You are on page 1of 3

Name: Coldovero, Victor Reu S.

Email: victor.coldovero@materdei.edu.ph
Date Submitted: 10 September 2021

Paper 04: Edukasyon: Uportunidad ng pagkatuto

Mula sa pagguhit, panggagamot, pagsusulat, fencing, paglilok, pagsasalita ng iba’t-ibang


lenguwahe, pagiging enjinir, pagtuturo, at marami pang iba lahat yan ay pinagaralan ni Dr. Jose P.
Rizal. Kung ang paramihan ng nagawa ang sukatan ng pagiging isang bayani,walang duda na si
Rizal nga ang ating pambansang bayani. Datapuwat hindi lamang iyon ang maaaring batayaan ng
pagiging bayani, subalit para sa akin bayani ngang maituturing si Rizal dahil sa kanyang
sakripisyo para sa bayan.Hindi lamang siya basta matalino kung makabansa din siya at may takot
sa Dios, at ang kanyang pananaw sa iba’t-ibang bagay ay kahanga-hanga at kitang-kita mo dun
ang dakilang pagmamahal niya sa bayan. Pero sino ng ba si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda? Ating Alamin kaniyang naging edukasyon? At paano ito nakaapekto sa kanyang
pagkamulat sa situwasyon ng ating bansa? At paano ito higit na nakaimpluwensya sa kanyang
pananaw?

Bago ang Pormal na Edukasyon ni Rizal ang kanayang ina na si donya Teodora ang nagsilbing
una niyang guro.Ang ina ni Rizal ay hindi basta basta sapagkat si donya Teodora ay may mataas
aral kaya si Rizal ay natuto ng mga panimulang aralin sa kanyang ina.kabilang sa mga paksang
pinag aralan nila una ay Ang Alpabeto, Pagbabasa Pagdarasal,Literatura matematika,at Wikang
Espanyol.Kaya sa murang gulang pala lamang ni Rizal siya ay may kakaunti nang nalalaman base
sa mga paksang pinagaralan niya sa kanyang ina. At nang siya ay nagkaroon na nga pormal na
edukasyon si Rizal siya ay pumasok sa pribadong paaralan sa Biñan Laguna at ilan sa mga naging
guro niya ay sina Maestro Celestino,Maestro Lucas Padua, at Maestro Lean Moroy.Sa kanyang
pag aaral sa Biñan si Rizal ay nagkaroon ng ilang karanasan na siya ay pinagtawan at napaawy
sapagkat kakaunti lng ang alam niya sa wikang kastila at latin, kaya't marahil ito ang nagtulak sa
kanya upang mag aral ng iba't ibang lenguwahe at magpakadalubhasa sa mga ito. At sa edad na 7
lumuwas siya papuntang Maynila kasama ang kanyang ama.Ngunit bumalik siya sa Binan para
mag aral sa edad na 9
Ang orihinal na plano ng kanyang ama ay sa Letran siyamag-aral subalit biglang nagbago ang isip
nito.Siya'y pinagaral sa Ateneo subalit hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahil siya ay huli na
sapatalaan at maliit para sa edad niya.Hindi siya nakapasa sa pagsusulit sa Ateneo. Meron lang
siyang kakilala na si Padre Burgos at ang mga Jesuits kaya si Rizal ay natanggap na pumasok sa
Ateneo.Kaya sa edad na onse siya ay nakapasok sa Ateneo De Municipal ito ay nasa ilalim pa ng
pamamahala ng mga Kastilang pari. Sa unang taon niya nagawa nyang manguna at tanggap niya
ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat.Subalit sa mga
sumunod na taon si Rizal ay nahuli sa kanyang mga kaklase subalkt sa ika-apat niya na taon ay
nakilala ni Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez ito ang humikayat sa kanya na mag-aral ng
mabuti at lalo na sa pagsusulat ng mga tula at siya ang naging inspirasyon ni Rizal. Nagbalik sa
sigla si Rizal at natapos sa taong iyon na mayroong limang medalya. Sa ikahuli niyang taon ay
naging ganap ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at nakuha niya ang pinakamataas na marka sa lahat
ng asignatura at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.Upang mapagbuti ni Rizal ang kanyang
kaalaman sa wikang Espanyol siya ay nagpaturo ng mga aralin sa Colegio deSanta Isabel sa
panahon ng kanyang pamamahinga sa tanghali. Siya ay nagaral din ng Pilosopiya at Panitikan at
marami pang iba ,subalit nang mabatid niyang nagkaroon ng katarata ang kaniyang ina siya ay nag
aral ng panggagamot bilang isang opthalmologist . Ngunit nang dahil sa hindi na niya matanggap
ang tagibang at mapansuring pakikitungong mgaparing Kastila sa mga katutubong mag-aaral,
nagtungo siya sa Espanya.Palihim na umalis papuntang espanya para ituloy ang pag aaral.At Dooy
pumasok siya sa Universidad Central De Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya
ang karerang Medisina.Doon siya ay nakitira sa kaibigang Pilipino sa Amor de Dios.Nalungkot sa
pagka alam sa balitang may kumakalat na epidemyang kolera sa pilipinas kayat may pinag ibayo
nya ang kanyang pagaaral ng medisina.At dumating din sa punto na si Rizal ay nagtipid dahil sa
matumal na benta ng kanilang asukal. May Hindi binigyan ng diploma sa dahilang: Hindi
pagsusumite ng thesis. Hindi pagbabayad sa karampatang halaga para sa pagtatapos. Taong
1885 natapos ang kursong pilosopiya.Subalit si Rizal ay naging isang propesyonal sa mga
larangang kanyang pinagaralan.

Makikita natin sa edukasyon ni Rizal na siya ay nag tiyaga at nag sikap din, kung ating
ihahalintulad ito sa ating edukasyon sa kasalukuyan mas mapalad tayo sapagkat kung sa panahon
ni Rizal ang opurtunidad ng pagkatuto ay bihira lamang at pabor lamang sa mga may kakayahang
magaral sa mga unibersidad ,lalo na sa ngayon dahil sa teknilohiya isang pindot nlng sa internet ay
maaring kanang magkaroon ng uportunidad upang matuto at maraming nag aalok ng libreng
edukasyon sa Kolehiyo pribado man o pampublikong paraalan, kaya sinabi ni Rizal na ang mga
kabataan ang pagasa ng bayan dahil naisip nya na sa mga susunod na henerasyon mas lalawak ang
uportunidad ng mga pilipino na makapag-aral at matuto. Sapagkat kung siya ay nakapagtapos ng
pagaaral at nagkaroon ng ambag sa bansa sa kabila ng malimit sa uportunidad ng pagkatuto sa
kanyang kapanahunan, gaano pa kaya ang magagawa ng mga may malakawak na uportunidad
upang matuto. Si Rizal ay nag-aral kaya siya ay naging matalino hindi dahil nung ipinanganak
siya matalino na siya, hindi naman siya agad naging matalino ,sa katotohan si Rizal nung
elementarya ay pinagtawanan pa dahil kakaunti lng ang kanyang alam sa lengwuheng kastila at
latin kaya kung tayong mga kabataan sa kasalukuyan ay nagiisip na si Rizal ay sadyang matalino ,
Siya ay nagsikap din upang matuto sa katunayan kagaya natin siya ay nagtipid din ng baon sa
school para matapos ang kanyang pag-aaral ng medisina sa Madrid ,ang iba pa nga sa atin ay ayaw
na mag-aral dahil walanong baon at kaakibat pa nito ang kanyang ina at nakakulong pa kaya ang
pinagdaanan ni Rizal ay mahirap kumpara sa atin situwasyon ngayon. Si Rizal ay sabik sa
pagkatuto kaya sa kabila ng kahirapan ng situwasyon nya nung siya ay nag-aaral pa, siya parin ay
naging isang matagumpay sa mga larangan na kaniyang pinag-aralan at siya din ang tinaguriang
pambansang bayani ng Pilipinas. hindi lamang sa kanyang aking talino ,kundi maging sa kanyang
tiyaga at higit sa lahat sa kanyang pagmamalasakit sa kanyang bayang sinilangan. Kaya bilang
isang mag-aral pahalagahan natin edukasyon sapagkat ito ang pinakamagandang uportunidad
upang matuto at ito din ang maghuhubog sa ating pananaw gaya ni Rizal na maryoon tayong
magagawa para sa ating bayan dahil tayo ang mga anak bayan.
References:
https://www.slideshare.net/yel08/edukasyon-ni-rizal

You might also like