You are on page 1of 1

Ang pagkatao ni Dr. Jose P.

Rizal ay siyang dapat tinutularan ng kabataang


Pilipino sa kasalukuyan. Ang kanyang buhay ay dapat magsilbing gabay sa
kabataan upang paglingkuran ang sambayanan at hindi makalimot sa lupang
tinubuan.
Bilang mag-aaral , isang katagang binanggit ni Rizal sa pelikula ang tumatak
sa aking isipan: Noon, ang akala ko ang tanging mahalaga sa buhay ay ang
edukasyon. Pero nadiskubre ko, depende pala iyon sa pinag-aaralan. Mayroon
palang pinag-aaralan na nakakabulag. Ang edukasyon ay mahalaga, ngunit
mahalaga rin na tayo ay mag-aral hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para
na rin sa ating inang bayan. Kabalikat nito ay ang ating tungkuling palawigin ang
ating pag-unawa sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.
Kung sa panahon ni Rizal, siya ay lumaban para sa pagkakapantay-pantay ng
mga Pilipino at Espaol, sa kasalukuyan, mayroon ding nangyayaring
pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay ng mayayaman at
mahihirap.Kailangan ngayon ng mga makabagong Rizal, kabataang handang
magbuwis ng buhay para sa bayan, sapagkat ang bayan ay may kanser na
panlipunan na kailangang magamot ng sambayanang Pilipino.
Kung sakaling buhay pa si Rizal ngayon masisilayan niya ang kanyang
nagawa sa ating inang bansa. Isa din sa aking labis na ikinalulungkot ay ang
pagpatay sa kanya na hindi naman dapat. Namatay siya dahil sa kanyang mabuting
nagawa,wala siyang laban at kapangyarihan upang pigilan ito subalit nagdulot ito
ng paglaban ng mga Pilipino sa kastila upang makalaya ang ating bansa. Naging
daan ito upang kumilos tayo sa kadenang nakagapos sa atin.

You might also like