You are on page 1of 2

Kaibigan

Ni Salvador R. Barros

Araw ng mga bayani ngayon kaya walang pasok, nagkayayaan kami ng mga dati kong kaklase na maglaro
ng basketball. Sabik akong makalaro sila sapagkat matagal ko na silang hindi nakikita. Masaya kaming
naglaro,asaran dito,tawanan doon. Ganyan kami pag nagkakasamasama.

Pagkatapos ng laro ay kami ay kumain,nagpahinga saglit,tapos gala naman. Hindi problema sa amin kung
wala kaming pera. Basta't kami'y sama sama.

Masasabi kong sila ay tunay na mga kaibigan dahil para sa akin,ang tunay na kaibigan ay tumutulong sa
abot ng makakaya,hindi humihingi ng anumang kapalit,iniiwas ka sa mga maling gawain,malalapitan mo
kung may problema ka at higit sa lahat ay napapatawa ka nila sa bawa't asaran at biruan.

Ito yung mga kaibigan na pag nadapa o nahulog ka,imbes na tulungan ay pagtatawanan ka pa. Hindi rin
sa kanila uso ang pagkatok sa pintuan ng bahay niyo, sila yung mga parang magnanakaw na papasok na
lamang at hihiga sa inyong sofa na parang sa kanilang bahay. Sila rin yung mga kaibigan na hindi na "tita"
o "tito" ang tawag sa mga magulang mo kun'di nakiki "mama" at "papa" na rin.

Maraming tao sa mundo na pwede mong tawagin na kaibigan ngunit kakaunti lang ang magtatagal at
maituturing mong "tunay" na kaibigan. Madaling makahanap ng kaibigan subalit mahirap humanap
"tunay" na KAIBIGAN.
Pananampalataya

Ni Salvador R. Barros

Araw ng linggo, ako ay nagpunta sa aming simbahan. Nagulat ako sa dami ng taong aking nakita. Kung ikukumpara mo sa pangkaraniwang araw ng linggo 'di mapagkakaila na
mas maraming nagsimba ngayon. Hindi naman mahal na araw para maging ganito karami ang tao. Pinagmasdan ko ang paligid at aking nakita ang dahilan. Narito sa simbahan
namin ang poong Nazareno.

Nang magsimula ng magsalita ang aming kura paroko, nabanggit niya na siya'y nagagalak sapagkat binisita tayo ng ating mahal na poong Nazareno. Siya rin daw ay masaya
sapagkat maraming dumalo sa banal na pagtitipon tipon. Ngunit sa kabila daw ng kanyang kasiyahan ay may lungkot din siyang nadarama. "Kung iisipin natin ang ibang tao ay
nagsisimba lang kung may espesyal na pagdiriwang sa simbahan katulad ng Mahal na araw, Pista, Pasko, at kanilang kaarawan", sabi ng aming pari. Oo't totoo nga ang
kanyang sinabi. Marami sa atin ang nagsisimba lang kung may espesyal na kaganapan o di kaya'y nayaya ng barkada. "Masuwerte tayo sapagkat marami paring nagsisimba
sa ating simbahan. Ang ibang simbahan sa ibang bansa ay abandonado na at ginawa na lamang museo", dagdag niya ."Sana'y ipagpatuloy natin ang pagsisimba kahit
mawalan tayo ng pagsisimbahan sapagkat ang tunay na depinisyon ng simbahan ay hindi isang lugar... Ang simbahan ay ang mga taong nagsasama sama upang makinig,
maipalaganap, at maiaplay ang mabuting balita ng panginoon".

Napaisip ako habang ako'y naglalakad pauwi na hindi sapat ang pagiging mabait, mapagbigay, at matulungin upang maging isang mabuting alagad ng Diyos. Ang tunay na
alagad ng Diyos ay mayroon ding matatag na PANANAMPALATAYA.

Pananampalataya

Ni Salvador R. Barros

Araw ng linggo, ako ay nagpunta sa aming simbahan. Nagulat ako sa dami ng taong aking nakita. Kung ikukumpara mo sa pangkaraniwang araw ng
linggo 'di mapagkakaila na mas maraming nagsimba ngayon. Hindi naman mahal na araw para maging ganito karami ang tao. Pinagmasdan ko ang
paligid at aking nakita ang dahilan. Narito sa simbahan namin ang poong Nazareno.

Nang magsimula ng magsalita ang aming kura paroko, nabanggit niya na siya'y nagagalak sapagkat binisita tayo ng ating mahal na poong Nazareno.
Siya rin daw ay masaya sapagkat maraming dumalo sa banal na pagtitipon tipon. Ngunit sa kabila daw ng kanyang kasiyahan ay may lungkot din
siyang nadarama. "Kung iisipin natin ang ibang tao ay nagsisimba lang kung may espesyal na pagdiriwang sa simbahan katulad ng Mahal na araw,
Pista, Pasko, at kanilang kaarawan", sabi ng aming pari. Oo't totoo nga ang kanyang sinabi. Marami sa atin ang nagsisimba lang kung may espesyal
na kaganapan o di kaya'y nayaya ng barkada. "Masuwerte tayo sapagkat marami paring nagsisimba sa ating simbahan. Ang ibang simbahan sa ibang
bansa ay abandonado na at ginawa na lamang museo", dagdag niya ."Sana'y ipagpatuloy natin ang pagsisimba kahit mawalan tayo ng pagsisimbahan
sapagkat ang tunay na depinisyon ng simbahan ay hindi isang lugar... Ang simbahan ay ang mga taong nagsasama sama upang makinig,
maipalaganap, at maiaplay ang mabuting balita ng panginoon".

Napaisip ako habang ako'y naglalakad pauwi na hindi sapat ang pagiging mabait, mapagbigay, at matulungin upang maging isang mabuting alagad ng
Diyos. Ang tunay na alagad ng Diyos ay mayroon ding matatag na PANANAMPALATAYA.

You might also like