You are on page 1of 33

Kabanata III:

PAG-AARAL AT PINAG-ARALAN
Presented by:

JOBESAN YUSORES
Aralin 1: CALAMBA

Impormal na Edukasyon

 Sinasabing bata pa man ay nagpamalas na si Rizal ng likas na


talino at talento. Ang mga unang pag-aaral ni Jose ay naganap sa
bayan ng Calamba. Ang mga aralin doon ay nakatuon sa pagsulat,
pagbilang, pagbasa, at pagsamba.
 Si Donya Teodora ang unang naging guro ni Rizal. Sa kaniyang
ina una niyang natutunan ang alpabeto.
Aralin 1: CALAMBA

Impormal na Edukasyon

 Maraming kalinangang natamo si Rizal sa kanyang tatlong tiyuhin:


1. Tiyo Jose Alberto – siya ang nag-impluwensiya kay Jose sa
pagpapahalaga sa sining. Kagaya ng palarawang sining, iskultura at
panitikan. Sa kaniya nagpapaturo ang batang Pepe kung paano
magpinta o kaya umunawa ng mga tula.
2. Tiyo Manuel – palakasan naman ang naging impluwensiya nito.
Tinuruan niya si Rizal ng mga paraan sa pagtatanggol sa sarili.
3. Tiyo Gregorio – ang nagpamulat kay Rizal sa kahalagahan ng
pagbabasa ng mga aklat.
Aralin 1: CALAMBA

Impormal na Edukasyon

 Maliban sa kanyang ina at tatlong tiyuhin, kabilang din ang mga


sumusunod sa mga naging unang guro ni Rizal:
1. Maestro Lucas Padua – nagturo sa kaniya ng kagandahang asal at
wastong pag-uugali.
2. Maestro Leon Monroy – nagturo kay Rizal ng Aritmetika o pagbilang.
Siya ay tumira sa bahay ng mga Mercado upang maging tutor ni Jose.
Tinuruan niya rin ito ng Espanyol at Latin.
3. Maestro Celestino – isang pribadong guro o tutor ni Rizal na nagturo
sa kaniyang sumulat.
Aralin 2: BINAN

Pormal na Edukasyon

 Sa gulang na siyam na taon, noong Hunyo 1870 ay pinag-aral si


Rizal ng kanyang ama sa Binyang. Dito ay naging guro niya si
Justiniano Aquino Cruz.
 Pagkaraan ng ilang buwan ay pinagpayuhan siya ng kanyang guro
na umuwi na sapagka’t natutuhan na niya ang lahat ng mga dapat
ituro sa kanya. Ipinayo rin ni Don Cruz na ipagpatuloy niya sa
Maynila ang pag-aaral.
Aralin 2: BINAN

Pormal na Edukasyon

 Nilisan ni Rizal ang Binyang noong Disyembre 17, 1871 matapos na


tumigil doon ng isa at kalahating taon. Sakay siya ng bapor Talim,
kasama ng Pranses na si Arturo Camps, isang kaibigan ng
kanyang ama na tumingin sa kanya sa paglalakbay.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Edukasyong Sekundarya

 Tatlong paaralan lamang ang maaaring pagdalhan sa Maynila ng


isang batang angat sa talino at galing sa pamilyang angat sa
kabuhayan: Seminario de San Jose na pinasukan ni Paciano,
Colegio de San Juan de Letran, at ang Ateneo Municipal de Manila.
Napagpasiyahan ni Don Francisco na pag-aralin si Rizal sa Ateneo.
 Ang Ateneo ay pinatatakbo ng orden sa Latin na Societas Jesus
(Society of Jesus) na mas kilala sa tawag na Heswita. Itinatag ni
San Ignacio Lopez ng Loyola, Espanya ang orden noong 1534.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ratio Studiorum

 Ang sistema ng edukasyon sa Ateneo na sinusundan ng mga


Heswita ay tinatawag na Ratio Studiorum (Plan of Studies) na
binalangkas ng orden noong 1599 para magkaroon ng pamantayan,
alituntunin, at gabay ng edukasyong Heswita.
 Kabilang sa binibigyang halaga ang mga kurso sa classical
humanities, gaya ng pilosopiya, teolohiya, Latin at Griyego.
Karagdagang itinuturo ang kasaysayan, heograpiya, matematika, at
mga likas na agham
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ratio Studiorum

 Nakatuon naman ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa tatlong


diskarte ng pagtuturo sa Ateneo:
1. Disiplina – ang mga mag-aaral ay kailangang sumunod sa
mahigpit na schedule ng mga gawain ayon sa alituntunin ng mga
Heswita.
2. Paligsahan – ang kagalingan ng mga mag-aaral ay nailalabas sa
loob ng isang competitive environment na pantay ang
pagkakataon ng bawat isang magpakitang-gilas.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ratio Studiorum

3. Insentibo – hinihikayat ang mga mag-aaral na paghusayan ang


mga gawa at kusang paunlarin pa ang kakayahang kinikilala at
pinararangalan sa pamamagitan ng mga premyo at gantimpala.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Pagpapatala sa Ateneo

 Lumuwas si Rizal ng Maynila upang kumuha ng pagsusulit sa


pangsekundarya sa Colegio de San Juan de Letran. Isa ito sa mga
lugar na pinagkukunan ng pagsusulit para sa iba’t ibang paaralang
sekundarya sa Pilipinas. Ang segunda enseῆanza (secondary
education) sa Pilipinas noon ay isinailalim ni Reyna Isabel II ng
Espanya sa superbisyon ng mga Dominikano sa pangunguna ng
Rektor ng Universidad de Santo Tomas. Kabilang sa pagsusulit ang
pagbasa, aritmetika, at Doktrina Kristiyana na lahat ay ipinasa ni
Rizal.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Pagpapatala sa Ateneo

 Bagamat pasado sa lahat ng asignatura sa pagsusulit, sa palagay


ni Rizal ay tinanggihan siya ng head registrar ng Ateneo na si P.
Magin Fernando. Nagkataong huli na ang aplikasyon ni Rizal sa
Ateneo at tila nag-alinlangan ang pari sa kakayahan ng batang
Rizal na mukhang sakitan at mahina ang pangangatawan.
 Ngunit gumawa ng paraan si Paciano at hiningi ang tulong ng
pamangkin ni P. Jose Burgos – si Manuel Jerez, isang doktor at
kaibigan ng pamilya Rizal. Siya ang naglakad na makapasok si
Rizal sa Ateneo.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Pagpapatala sa Ateneo

 Ipinatalang apelyido ni Jose sa Ateneo ay Rizal sa halip na


Mercado upang wala ng tanong o problema pa ang maaaring idulot
ng paggamit ng apelyidong Mercado. Naging matunog at kahina-
hinala sa mga prayle at kinauukulan ang apelyidong Mercado na
gamit ni Paciano nang maugnay siya sa martir na si P. Burgos.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Unang Taon sa Ateneo

 Pumasok sa klase si Rizal sa Ateneo sa gulang na 11. Nanunuluyan


siya nang libre sa bahay ng isang nagngangalang Titay sa Santa
Cruz, Maynila bilang kabayaran sa utang na ₱300 ng matandang
dalagang may ari ng bahay sa mga magulang ni Rizal. Mag 25
minuto ang nilalakad ni Rizal papasok sa Ateneo mula sa tinirhang
bahay.
 Ang mga mag-aaral ay hinahati sa 2 grupo: Carthaginian Empire
(externo o non-boarder sa Ateneo) at Roman Empire (interno o
boarder).
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Unang Taon sa Ateneo

 Pumasok sa klase si Rizal sa Ateneo sa gulang na 11. Nanunuluyan


siya nang libre sa bahay ng isang nagngangalang Titay sa Santa
Cruz, Maynila bilang kabayaran sa utang na ₱300 ng matandang
dalagang may ari ng bahay sa mga magulang ni Rizal. Mag 25
minuto ang nilalakad ni Rizal papasok sa Ateneo mula sa tinirhang
bahay.
 Ang mga mag-aaral ay hinahati sa 2 grupo: Carthaginian Empire
(externo o non-boarder sa Ateneo) at Roman Empire (interno o
boarder).
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Unang Taon sa Ateneo

 Bilang externo at huli nang dumagdag sa klase, ibinilang siya ng


kanyang unang guro na si P. Jose Bech sa pangkat ng Imperyo ng
Carthage at inilagay sa pinakahulihan ng kanyang pangkat.
 Ang wika ng pagtuturo ng unang taon sa klase ay Kastila at dahil
hirap si Rizal, minabuti niyang kumuha ng mga tutorial lessons sa
Kastila sa halagang ₱3 bawat aralin sa Colegio de Santa Isabel na
malapit sa Ateneo at nasa loob din ng Intramuros.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Unang Taon sa Ateneo

 Sa pagtatapos ng unang taon ni Rizal sa Ateneo, wala siyang


nakuhang medalya ngunit ang nakuha niyang grado sa lahat
ng kurso ay sobresaliente.
 Sistema ng grado sa Ateneo: Sobresaliente (excellent) ang
pinakamataas, sumunod ang notable (very good), bueno (good),
aprobado (passed), at suspendido (failed).
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Unang Taon sa Ateneo

 Nakatanggap lamang ng medalya ang isang mag-aaral kapag siya


ay nakakuha ng primer premio (1st place/prize) o segundo
premio (2nd place/prize) sa alinmang academic subject o
comportamiento (conduct) at aplicacion (effort). May medalya rin
para sa mga natatanging parangal.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Unang Taon sa Ateneo

 Ang unang taon ni Rizal ay panahon ng pag-angkop sa buhay


Maynila para sa isang probinsyano. Gayon din ang pag-aangkop sa
sekundaryong edukasyon lalo pa at siya hirap pa sa Kastila.
Nakadagdag sa kanyang pagkalumbay ang mawalay muli sa
pamilya at matatandaan ding nasa bilangguan pa ang ina na
kanyang dinalaw noong bakasyon ng tag-init.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ikalawang Taon sa Ateneo

 Nang sumunod na akademikong taon ng 1873, lumipat si Rizal ng


tirahan sa mas malapit sa Ateneo na isang boarding house na
pinangangasiwaan ng isang Donya Pepay de Ampuero sa Calle
Magallanes ng Intramuros.
 Sa panahong iyon sa Ateneo naging palabasa si Rizal ng maraming
aklat.
 Natapos ni Rizal ang ikalawang taon sa Ateneo na panlima sa
klase.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ikalawang Taon sa Ateneo

 Bakasyon muli ng tag-init nang dinalaw ni Rizal ang ina sa


bilanggunan at sa pagkakataong iyon naikuwento ng ina ang
napanaginipan na ipinakahuluigan ni Rizal na paglaya ng ina
matapos ang tatlong buwan. At nangyari nga ito nang halos
kauumpisa pa lamang ng akademikong taon sa Ateneo noong
1874.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ikatlong Taon sa Ateneo

 Nakapasok si Rizal sa panibagong akademikong taon noong 1874


nang palayain na rin ang kanyang ina mula sa pagkakabilanggo ng
dalawa at kalahating taon.
 Sakto sa paglaya ng ina, nang isulat ni Rizal ang unang tula sa Ateneo
na pinamagatang Mi Primera Inspiracion (My First Inspiration) na
handog sa kaarawan ng ina.
 Sa katapusan ng akademikong taon, nag-uwi si Rizal ng medalya sa
pangunguna niya sa Latin. Sa pagkakataong ito, si Rizal ay ikalawa na
sa pangkalahatan sa klase.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ikaapat na Taon sa Ateneo

 Napagpasiyahan ng mga magulang ni Rizal na gawin siyang interno


sa Ateneo upang suportahan ang masidhi nitong pagnanais na
gumaling pa lao at malagpasan ang mga katunggali sa klase.
 Nang sumunod na akademikong taon, si Rizal ay kabilang na sa
Imperyo ng Roma at tumira sa loob ng Ateneo sa ilalim ng disiplina
at malapit na pangangasiwa ng mga Heswita.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ikaapat na Taon sa Ateneo

 Napagpasiyahan ng mga magulang ni Rizal na gawin siyang interno


sa Ateneo upang suportahan ang masidhi nitong pagnanais na
gumaling pa lao at malagpasan ang mga katunggali sa klase.
 Nang sumunod na akademikong taon, si Rizal ay kabilang na sa
Imperyo ng Roma at tumira sa loob ng Ateneo sa ilalim ng disiplina
at malapit na pangangasiwa ng mga Heswita.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ikaapat na Taon sa Ateneo

 Ayon kay Rizal, walang mga mapang-api mula sa mga mag-aaral


sa Ateneo sapagkat ang pagmamataas ay dinadaan sa tagisan ng
katalinuhan sa klase sa halip na pananakot o panunudyo. Maliban
sa iilan, ang mga kasamahan ni Rizal na interno ay mabuti, payak,
relihiyoso, magiliw, at mapagkaibigan.
 Sa panahong ito umigting ang pagkahilig ni Rizal sa panitikan dahil
sa paghihimok, paglinang, at gabay na rin ng kinalulugdan niyang
guro na si Padre Francisco Paula de Sanchez. Dahil sa pari,
humusay nang husto si Rizal sa paggawa ng mga tula.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Ikaapat na Taon sa Ateneo

 Nakatulong nang husto ang pagiging interno ni Rizal kaya sa


katapusan ng akademikong taon ay nakapag-uwi siya na apat na
medalya at nanguna na sa pangkalahatan sa klase.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Huling Taon at Pagtatapos sa Ateneo

 Nagsimula ang panibagong akademikong taon sa Ateneo noong


1876. Si Rizal ay isa pa ring interno na nasa kanyang ikalima at
huling taon sa sekundarya.
 Hindi maikakaila ang talinong ipinamalas ni Rizal nang magtapos
siya na may pangkalahatang gradong sobresaliente.
Aralin 3: ATENEO DE MANILA

Huling Taon at Pagtatapos sa Ateneo

 Natapos ang huling araw ng klase ng akademikong taon sa Ateneo


noong Marso 14, 1877. Walang duda na si Rizal ang nanguna sa
mga nagtapos.
 Ang diploma na may titulong Bachiller en Artes ay ipinagkaloob ng
Universidad de Santo Tomas na may pangalang Universidad de
Filipinas kalakip ang lagda ng rekto na si Fr. Jose Cueto.
Aralin 4: UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Edukasyong Pamantasan

 Kinikilala sa Pilipinas at sa Asya na pinakamatandang pamantasan


ang Santo Tomas.
 Ang pamantasan ay pinangangasiwaan ng Ordo Praedecatorum
(Order of Preachers) na mas kilala bilang mga Dominikano.
Aralin 4: UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Filosofia y Letras

 Kung si Donya Teodora ang nasunod, hindi na sana


nakapagpatuloy sa mataas na edukasyon si Rizal. Nanghinayang si
Don Francisco sa kanyang talino kaya’t pinag-aral pa rin siya sa
Maynila. Hinimok ni Paciano si Rizal na huwag kumuha ng
abugasya sapagkat ayon sa kanya, maraming abugado sa panahon
na iyon sa Pilipinas ang hindi ganap na nakapagtatrabaho bilang
abugado. Isa pa, ang tungkulin ng abugado na ipagtanggol maging
ang mga mali, sa palagay ni Paciano ay taliwas sa tuntunin ni Rizal.
Aralin 4: UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS

Filosofia y Letras

 Sa Universidad de Santo Tomas kumuha si Rizal ng programang


filosofia y letras (philosophy and letters) sapagkat iyon ang
programa na napili ng ama.
 Muling nagpamalas ng kagalingan si Rizal sa unang taon sa
pamantasan sa mga asignatura na ang lahat ng grado ay
sobresaliente.
Aralin 4: UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS

Medisina

 Matatandaang isa sa mga pinagpipilian ni Rizal ang medisina


bagamat hindi pa siya sigurado noong una.
 Sinulatan niya ang rector ng Ateneo na si P. Pablo Ramon, upang
konsultahin. Pinayuhan siya nito na kumuha ng medisina. At sa
pagnanais ni Rizal na maoperahan ang ina na nabubulag sanhi ng
dobleng katarata, nabuo ang kanyang pasya na kumuha ng
medisina.
Aralin 4: UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS

Medisina

 24 na mag-aaral ang pumasok sa unang taon sa medisina. Sa


huling taon, walang Kastilang estudyante ang nakapasa. Anim
naman na Pilipino, kabilang si Rizal, sa mga nakapagtapos ng
kurso.

You might also like