You are on page 1of 1

ESSAY

Kung magbibigyan man ako ng pagkakataon na makausap ang ating bayani na si Dr. Jose Rizal,
Ang unang bagay na itatanong ko sa kanya ay kung sang-ayon pa rin ba siya sa katagang kanyang
binitawan na, “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan” Marahil ay maraming taong nagsasabi na ang
kabataan ngayon ay mga tamad at hilig lamang ubusin ang oras sa pag-lalaro, at paggamit ng social
media, sa tingin ko ay ang magiging sagot ni Dr. Jose Rizal dito ay “Oo, mananatiling ang kabataan ay ang
pag-asa ng bayan, dahil naniniwala ako na mayroon pa ring mga kabataan na tulad ng lahat ng mga
bayani na kayang ipaglaban ang karapatan ng sangbayanang Pilipino at ng ating bansa. Bagamat
mayroong mga kabataan na mas inuuna ang paglalaro kaysa sa kanilang pag-aaral, naniniwala ako na
mas marami pa rin ang nagpupursigi sa kanilang pag-aaral, at gumagawa ng paraan upang umangat ang
estado ng kanilang pamumuhay. Hindi rin naman lahat ng kabataan noong kabataan noon ay
responsable dahil mayroon din na gaya ni Tadeo (Isang karakter sa El Filibusterismo) na walang ibang
ginawa kundi mag-bulakbol, at hindi pinahahalagahan ang kanyang pag-aaral” Ang susunod ko na
itatanong kay Dr. Jose Rizal ay kung may isang beses ba na nagsisi siya sa pagtatanggol sa ating bansa
dahil ito ang naging sanhi ng paghatol sa kanya ng kamtayan. Sa tingin ko, ang isasagot ni Dr. Jose Rizal
dito ay wala siyang pinagsisihan sa mga hakbang na ginawa niya upang makalaya ang ating bansa sa
kamay ng mga dayuhan at naging handa siya sa lahat ng posibilidad na maaaring mangyari sa kanya.
Pinaghandaan niyang isakripisiyo ang buhay niya para sa buhay ng lahat ng mga Pilipino sa ating bansa.
Bagamat hindi niya nakita kung paano nagtagumpay ang mga Pilipino sa paglaya sa kamay ng mga
dayuhan alam niya sa sarili niya na dahil sa mga ginawa niya ay magkakaroon ng mga bagong bayaning
pilipino na lalaban para sa ating bansa. Ito ay isa sa naging hudyat sa kanila na mayroon taong handang
lumaban para sa pilipinas, at hindi tayo uunlad kung hindi natin uusigin ang mga maling ginagawa ng
mga dayuhan sa ating bansa. At ang panghuli kong itatanong sa kanya ay kung ano ang advice niya sa
mga kabataan ngayon na patuloy na nahihirapan sa kanilang mga problema at natatakot sa mga hamon
na kailangan nilang harapin sa buhay? Sa tingin ko ay ang magiging advice dito ni Dr. Jose Rizal ay kung
nahihirapan sila sa kanilang problema, lagi lang nilang tandaan na hindi lahat ng mga pagsubok ay
nangangailangan ng mabilisang solusyon, magpatuloy lang sila sa kanilang buhay at unti-unti ay
malulutas nila ito. At kung natatakot sila sa kanilang hinaharap ay lagi lang nilang hanapin yung
inspirasyon nila upang magpatuloy sa buhay dahil katulad ni Dr. Jose Rizal (Ginawang inspirasyon ang
paghihirap ng mga Pilipino), kung matibay ang pinanghahawakan mong inspirasyon mas magiging
matibay ang pundasyon ng iyong lakas upang makamit ang gusto mo. Bagamat maraming beses kang
madadapa sa bawat pag-usad mo, hindi magiging sapat ito upang hadlangan ang ninanais mo.

Christian R. Jurilla
BSBM 3

You might also like