdamin?
Ang sigwa kaya, na kumakawala, humahagupit at naghahapay, sa pamamagitan ng kanyang
kakilakilabot na haginit, ng tanang nasasagasaan sa dinaraanan niya; ang lintik kayang nakatakas
sa kamay ng nakapangyayari at pumupuksa sa bawat tamaan; ang agos kaya o ang talon ng tubig,
mga bagay na walang tantan ng paggalaw at walang tugot ng pagbabala? Ang lahat kayang ito
ang sa atiy nakaaakit, nakararahuyot nakahahalina? Marahil, ang mga kariktang ito o ang mga
sariwang gunita ang siyang nagpapatibay sa taling bumibigkis sa atin sa lupang sinilangan at
nagbubunga ng matamis na katiwasayan kapag tayoy nasa-ating bayan, o kayay ng matinding
kapanglawan kapag tayoy nalalayo sa kanya, simula ng isang malupit na karamdamang
tinatawag na "nostalgia" (matinding pag- aalaala sa sariling tahanan o bayan). O! Kailanmay
huwag ninyong pasakitang-loob ang taga-ibang lupa, ang umaahon sa inyong mga dalampasigan;
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

huwag ninyong gisingin sa kanya ang buhay na gunita ng kanyang bayan, ng mga ligaya sa
kanyang tahanan, sapagkat kung magkakagayon, silay mga sawimpalad ng gigisingin ninyo sa
kanila ang karamdamang yaon, masugid na multong hindi hihiwalay sa kanila hanggang hindi
masilayan ang tinubuang lupa, o hanggang sa tumugpa sa bingit ng hukay. Huwag kayong mag
buhos kailanman ng isang patak ng kapaitan sa kanyang puso, palibhasay sa ganitong
pagkakataon ay nag-iibayo ang mga dalamhati kung ihahambing sa mga kaligayahan sa
nawalang tahanan.

Tayo ngay ipinanganganak, lumalaki, tumatanda, at namamatay na nagsisimpan ng banal


na damdaming ito. Ito kaipalay siyang lalong nananatili, kung mayroon mang kapanatilihan sa
puso ng tao, at tila hindi siya humihiwalay sa atin kahit na sa libingan na rin. Si Napoleon, na
nakikinikinita na niya ang madilim na kailaliman ng libingan, ay nakagunita sa kanyang Pransiya,
nalabis niyang pinakamahal, at sa pagkakatapoy pinaghabilinan niya ng kanyang mga labi, sa
pananalig na sa sinapupunan ng kanyang inang-bayan ay makakasumpong ng lalong matamis
na pagpapahingalay. Si Ovidio, na lalong kulang-palad, sa pagguguniguning kahit na ang mga
abo niyay hindi na makabalik sa Roma, ay naghihingalo sa Ponto Euxino, at inaaliw ang sarili sa
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

pag-aalaalang kung hindi man siya, ang mga tula man lamang niyay makamamalas sa kapitolyo.
Noong bata pa tayoy nawili tayo sa mga laro; nang magbibinata nay nalimot na natin ang mga
yaon; nang magbinata nay humanap tayo ng ating pangarap; nang mabigo naman tayoy
tinangisan natin ito; at tayoy humanap ng lalong tunay at lalong kapaki-pakinabang; nang tayoy
maging ama nay namatayan tayo ng mga anak at pinapawi ng panahon ang ating hapis, gaya ng
pagpawi ng hangin sa dagat sa mga baybayin habang nalalayo sa mga ito ang sasakyan.
Datapuwat, sa kabilang dako, ang pag-ibig sa inang-bayan ay hindi napaparam kailanman kapag
nakapasok na sa puso, palibhasay nagtataglay sa kanyang sarili ng tatak na maka-Diyos na
ikinapagiging walang kamatayat walang hanggan. Sinasabing ang pag-ibig kailanman ay siyang
pinakamakapangyarihang tagapagbunsod ng mga gawang lalong magiting; kung gayon, sa lahat
ng mga pag-ibig, ang pag-ibig sa inang-bayan ay siyang nakalikha ng mga gawang lalong dakila,
lalong magiting at lalong walang halong pag-iimbot. Kung hindiy bumasa kayo ng kasaysayan ng
mga ulat ng pangyayari taun- taon, ng mga alamat; pumasok kayo sa sinapupunan ng mga mag-
anak; anong mga pagpapakasakit, mga pagbabata at mga luha ang ibinubuhos sa kabanal-
banalang dambana ng inang-bayan! Buhat kay Bruto, na nagparusa sa kanyang mga anak na
pinaratangan ng pagtataksil hanggang kay Guzman, ang mabuti, na pumayag na patayin ang
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

kanyang anak, huwag lamang siyang magkulang as tungkulin; anong mga dula, mga sakuna,
mga pagpapakasakit ang hindi naisagawa alang-alang sa kagalingan ng hindi mapalubay na
kadiyusang iyong walang maipapalit sa mga anak nila, maliban sa pasasalamat at mga pagpapala.
At gayunman, sa pamamagitan ng mga bahagi ng kanilang pusoy nagtatayo sila ng maluwalhating
bantayog sa inang-bayan; sa pamamagitan ng mga gawaa ng kanilang mga kamay, sa
pamamagitan ng pawis ng kanilang mga noo ay dinilig at napamunga ang banal na punung-kahoy,
at hindi sila naghintay ni nagkaroon ng anumang gantimpala!

Masdan ninyo roon ang isang taong nagkukulong sa kanyang silid; sa kanyay lumilipas ang
lalong mahahalagang araw, ang mga mata niyay lumalabo, ang buhok niyay nangangabo at
nalalagas na kasama ng mga pangarap niya; ang katawan niyay nakukuba. Sinasaliksik niya sa
loob ng maraming taon ang isang kaatotohanan, nalutas niya ang isang suliranin: ang pagkagutom
at pagkauhaw, ang ginaw at alinsangan, ang mga karamdamat kasawian ay humarap na sunud-
sunod sa kanya. Papanaog siya sa libingan, at sinamantala ang kanyang paghihingalo upang
ihandog sa inang-bayan ang isang pumpon ng bulaklak para sa korona nito, isang katotohanan,
bukal at simula ng libong pakinabang. Ibaling ninyo ang tingin sa ibang dako; isang taong
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

dinarang ng araw ang nagbubungkal ng lupa upang paglagakan ng isang binhi; siyay isang
magbubukid. Siyay umaabuloy din sa pamamagitan ng maliit bagamat makabuluhang paggawa,
sa kaluwalhatian ng kanyang bansa. Ang inang-bayay nasa panganib ! Sumusulpot sa lupa, na
parang malikmata, ang mga mandirigmat mga pangunahin. Iniiwan ng mga ama ang mga anak,
ng mga anak ang ama, at lahat silat dumadaluhong upang magtanggol sa ina ng lahat.
Nagpapaalam sila sa tahimik na pakikipagbaka sa tahanan at inililingid sa ilalim ng talukap ng mga
mata ang mga luhang pinadadaloy ng kalambutan ng loob. Silay nagsiyao, at lahat ay namatay.
Marahil, siyay ama ng maraming anak na mapupulat kulay sagang katulad ng mga kerubin,
marahil siyay isang binatang may pag-asang nakangiti; anak man o mangingibig ay hindi
nakakasalabid! Ipinagtatanggol niya ang sa kanyay nagbigay ng buhay, natupad niya ang kanyang
tungkulin. Si Codro man o si Leonidas, kahit na sino siya, ang inang-bayan ay matututong
umalaala sa kanya. Ipinara ng ilan ang kanilang kabataan, ang kanilang kaligayahan; ang ibay
naghandog sa kanya ng kaningningan ng kanilang kadalubhasaan; ang mga itoy nagbubo ng
kanilang dugo; ang lahat ay namatay at nagpamana sa kanilang inang-bayan ng isang malaking
kayamanan; ng kalayaan at ng kaluwalhatian. At siya, ano ang nagawa niya para sa kanila? Silay
tinatangisan niya at buong pagmamalaking inihaharap sa daigdig, sa mga ipanganganak pa at
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

magiging anak ng mga ito upang maging halimbawa. Datapuwat ay! Kung sa kababalaghan ng
iyong ngalan, o Inang-bayan! Ay nagniningning ang mga kabaitang lalong makabayani, kung sa
iyong ngalay naisasagawa ang mga pagpapakasakit na higit sa kakayahan ng tao, as kabilang
dako namay gaanong pang-aapi…! Buhat kay Hesukristong puspos ng pag-ibig, na pumanaog sa
lupa sa ikagagaling ng sangkatauhan, at namatay alang-alang sa kanya sa ngalan ng mga batas
ng kanyang bayan, hanggang sa mga lalong di-kilalang sinawi ng mga makabagong paghihimagsik
ilan, ay! ang hindi nagtiis at namatay sa iyong ngalang kinamkam ng iba! Ilang sinawi ng
pagtatanim, ng pag- iimbot o ng kamangmangan, ang hindi namatay, na nagpapala sa iyo, at
nagnanais para sa iyo ng lahat ng uri ng kapalaran!

Maganda at dakila ang inang-bayan, kapag ang anak niya, sa sigaw ng pakikipaglaban, ay
gumayak sa pagtatanggol sa matandang lupa ng kanilang mga ninuno; malupit at mapagmalaki,
kapag, buhat sa mataas niyang luklukan ay nakikita ang dayuhang tumatakas sa sindak sa harap
ng hukbong hindi magapi ng kanyang mga anak. Datapuwat ang kanyang mga anak, na
nagkakahatihati sa magkakalabang pangkatin ay nagpapatayan; kapag ang poot at pagtatanim sa
kalooban ay nagwawasak ng mga parang, mga bayan at mga lunsod, sa gayon, ay niluluray niya
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

sa kahihiyan ang kanyang balabal, at matapos itapon ang setro, ay nagluluksa dahil sa mga anak
niyang namatay. Maging anuman nga ang kalagayan natin, ay nararapat nating mahalin siya at
walang ibang bagay na dapat naisin tayo kundi ang kagalingan niya. Sa gayoy gagawa tayo,
alinsunod sa tadhana ng sangkatauhang itinakda ng Diyos, na dili iba kundi ang pagkakasundot
kapayapaang pandaigdig ng mga nilikha niya. Kayong nawalan ng mithiin ng inyong kaluluwa;
kayong sa pagkaksugat ng inyong pusoy nakita ninyong naglahong isa-isa ang inyong mga
pangarap at katulad ng mga punungkahoy sa tag-ulan, ay nasumpungan ninyo ang inyong sariling
walang bulaklak at walang dahon at gayong nananabik na magmahal ay wala naman kayong
makitang karapat-dapat sa inyo, nariyan ang inang-bayan, mahalin ninyo siya. Kayong nawalan ng
isang ama, ng isang ina, ng isang kapatid, ng isang asawa, ng isang anak, ng isang kasintahan,
sa wakas, na siyang pinagbatayan ng inyong pangarap, at sa inyong sariliy nakatagpo kayo ng
isang malalim at kasindak-sindak na kawalan, nariyan ang inang-bayan; mahalin ninyo siya ng
gaya ng nararapat. Mahalin ninyo siya, oo nga, ngunit hindi gaya ng pagmamahal sa kanya ng
nakaraang panahon, sa paggawa ng mga malulupit na kabanalang itinakwil at sinumpa ng tunay
na kabaitang-asal at ng inang kalikasan; hindi sa pagpaparangalan ng pananampalatayang bulag,
ng pagwawasak at ng pagkamalupit, hindi nga. Lalong kaaya-ayang bukang-liwayway ng
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
By: Dr. Jose Rizal

sagisag ng mga araw na maligaya at matahimik. Kautangan nating manunton sa matigas ngunit
payapat mabungang landas ng agham na humahantong sa pag-unlad, at buhat dooy sa pagkaka
isang nilunggatit hiningi ni Hesukristo sa gabi ng kanyang pagpapakasakit.

LAONG-LAAN BARSELONA
HUNYO, 1882
LOVE FOR COUNTRY
It inspired a plebian Manileno named Andres
Bonifacio to write a poem faithfully echoing it.

Titled “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” (Love of the


Native Land), Bonifacio’s long Tagalog poem was
published in the Katipunan newspaper “Kalayaan”
(liberty) in its first issue in January 18, 1896

It’s first, sixth, seventh and eight stanzas were


taken from the preceding passages of El Amor
Patrio.
STANZAS
“What other love that can surpass/In purity and in
greatness,/The love of the native land?/What other
love? No, none there is.”

“Why? What immense possession is this/That all


obedience to her is tendered?/And to make her
more esteemed ever,/Sacrificed even a life so
sacred.”

“Ah! It is the native Land of birth;/She is the


mother, and from her only/Was first seen the
pleasant rays of the sun/That gives warmth to the
callused body.”

“Owed to her is the very first taste/Of the breeze


that gives remedy/To the aggrieved heart that
struggles/In the depths of grief and agony.”
LOVE OF
COUNTRY
Bonifacio read this essay when
he was 18 yrs. Old.

This was the first of Rizal’s


works that had shaped and
sharpen his political convictions.

The message of this essay is


wisdom urged the Filipinos to
invest their time, strength, and
knowledge for motherland.
LOVE OF COUNTRY
SILVESTRE UBALDO
BROTHER IN-LAW OF JOSE RIZAL
Cautioned him a letter dated January 19,1883.
What can we learn?
The idea of dying for the country
reverberated in Rizal’s writings. In a
letter to Mariano Ponce, he declared:
"If one has to die, at least one must die in
his own country, by his country, and for his
country."
REFERENCES

 DG, Z. (2011, September 26). Love of country. Retrieved from


https://www.slideshare.net/nezohj/love-of-country
 Charm0611 Follow. (2013, February 15). Love of country (2). Retrieved from
https://www.slideshare.net/charm0611/love-of-country-2-16561238
 Bonoan, R. J., & S.j. (n.d.). Rizal's First Published Essay: El Amor Patrio.
Retrieved from
http://www.philippinestudies.net/ojs/index.php/ps/article/view/678/680

You might also like