You are on page 1of 1

Sa loob ng buhay ng Pambansang Bayani.

Noong ako’y nakatira sa Manila, isang prebilihiyo ang


makapunta sa Bahay Ni Jose Rizal ngunit nang lumipat
kami sa Laguna, napag-alaman ko’ng pwede mo mismo
gawing kaibigan ang pambansang bayani, at bisitahin ang
kanyang bahay kahit anong araw man yan. Isang biyaya na
kasama sa pag tira sa Calamba. Isa lamang iyan sa naisip
ko nang nilibot ko ang bahay na pinagmulan ng isa sa mga
kilalang tao na lumaban para sa kalayaan ng Inang
Pilipinas.

Nanatili ako sa kanyang bahay, at nilibot, na para bang dati ako’ng parte ng pamilya at ngayo’y
bumibisita. Sa bawat pag-hakbang ko, umuukit ang historya sa apakan ng aking mga tsinelas, at uuwi
ako na dala-dala iyon. Sa bawat bagay na nahahagip ng aking mga mata, ang buhay ng mga Rizal ay nag
lalaro sa aking isipan. Hindi lang bahay ni Rizal ang aking napuntahan, pati na rin pala ang kanilang
buhay.

Mula sa antesala ng mga Rizal kung saan nila timaganggap ang


kanilang mga bisita at ginaganap ang mga piging. Saksi ang kwartong
ito sa mga kwento ng bawat taong naging parte ng buhay Rizal.
Nakaukit at naka preserba ang bawat ngiti, tawanan, at
pagkakaibigang nabuo sa bawat araw.

Ang mga porselanang kagamitang pang hapunan ay naging malaking


parte sa buhay ng mga Rizal, kung saan saksi ang bawat isa sa kung
paano mag tapos ang
araw ng pamilya.
Habang pinagmamasdan
ang bawat kagamitan ay
iniimagine ko ang mag
pamilya, nakaupo sa
kanilang hapag-kainan,
habang naka handa ang mga pagkain sa mga porselanang
kagamitan, nag kukwentuhan kung paano ang kanilang
mga naging araw.

Kung iisipin, ang mga gamit, pader, sahig ay may mga kapangyarihang dalhin ang kasaysayan. May
kakayahan silang ipakita sa mga tao ang mga naganap, iparamdam sa mga tao ang mga emosyon, at
ipaalala ang mga tao sa mga bagay na pilit ibinabaon ng oras. Sa pag lakbay ko sa bahay ni Dr. Joze Rizal,
hindi lamang kaalaman ang aking nauwi, babaunin ko pati na rin ang bakas ng kasaysayan at ang alaala
ng buhay ng pamilya kung saan nag mula ang ating Pambansang Bayani.

You might also like