You are on page 1of 1

1. Bakit kaya isinulat ni Rizal ang El FIlibusterismo?

- Napaka-talino ni Dr. Jose RIzal sapagkat isinulat niya ang El FIlibusterismo upang mamulat at
mabigyan ng boses ang ating mga kapwa Pilipino noong kapanahunan ng Kastila sa mga mapang-api
at ‘di makatarungang ginagawa nito sa ating bansang Pilipinas noon. Ginawa ito ni Rizal upang maging
daan para matutong ipaglaban ng mga Pilipino noon ang kanilang mga karapatan. Ang nobelang ito ay
pampolitika na nagpapakita ng masalimoot na karanasan ng maraming Pilipino sa kaapihang ginawa
ng mga Espanyol. Ang nobela ring ito ay nagpapagising at nagpapadama ng mga hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan ang ating bayan.

2. Ano-anong mga aral o realisasyon sa buhay ang natutuhan mo at paano mo ito ilalapat sa iyong
sarili?
- Maraming aral ang napulot ko sa nobelang ito, at isa na rito ay ang hindi pagpapairal ng galit sa
lahat ng bagay dahil hindi maganda ang nagiging bunga nito. Pangalawa, ay ang isa sa mga naging
sakit ng lipunan sa isang kabanata. Ito ay ang diskriminasyon na hanggang sa panahon ngayon ay
marami pa rin ang nakararanas. Isa sa mga natutuhan ko ay sana ay huwag nating pairalin ang
ganitong kaugalian, dapat hindi tayo maging mapanghusga at dapat pantay-pantay lang ang pagtingin
natin sa bawat isa. Pangatlo, maging maka-Diyos at madasalin. Tulad ni Juli, sa kabila ng mga balakid
sa kaniyang buhay ay hindi siya nagpapaapekto at nawawalan ng pag-asa. Lagi siyang nananalangin at
kumakapit sa Panginoon. Pang huli, ay ang pagkakaroon ng isang salita at paninindigan sa mga
ipinaglalaban. Kung alam mong ika’y nasa katwiran, tama ang iyong ipinaglalaban, at wala kang
naaapakang ibang tao ay ipapursige mo ito dahil baka ika’y may maitulong pa hindi lamang sa kapwa
kundi sa bansa.

3. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maka-usap si Rizal, ano ang sasabihin mo sa kaniya?


- Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na maka-usap si Dr. Jose Rizal, ako ay magpapasalamat sa
kaniyang mga kabutihang ginawa, isa siyang napaka laking instrumento sa pag kamit ng kalayaan ng
ating bansa. Hinahangaan siya ng nakararami at kabilang na ako roon. Ang kaniyang naging buhay at
katapangan ay walang katulad. Ibinuwis ang kaniyang buhay para sa Pilipinas at mamamayan. Kung
ikaw ay wala, ang Pilipinas ay magiging miserable at hindi magiging malaya. Napaka ganda mong
ehemplo, tunay ka ngang Bayani. Saludo kami sa iyo. Maraming Salamat!

You might also like