You are on page 1of 6

MGA ANEKDOTA SA BUHAY NI DR. JOSE P.

RIZAL

Marunong na Bata
“Ang murang kaisipan ng bata ay di hadlang sa pag aaral at pag unlad.” Sa sipag at tiyaga,
natuto magbasa sa gulang na tatlo. Katon “Japanese Word” ang ibig sabihin ay “ simple
spelling book”
Kapag ang bata ay tumungtong na sa isang taong gulang ay nagkakaroon na ito ng paunti unting
pagkatuto. Hindi man kalakihan ang kaniyang natutuhan ay naisasaulo niya naman ito ng paunti
unti. Tulad sa ating buhay bilang isang mag-aaral, hindi kinakailangan minsanan mong
malalaman o makakabisado ang isang bagay dahil mas mainam na ito ay unti untiin nang sa
gayon ay hindi mabigat at siguradong may matututuhan kahit maliliit na hakbaang lamang ang
iyong ginagawa.
Pagtatama sa Mali
"Ang lahat ng bagay na minimithi ay makakamit kung pagtitiyagaan at susubukin para sa pag
unlad ng bawat isa.” Suliranin ni Rizal sa pagbigkas ng titik "r”. Demosthenis at ang paglagay
ng bato sa bibig na nagging inspirasyon at sagot sa pagtatama ng pagbigkas ni Rizal sa titik
“R”.
Ang mga pagkakamali ay nagsisilbing patunay na tayo ay nagsusumikap. Tulad na lamang ng
hindi tamang pagbigkas ni rizal sa letrang ‘R’. ngunit sa pagsubok muli ay natumbok na nito ang
tamang pagbigkas. Nagpapatunay lamang na ang pagsubok sa mga bagay na walang
kasiguraduhan ay ayos lamang, maaaring magkamali sa una na magsisilbinginspirasyon upang
subukang muli sa ibang paraan.
Laruang Kanyon ni Rizal
"Mag ingat sa mga ginagawa, dapat munang isipin kung ito ay makakasakit o hindi sa kapwa."
Laruang Kanyon “Pasyensya kana ha hindi ko naman gustong masaktan ka, pasensya kana
ha.”
Ang bawat salita at kilos natin y maaaring makaapekto sa nararamdaman ng mga tao sa paligid
natin. Maaaring makadagdag sa kanilang nararamdaman o makagaan naman. Sikaping maging
Mabuti sa lahat ng bagay dahil maaaring tayo ay makasakit sa kapwa.
Ang Memorya ni Rizal
Sa pag aaral ni Rizal at ng kanyang kaibigan sa gawa ng isang meksikanong enhinyero
naglalaman ng ilang talata, napatunayan na si Rizal ay hindi kagalingan sa pagmememorya
ngunit kung pag papanatili ng mga napag aralan ay duon sya pinakamagaling. Anim na buwan
matapos ang pagsusulit at naisipan siyang tanungin muli kung ano ang nilalaman ng mga talata
at nasagot nya ito ng buong buo.
Aral: Dapat at masusing pag aralan ang mga takdang aralin. Ang pag aaral ay hindi pakikipag
kumpitensya sa iba kundi pakikipag kumpitensya sa sarili upang mas lalong mapalago ang
kaalaman.
Ang pag-aaral sa isang asignatura ay nararapat na pinagaaralang Mabuti at hindi kinakabisado
lamang dahil kapag ito ay napagaralan ng maayos ay mananatili sa isipan at hindi basta basta
maklilimutan.
Nang Ipanganak Si Rizal
Ipinanganak siya noong June 19, 1861 araw ng Miyerkules. Hating gabi ipinanganak at may
pakuwari na matalino at matapang ang bata kung sa ganitong oras ang kapanganakan.
Katitikan ng basehan ng pagpli sa pangalan ni Rizal na "Jose" ito ang suwestiyon ng kapatkd ni
Rzal na isunod sa tyuhin nilang si Jose. Kalauna'y "Pepe" ang naging palayaw niya.
Ang buhay ni rizal ay nagsilbing tagapagmulat sa mga Pilipino at tinuturing na bayani dahil ito
ay naisilang sa munod.
Rizal, Isang Manong
Bata pa lamang ay relihiyoso na si Rizal kaya sya tinawag na Manong Jose. Tatlong taong
gulang ng si Rzal ay natutung makiisa sa pagdarasal ng pamilya. Limang Taong gulang ng siya
ay makapagbasa ng bibliya. Magpipitong taong gulang ng sya ay makapag saad ng pahayag
mula sa bibliya.
Ang pagiging relihiyoso ay isa sa pinaka unang tinuturo sa mga bata. upang magkaroon ng takot
sa Diyos at maging Mabuti sa kapwa.
Natuklasan ang Batang Pintor
Unang natuklasan ang Talento ni Rizal sa pagpinta noong Oktubre 24, 1876 sa Pista sa San
Rafael, Calamba. Naghahanap ang Gobermadorcilo Calixto Llamas ng gagawa ng kalasag ng
Espanya. Naniniwala sila na ang tagumpay ng pista ay nakadepende sa paggawa ng kalasag ng
espanya Si Jose Rizal ang inatasang gumawa ng kalasag. Naghanap sya ng tela at gumamit ng
ibat ibang pangulay tulad ng sili at asuwete. Natuwa ang gobernadorillo sa linikhang kalasag ni
Rizal kaya binuhat sya ng mga ito papuntang Plaza at simula noon tuwing pista ay hinihingan
na syang magpinta ng mga mascara at bilang kapalit, humihingi si Rizal ng mga paputok at
lusis.
Jose Rizal, Batang Iskultor
Apat na taong gulang pa lamang ay hiig na ng Rizal ang umukit sa kanilang bahay pawid. Ang
kanyang mga obra maesta ay pawing mga gawa sa putik at kandila. Madalas din siyang
tuksuhin ng kanyang mga kapatid. Sinabi ni Rizal sa sarli "Mang-asar at tumawa kayo ngayon,
pero hintayin nyo ang aking kasikatan. At kapag akoy pumanaw na, ang mga tao ay gagawa ng
mga litrato at rebulto ko.
Ang Pagkuha ni Rizal ng Saranggola
May mga lalaking nagpapalipad ng saranggola habang pinapanood sila ni Rizal. Maya-maya
pa ay may umiyak na isa sa kadahilanang nasabit ang saranggola nito sa kampanaryo at
pinagtawanan siya ng mga kalaro. Pinahinto sa pag-iyak ang bata ni Rizal. Buong tapang
niyang inakyat ang kampanaryo at ligtas na naibalik ang saranggola sa bata. Marami sa atin
ang nakakakita nang mga nangangailangan ng tulong ngunit tila ba nagbubulag-bulagan.
Laganap din ang pagiging makasarili at pagbalewala sa pangangailangan ng iba. Ang
pagtulong sa kapwa ay dapat ginagawa ng galing sa puso at walang hinihinging kapalit.
Sa mundong ating ginagalawan ay bihira lamang ang bukal sa kalooban ang pagtulong. Si Rizal
ay isang magandang imahe ng taong tumutulong sa kapwa kahit na maaaring siya ay
mapahamak. Nawaý magsilbi itong inspirasyon tungkol sa pagtulong kahit ano man ang
sitwasyon.
Hindi Nagpakita ng Galit si Rizal
Habang nagaaral si Rizal sa silid-aklatan ng Ateneo ay biglang may dalawang mag-aaral na
nag-away at nagbatuhan ng libro. Tinamaan si Rizal at dumugo ang muka nito. Napasok siya sa
pagamutan ng ilang araw. Matapos magpagamot, patuloy siyang pumasok na walang
nararamdamang galit. Ang kahinahunan ng damdamin ay mahalaga sa lahat ng panahon.
Marapat na matuto tayong magbigay ng pagpapatawad at pag-intindi sa kapwa. Marapat ding
isipin natin amg ating mga kilos kung tayo ba nakakasakit na pala ng kapwa.
Ang pagiging kalmado at hindi mapagtanim ng galit ay nararapat na taglayin ng bawat isa. Dahil
ang pagtatanim ng galit sa kapwa ay walang maidudulot na maganda sa sitwasyon.
Mga Ginoo, Salamat!
Sa unang araw ng klase ay may mga nanukso kay Rizal. Nang sandaling tumahimik ang mga ito,
sinabi ni Rizal sa banayad na tinig, "Mga ginoo, Salamat!". Mula noon ay ginalang na siya at di
na biniro ng masama. Masasabing ang malalim na dagat ay masa tahimik kaysa sa mababaw.
Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat pairalin ang isip. Hindi lahat ng laban ay nakukuha sa
pakikipagpisikalan.
May mga sitwasyong kinakailangan ng matinding pagsasawalang kibo dahil bukod sa aksaya
lamang ito ng oras at atesyon ay maaaring makapag patigil ng magulong sitwasyon ang pagiging
kalmado at walang kibo tungkol dito.
Si Rizal at ang Wikang Filipino
Ang Pilipinas ay binubuo ng libulibong pulo na may kani-kaniyang wikain. Ang pagkakaroon ng
isang wika ay magdudulot ng pagkakaunawaan na magdudulot naman ng pagkakaisa dahil ito
ang magsisilbing tagapag-ugnay sa iba't ibang wikang ginagamit. "Ang hindi magmahal sa
kaniyang salita ay mahigit sa hayop at malansang isda." Ang ating wika ay parte ng ating
pagkakakilanlan at pagkatao. Ang pagtakwil dito ay para naring paglisan sa kung sino tayo.
Si Rizal at ang Serbisyo Sibil
Ang Serbisyo Sibil ay ang paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng serbisyong
pampamahalaan o pagiging kawani o empleyado ng kahit anong ahensya ng pamahaiaan. Sa
samga mithiin ni Rizal ay ang pagkakaroon ng isang matatag na Serbisyo Sibil na
mangangalaga sa kapakanan ng mga kawani sa pamahalaan. Ayon kay Rizal, ang mga nais
manungkulan sa pamahalaan ay kailangang dumaan sa pagsusulit at ang resulta nito ay
kailangang ilathala. Ang mga papasa ay mabibigyan ng pagkakataon na manungkulan sa
pamahalaan.Sa pamamagitan nito ay di mawawala ang tiwala ng publiko sa mga
nanunungkulan. Ang mithiing ito ni Rizal ay nabigyan lamang ng buhay sa ilaalim ng
Pamahalaang Komonwelt. Sa panahong ito napasa ang Batas sa Serbisyo Sibil. Ang layunin ng
batas na ito ay masiguradong may alam at may pagapapahalaga sa batas ang mga
nanunungkulan sa pamahalan.
Ang Pagmamahal ni Rizal sa Kanyang mga Kababayan
Si Padre Francisco de Paulo Sanchez ang paboritong guro ni Rizal sa Ateneo. Isa siya sa
nagtanggol at dumakila sa nobelang Noli Me Tangere. Nang si Rizal ay maipatapon sa Dapitan
ay ipinadala si Padre Sanchez upang kumbinsihin ang dati niyang mag aaral na baguhin ang
pananaw nito ukol sa Simbahan. Ang kanilang pag uusap ay madalas nauuwi sa mainit at
malalamang sagutan. Sinabihan si Rizal na dapat isang huwaran ang ginawa niyang
pagpapakita sa mga pari sa kanyang akda. Tinanong din siya ng pari kung di ba siya natatakot
sa maaaring idulot nito
Naipakita dito ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kababayan. Hindi siya natakot
na kalabanin ang Simbahan noon kahit na alam niya na siya ay mapapahamak lalo't napaka
kapangyarihan ng Simbahan nang mga panahong iyon. Hindi dapat tayo matakot lumaban lalo't
kung tayo ay nasa katwiran. Ipaglaban natin at mahalin ang ating mga kababayan at irnulat natin
sila sa lahat ng katotohanang dapat nilang malaman.
Pag-aalinlangan ni Padre Lopez sa Kakayahan ni Rizal sa Pagkatha ng Tula
Si Padre Leoncio Lopez, ang pari sa Parokya ng Calamba na kaibigan ng ama ni Dr. Jose Rizal.
Siya ay isa sa mga pinagpipitaganan ni Rizal sa Calamba noong bata pa siya at siya din ang
nagtimo sa ating pambansang bayani na magkaroon ng mataas na pagpapahalaga at respeto sa
ibang tao at makabuluhang nagpaliwanag sa kaniya ng mga bagay bagay sa paligid.
Sinabi ni Padre Lopez na nag-aalinlangan siya kung talaga nga bang si Rizal ang sumulat ng
mga tula, sinabi niya pa na baka ito ay kinopya lang ni Rizal sa ibang libro. Nawalan ng
pagtitimpi ang batang may-akda at sumagot ng galit ngunit kaagad namang napigilan ng
kanyang ina. Ngunit nang malaman ng pari mula sa isang miyembro ng relihiyong katoliko na si
Rizal ang may gawa nito ay nagtungo sya sa Maynila para humingi ng paumanhin at muli silang
naging magkaibigan.
Kadalasan ang mga taong nagaalinlangan at walang tiwala sa iyong kakayahan ay nagsisibing
inspirasyon upang husayan at gawin ng maayos ang iyong nais tuparin na.
Ang Dalagang Kolehiyalang Halos Makalimutan Ang Wikang Tagalog
Pag-uwi ni Rizal sa Calamba, Laguna upang tuparin ang pangako kay Bb. Segunda Katigbak na
aabangan niya ito sa Calamba sa paglalakbay ng Bb. patungong Lipa, Bataan. Sa kaniyang
pag-uwi, nakasabay niya ang isang kolehiyala mula sa Sta. Catalina na kababaryo niya. Plano
nitong magbakasyon matapos ang limang taong pag-aaral. Napansin ni Rizal na tila ba
nakalimutan nito ang wikang tagalog matapos itong tanungin ng ilang bagay at isang pantig
lamang ang nasabi ng kolehiyala.

Ang Pagkahilig ni Rizal sa mga Pagkaing Pilipino


Mababatid sa karanasan ni Rizal na ang pagkaing-Pilipino ay nagpapakita ng pagiging magiliw
sa mga bisita sapagkat ang mga Pilipino ay mahilig maghain ng pagkain sa kanilang bisita at
pagiging simbolo ng bahay Pilipino bagaman nasa banyagang lupain. Sa kapanahunan ni Rizal
ang tanging paraan upang makakain ng mainam na lutong pagkain sa Paris ay ang pumunta sa
bahay ng ilang Pilipinong pamilya.
llan sa mga paboritong pagkain ng ating pambansang bayani ay ang mga sumusunod: ginisang
munggo, tinola, anchovis, suman at mangga at bagoong.
Ang pagkain ng mga putahe na sariling atin ay isang pagpapahalaga sa ugar na pinagmulan nito
at maaaring tangkilikin ng iba dahil tayo ang unang tumangkilik sa mga pagkaing ito.
Ang Kaalaman ni Rizal sa ‘Jiu-jitsu’
Ang jiu-jitsu ay isang uri ng martial arts na gumagamit ng malapitang pakikipagbuno sa
pamamagitan ng paghawak sa kalaban at tamang anggulo at pagposisyon ng katawan. Si Rizal
ay natutunan ito noong siya ay namalagi sa Tokyo, Japan. Isang pangyayari na ipinakita ni
Rizal ang kaniyang kakayahan sa jiu-jitsu ay ang pagpapakita ng kakayahan niya kay Don Jose
Ramirez.
Ang pagiging bihasa sa mga sports na kagaya ng jiu-jitsu ay maaaring maging pundasyon sa
kalam pagdating sa self-defense na maaring gamitin sa oras na di inaasahan.
Isang Lata ng BISKWIT
Natapos ni Rizal ang manuskrito ng El Filibusterismo sa Biarritz, bago siya lumisan papuntang
Paris. Ghent - Isang kilalang siyudad. Nakilala ni Rizal sina Jose Alejandro at Edilberto
Evangelista sa unibersidad. Dahil sa kagipitan ay nanirahan sa mumurahing tirahan si Rizal
kasama si Alejandro. Ayon kay Alejandro, naisip ni Rizal na sila na lamang ang maghanda ng
agahan upang maging kaawasan sa babayarang upa. Bumili si Rizal ng tsaa, asukal, alcohol, at
isang latang biskwit na kanyang binilang at hinati pantay sa dalawa. Naging sapat ang rasyon
ni Alejandro sa unang dalawang araw, ngunit pagdating ng ikatlong araw ay nakapang hiram
na ito kay Rizal. Si Rizal ay labis na naging masinop at mahigpit na nililimitahan ang sarili sa
pang araw araw na rasyon.
Aral: Matutong magtiis sa kung anong mayroon ka. “Kung maigsi ang kumot matutong
mamaluktot.”
Ang pagiging matipid ay isang magandang katangian. Dahil ang pagiimbak o pagtnsya sa
kinokonsumo ay nagpapakita ng disiplina sa sarili at sa oras ng kagipitan ay mahuhugot ka at
magagamit.
Ang Katapatan ni Rizal
Noong 1889 sa Paris, habang kumakain si Rizal at kanyang mga kaibigan sa isang restawran,
pansin nila na medyo balisa si Rizal, dahil hindi pa nito natatanggap ang pera mula sa kanyang
magulang. Nagkaton na may dumating na sulat na may lamang pera at sinabi ng mga kaibigan
ni Rizal na malaking tulong iyon para kay Rizal. Sinabi ni Rizal na pag-iisipan niya ngunit ng
sumunod na araw sinabi niya na binigay niya ito sa kay M.H del Pilar para daw sa gugugulin
ng La Solidaridad sapagkat di siya sigurado kung para saan ang pera na iyon.
“Ang pagiging matapat ay kinalulugdan ng sinuman, sapagkat ang sinumang magnasa Sa di
niya pag-aari ay paparusahan. Huwag kang maghangad ng bagay na hindi para sa iyo.”
Ang pagiging tapat ng isang tao ay makikita hindi lamang sa malaking bagay kundi sa mga
maliliit na bagay din. Kahit gipit at kailangan ni Rizal ng pera ay pnili not ang tama at ang
pagiging matapat.

You might also like