You are on page 1of 2

Rocafort, Raffy T.

September 30, 2021

BSCS-2B

Aralin 4

AKTIBITI

A. PANUTO: Ibigay ang hinihinging kasagutan ng mga sumusunod.


1. Ilarawan ang buhay ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas bilang isang mag-aaral.

Ang pag-aalinlangan ni Rizal sa kursong kukunin at kagustuhan ng kanyang ama ang nag-
udyok sa kanyang pagpasok sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1877 matapos mag-aral sa
Ateneo. Pre-Law o mas kilala bilang Metaphysics ang kinuhang kurso ni Rizal. Dahil matalinong
mag-aaral si Rizal, kaya niya pagsabayin ang dalawang kurso.

Nakaranas man si Rizal ng malawakang panlalait, diskriminasyon, at pagkapoot sa


Unibersidad ng Santo Tomas, ipinagpatuloy pa din niya ang kanyang pag-aaral. Pre-Medical
Course o Ampliacion. ang ikalawang kurso niyang isinabay sa unang taon niya sa Medisina. Sa
pagpasok niya sa Medisina, hindi masyadong naipamalas ni Rizal ang kanyang katalinuhan, hindi
gaya noong siya’y kumukuha pa ng kursong Metaphysics. Dito marahil sinabing hindi naging
maganda ang tingin sa kanya ng mga Dominikong propesor. Ang mababang pagtingin sa mga
estudyanteng Pilipino noon at ang mapang-aping sistema ng pagtuturo sa Unibersidad ang
nagtulak sa kanya upang lisanin ito.

Hindi mawawala kay Rizal ang tinatawag na “distractions of youth” na kung saan nahaling
siya sa pag-ibig niya kina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela at Leonor Rivera na
pinagbuhusan niya ng atensyon at panahon, ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang pokus
sa pag-aaral.

Bukod dito, hindi nawala sa puso ni Rizal ang pagmamahal niya sa sining at palakasan.
Nagpatuloy siya sa pagsulat ng mga tula at nag-aral din siya ng oil painting at fencing pati na ng
pagtugtog ng piano at pagkanta. Isa talaga si Rizal na nakapahusay na mag-aaral sapagkat sa
kanyang ikaapat na taon sa Medisina ay pitong estudyante na lamang silang natira at isa siya doon.
2. Pagkumparahin ang pagkakaiba ng buhay ni Pepe bilang mag-aaral sa Ateneo at sa Santo
Tomas. Saan sa palagay mo mas naging komportable si Rizal sa pag-aaral?

Sa pagbabalak ni Rizal na makapasok sa Ateneo ay hindi agad siya tinanggap dahil maliit siya,
mukhang sakitin at matagal nang nagsimula ang pag-aaral sa taong iyon. Mabuti na lamang at
natulungan sila ni Padre Manuel Xerex Burgos, pamangkin ni Padre Jose Burgos, upang makapag-
aral sa nasabing paaralan.

Nagawa ni Rizal na makapanguna kaagad sa klase sa kanyang mga kamag-aral. Nanalo pa siya ng
isang gantimpala sa kanyang pag-aaral. Upang mas mapalawak niya ang kaalaman niya sa wikang
Espanyol ay nagpaturo pa siya ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kanyang
pamamahinga sa tanghali.

Sa ikalawang taon ni Rizal sa Ateneo ay hindi siya kinitaan ng pangunguna sa klase dahil sa mga
masasamang puna ng ibang guro sa kanya. Nang dumating ang ikatlong taon niya sa Ateneo ay
wala pa ring magandang resulta sa pag-aaral ni Rizal. Naunahan pa siya ng kanyang mga kamag-
aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahil sa mga husay nila sa pagbigkas ng salita. Sa ika-apat
niya na taon ay nakilala ni Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. na humikayat sa kanya
na mag-aral ng mabuti at lalo na sa pagsusulat ng mga tula at siya ang naging inspirasyon ni Rizal.

Nagbalik sa sigla si Rizal at natapos sa taong iyon na mayroong limang medalya. Sa ikahuli niyang
taon ay naging ganap ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at nakuha niya ang pinakamataas na marka sa
lahat ng asignatura at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.

Kung aking pagkukumparahin, mas naging komportable ang pag-aaral ni Rizal sa Ateneo kaysa
sa Unibersidad ng Santo Tomas. Dahil sa UST, ang nag-udyok lamang sa kanya na mag-aral roon
ay ang kanyang magulang hindi tulad sa Ateneo na nandoon ang kanyang puso habang nag-aaral
bagaman marami siyang masamang pinagdaan. Hindi maikakaila na ang Ateneo ang mas
nagustuhan niya dahil matataas ang grading kanyang nakuha kumpara sa UST na may
katamtamang grado lamang. Sa aking palagay, ang kursong Arts ang ninais niya kaysa sa Medisina
dahil nabanggit din noong nasa UST siya ipinagpatuloy niya pa din ang sining at palakasan.

You might also like