You are on page 1of 3

FA4: Activity Sheet

Analysis of Rizal’s Literary Works: Poetry

Name: ______________________________________ Section: _____________

1. Sa Kabataang Pilipino Rubric


Own Perspective/Interpretation Ideas from the Gallery Walk
Binansagan ni Rizal ang kabataan bilang pag-
asa ng bukas sapagkat ang kabataan ay A. Content of the
Analysis
biniyayaan ng Diyos ng katalinuhan na siyang
maaaring maging susi para sa magandang /3
B. Relevance of
kinabukasan. Pinaparating ni Rizal sa mga the Ideas
kabataan na huwag nilang sayangin ang
/2
kanilang talino at mga talento bagkus ay dapat
nila itong pagyabungin at linangin. Sinabi niya
rin na ang taglay na talino ng bawat kabataan ay Total
siyang magsisilbing liwanag sa gitna ng
kadilimang bumabalot sa ating bayan. Gumamit
din si Rizal ng mga tauhan at lugar mula sa
Griyegong mitolohiya upang ilahad ang
kaniyang damdamin. Isang halimbawa ay ang
paggamit niya sa ika-limang saknong ng lugar
na Olimpo na siyang simbolo ng katalinuhan at
kagitingan. Sa aking pagkakaunawa sa saknong
na ito, nais niyang iparating sa mga kabataan na
kung nanaisin natin na makarating sa Olimpo o
makamit ang kadakilaang ating minimithi ay
kaya natin sapagkat tayo ay biniyayaan ng sapat
na kakayanan at galing.
2. Ang Kinaligpitan ko Rubric
Own Perspective/Interpretation Ideas from the Gallery Walk
Katulad ng ibang mga likhang tula ni Rizal,
naipamalas sa tulang ito ang galing niya sa A. Content of the
Analysis
pagpapahayag ng kaniyang damdamin sa
pamamagitan ng pag-uunay at paglalarawan /3
B. Relevance of
niya ng kapaligiran. Inilarawan niya dito ang the Ideas
kaniyang buhay sa Dapitan. Kung ating susuriin
/2
ang tula, iniuugnay niya ang kaniyang
kasiyahan sa katahimikan ng paligid, sa
luntiang damuhan, sa pag-agos ng tubig sa Total
batis, ang paghampas ng alon sa dagat, ang
sariwang hangin at ang mga bituin sa langit
kapag gabi. Nais ni Rizal na iparamdam sa mga
mambabasa ang ginhawang kaniyang nadarama
dulot ng mga simpleng bagay na ito at kung
gaanong kapayapaan ang naidudulot nito sa
kanyang isipa’t damdamin. Bilang maka-Diyos
ay nagbigay pugay din si Rizal sa Panginoon sa
tulang ito. Itinuring niyang kaibigan ang Diyos
na lagi niyang kasama sa hirap at ginhawa.
Ipinahayag din sa tulang ito ang naramdaman
niyang kirot nang inalala niya ang kaniyang
minamahal na si Leonor Rivera at ang kanilang
mga pangako sa isa’t isa. Sa padulong bahagi
ng tula ay ihinambing niya ang kaniyang sarili
sa isang paru-parong hanap ay bulaklak at
liwanag. Ito ay sumisimbolo sa kaniyang
kagustuhan na matuto at makamit ang kaniyang
mga pangarap. Ito ay makikita sa ginawa
niyang paglisan sa kanilang bayan sa murang
edad para mag-aral sa Maynila. Nagpunta rin
siya sa iba’t ibang bansa upang matuto ngunit
tulad ng isang ibon na umalis at bumalik sa
kaniyang tahanan, si Rizal ay nakaramdam na
ng pagod. Pero sa kabila ng lahat ay
nagpasalamat pa rin siya sa Panginoon dahil
siya ay ginagabayan nito pabalik sa kaniyang
Lupang Sinilangan.
3. Karunungan at Bayan Rubric
Own Perspective/Interpretation Ideas from the Gallery Walk
Makailang ulit na binanggit sa tulang ito kung
gaano kahalaga ang dunong sa pag-unlad ng A. Content of the
bayan lalo’t higit na ng mga mamamayan. Analysis
Sinasabi rito na ang karunungan ang gagabay sa /3
isang tao patungo sa tamang landas sapagkat B. Relevance of
the Ideas
kapag ang isang tao ay may karunungan, may
kakayahan siyang malaman ang kaibahan ng /2
tama sa mali. Sa aking pagkakaintindi, nais
ding iapahayag ni Rizal na hindi lamang
Total
pagiging matalino ang ibig sabihin ng
pagkakaroon ng dunong. Sa halip, para sa
kaniya, ang taong may dunong ay mayroon ding
magandang asal, mapagmahal, may tapang at
hindi basta-basta sumusuko. Ang paksang ito ay
napapanahon pa rin sapagkat hindi lahat ng
taong matalino ay mayroon ding magandang
asal. Kung sana ang lahat ng Pilipino ay may
karunungan at magkakaisa ay tiyak na uunlad
ang ating bansa.

4. Isang Alaala ng Aking Bayan Rubric


Own Perspective/Interpretation Ideas from the Gallery Walk
Sa tulang ito ni Rizal, muli niyang binalikan
ang kaniyang masasayang alaala sa bayang A. Content of the
kaniyang kinalakihan, ang bayan ng Calamba Analysis
na matatagpuan sa Laguna. Ibinahagi niya ang /3
kanyang mga karanasan noong siya ay musmos B. Relevance of
the Ideas
pa lamang tulad ng paglilibot sa kagubatan at
pagtatampisaw sa tabing-ilog. Makikita natin sa /2
tulang ito ang pagiging malikhain at
mapagmasid ni Rizal sa murang edad sa
Total
pamamagitan ng kung papaano kadetalyado
niya inilarawan ang bayang kaniyang
kinalakihan. Binanggit niya rin sa tulang ito na
bagaman mayroon din siyang mga malulungkot
na karanasan sa kaniyang paglaki ay nariyan
ang kaniyang mahal na ina na nagsilbing
kaniyang unang guro at siya ring inspirasyon
niya sa maraming bagay tulad na lamang ng
pagkuha ng kursong medisina. Kaya naman
para kay Rizal, malaki ang naging impluwensya
ng kaniyang ina sa kaniyang mga nakamit sa
buhay. Bilang isang relihiyosong tao mula
pagkabata, inalala rin ni Rizal sa tulang ito ang
kapilya sa kanilang bayan na siyang lagi niyang
pinupuntahan upang magdasal habang
dinadama ang sariwang hangin. Sa kaniyang
pagbabalik tanaw ay ihinambing niya ang sarili
sa isang ibon na bumalik sa hardin.
5. Huling Paalam Rubric
Own Perspective/Interpretation Ideas from the Gallery Walk
Pinaparating ni Rizal sa kanyang tulang ito na A. Content of the
wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang Analysis
pagmamahal sa Inang Bayan kahit pa buhay /3
niya ang maging kapalit nito sapagkat wala B. Relevance of
the Ideas
siyang ibang hangad kundi ang mapabuti ang
kalagayan ng ating bansa at makalaya ang mga /2
Pilipino sa pang-aabuso ng mga Español.
Pinapakita rito na tanggap na niya ang kaniyang
Total
kapalaran at malugod niya itong tinatanggap
dahil alam niya sa kanyang puso’t isipan na siya
ay mamamatay na naglilingkod sa bayan. Sa
pamamagitan ng tulang ito ay nais niya ring
iparating sa kaniyang mga mahal sa buhay na
huwag nang damdamin ang kaniyang
kamatayan at hiniling niya na ipagdasal na
lamang ang kaniyang kaluluwa.

You might also like