You are on page 1of 34

A.

Panalangin
B.Pagpapaalala sa mga panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan sa
silid-aralan
C.Pagtsetsek ng Atendans
D.Kumustahan
E.Paglinang ng Talasalitaan
Kasanayan sa Pagkatuto:
F7PB-IVa-b-20
Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga
motibo ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi
ng akda
Maglahad ng mga salitang maaaring
iugnay sa balita. Ilahad ang dahilan ng
pagkaka-ugnay nito sa balita.

BALITA
Tingnan at suriin ang sumusunod na mga
larawan. Tukuyin kung anong uri ito ng ibon.
Gabay na tanong:

Ano – ano ang mga ibon na inyong


1. nakikita sa larawan?

Pamilyar ba kayo sa mga ibon na inyong


2. nakikita? Saan ninyo nakita ang ibon na nasa
ikatlong larawan?
Pangkatang Gawain
Ibigay ang mga katangian ng Ibong Adarna
gamit ang mga kuwadro ng impormasyon sa
ibaba.
Pagbibigay ng input ng guro.
 Hindi matukoy kung sino ang tunay na nagsulat ng
akdang ito na naging malaking bahagi ng panitikan ng
Pilipinas. Ngunit sinasabing nagmula ang korido sa
bansang Mexico.
 Ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna ay Corrido
at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at
nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
Pagbibigay ng input ng guro.

 Kahit hindi isinulat ng isang Pilipino, niyakap ito ng


marami dahil naangkop sa kultura at pagpapahalaga
ng bansa ang takbo ng kuwento nito, kabilang ang
pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa
magandang ugnayan ng bawat miyembro, at ang
pagiging mabuting anak. Kabilang din sa aral na
makukuha sa korido ay ang pananampalataya.
Pagbibigay ng input ng guro.

 May haka-haka na ang manunulat na si Huseng


Sisiw o Jose dela Cruz daw ang maaaring
nagsulat o nagsalin nito ngunit walang
makapagpatunay. Ang orihinal na bersiyong
nakarating sa Pilipinas ay mayroong 1,056 na
saknong at ang kabuuan ng aklat ay mayroong
48 na pahina.
Pagbibigay ng input ng guro.

 Dahil sa mga aral na makukuha sa


korido ay ginawa itong kabahagi ng
pag-aaral ng mga kabataan at isa sa
mga akdang pampanitikang
tinatalakay sa haiskul.
Punuan ng mga kinakailangang impormasyon ang
sumusunod na mga pahayag.

1. Ang akdang Ibong Adarna ay sinasabing


nagmula sa bansang ___________.
2. Niyakap ng mga Pilipino ang obrang Adarna
dahil sa mga _______ na mapupulot mula rito.
3. Isa rin sa binigyang halaga sa obra ay ang
____________.
4. May haka-haka na ang manunulat na si
__________________daw ang maaaring
nagsulat o nagsalin nito ngunit walang
makapagpatunay.
5. Ang orihinal na bersiyong nakarating sa
Pilipinas ay mayroong ________ na saknong at
ang kabuuan ng aklat ay mayroong 48 na
pahina.
GAWAING PANTAHANAN
Basahin at pagnilayan ang mga sumusunod na
saknong mula sa obrang Ibong Adarna. Sa
pamamagitan ng 2 – 3 pangungusap ay ilahad
ang mensaheng nakapaloob sa kada saknong.
O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa iyo’y di malihis.

Ako’y isang hamak lamang


taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.
Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
 
Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
 
Kaya, Inang matangkakal,
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
 
Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
 
Kaya, Inang matangkakal,
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
PAALAM!
Kasanayan sa Pagkatuto:
F7PB-IVa-b-20
Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga
motibo ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi
ng akda
Gamit ang graphic organizer, magtala ng mga
impormasyon na may kinalaman sa
pagsisimula ng Ibong Adarna.

Ibong
Adarna
Kilalanin ang sumusunod na mga patron ng kapistahan.
Ilahad kung kailan ito ipinagdiriwang.

San Lorenzo Ruiz Nuestra Senora Imaculada


Dela Merced Concepcion
Isa-isahin ang mga dahilan
at ang mga patron na
nabanggit ay pinipintakasi ng
mga Pilipino.
Basahin at pagnilayan ang mga sumusunod
na saknong mula sa obrang Ibong Adarna.
O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa iyo’y di malihis.

Ako’y isang hamak lamang


taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.
Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
 
Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
 
Kaya, Inang matangkakal,
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
 
Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
 
Kaya, Inang matangkakal,
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
Tukuyin ang motibo ng may-akda sa
sumusunod na pahayag. Pumili ng titik
ng sagot sa kahon ng pamimilian.
Pagkatapos, maglahad ng iyong
sariling pananaw tungkol dito. Sundan
ang halimbawang ibinigay sa ibaba.
 
Halimbawa:
Pahayag: Nananatiling lihim ang awtor nito bagaman
may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni
Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz ngunit wala
pa ring katibayan.
Motibo ng may-akda: Mabigyang-linaw sa mga mambabasa
ang hinuha ng mga tao tungkol sa tunay na sumulat ng akdang
Ibong Adarna
 
Sariling pananaw: Tama lamang na hindi ipangalan sa isang
tao ang isang akda kung walang sapat na katibayan na siya ang
sumulat nito.
1. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong
Adarna ay nakarating sa Mehiko at di
nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas

2. Kinagawiang basahin ng mga katutubo ang


korido dala na rin ng kawalan ng ibang anyo ng
panitikang mababasa noong panahong iyon
sanhi na rin ng kahigpitan ng mga paring Kastila
sa pagpapahintulot ng pagkalat ng iba’t ibang uri
ng akdang maaaring basahin ng mga tao.
3. Ang kahigpitan ng mga prayle sa pagpapalaganap
ng babasahin ay nararapat lamang nagtataglay ng
magandang pagtingin at panrelihiyong katangian
upang pahintulutan maipalimbag.

4. Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa


Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang
bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga
perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga
bayang nagdiriwang ng pista.
5. Kaya naman hanggang sa kasalukuyan
ay patuloy na pinag- aaralan ito bilang
bahagi ng kurikulum sa unang taon
upang mapalaganap hanggang sa
susunod pang henerasyon ang
kalinangan ng Kulturang Pilipino na
taglay ng koridong Ibong Adarna.
Motibo Sariling Pananaw
1.   
2.  
3.  
4.  
5.  
Pamimilian ng sagot:
A. Maipaliwanag kung bakit napilitang basahin ng mga Pilipino ang Ibong
Adarna na dala ng mga dayuhan .
B. Maisalaysay kung paano nagkaroon ng akdang Ibong Adarna sa Pilipinas.
C. Maipaalam kung sa paanong kaparaanan patuloy na naipapalaganap ang
akdang Ibong Adarna hanggang sa kasalukuyang panahon .
D. Mailahad kung paano lumaganap ang akdang Ibong Adarna sa ating
bansa noong panahon ng Espanyol .
E. Maipakita ang sitwasyon ng paglilimbag noong panahon ng Espanyol .
Ano ang pangunahing
mensahe na nais iparating
ng binasang mga saknong
ng obrang Ibong Adarna.
Gamit ang iyong kaalaman tungkol sa natatanging katangian
at pagpapahalaga ng akdang “Ibong Adarna”,maglahad ng
iyong saloobin ukol sa pangangailangan sa pananampalataya.
Ilahad ang sariling pananaw tungkol sa
maaaring motibo ng
may-akda sa pagsulat ng obrang Ibong Adarna
sa pamamagitan ng pagguhit ng
isang simbolismo ukol dito.
GAWAING PANTAHANAN
Magsaliksik hinggil sa kahulugan ng awit at
korido. Itala ito sa kwaderno. Gawing gabay ang
tsart sa ibaba.
AWIT KORIDO
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

You might also like