You are on page 1of 6

Anluwage Simbang

Gabi Reflection
December 19, 2020
Ika-Apat na Simbang Gabi.
Luke 1<5–25

Panalangin
Panginoon, Ikaw ang nagbigay
sa amin ng kakahayang
makarinig sa aming Kapwa at sa
Iyong mga Salita. Turuan mo
kaming makinig sa Iyo nang sa
gayon ay masundan namin ang
Iyong kagustuhan at hindi ang
aming mga sariling kagustuhan
at sa gayon ay aming
maisabuhay ang Iyong mga aral.
Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ng Iyong Anak na
si HesuKristong aming
Panginoon.

Makinig at Manampalataya

Noong nakaraang Disyembre


2018, naassign ako sa San
Lorenzo Ruiz Parish para sa
aming Simbang Gabi
Apostolate. Inatasan kami na
magbigay ng Liturhiya ng Salita
ng Diyos na may kasamang
Komunyon sa komunidad na
sakop ng Parokya. Ang
Komunidad na aking
pinupuntahan ay ang bahayan
malapit sa Cavite Expressway.
(Noong nakaraang April ay
nasunong ang kanilang
bahayan)

7<00 ang Banal na pagdiriwang


sa nasabing komunidad. Bago
umalis ay inihahanda ko muna
ang mga kakailanganin ko:
sutana, mga babasahin at yun
Banal na Sakramento o Hostia
na tatanggapin ng mga tao.
Nang buksan ko ang
tabernakulo para kumuha ng
Banal na Sakramento, isang
piraso na lamang pala ang
laman ng ciborio.
6<30pm na noon. Dumating na
ang aking sundo. Nataranta ako.
“Kuya, wala pa po tayong ostia.
Pwede po bang samahan niyo
po muna ako sa Simbahan sa
tapat ng SM Bacoor.”
Tarantang-taranta na ako dahil
baka malate ako at mag-alisan
ang mga tao. Samahan pa ng
traffic.

Nakarating kami sa simbahan at


agad-agad akong bumaba para
manghingi ng Ostia. At saka
kami umalis. Di palagay ang
loob ko. Isa ang highway sa SM
Bacoor sa mga traffic na lugar
sa Cavite. Habang binabagtas
namin ang kahabaan ng
Aguinaldo highway patungong
community biglang nagsalita
ang Driver. “Brother, tingnan
niyo po oh, wala na pong traffic.
Pinagbigyan tayo ng Panginoon
na makabiyahe ng maalwan.”
Bigla akong natauhan. “Kasama
ko ang Diyos. Kasama ko nga
pala ang Diyos!” Doon ko nakita
ko ang biyaya sa pamamagitan
ng Driver. (Hindi siya pala
simba. Inihahatid niya lang
talaga ako community). At
laking gulat ko rin nang
makarating kami sa community
sa tamang oras.

Sa ating mabuting balita,


napakinggan natin na nagduda
si Zacarias sa balita ng Anghel
ng Panginoon sa kanya na sila
ay magkaka-anak ni Elizabeth
kahit pa sila ay napakatanda na.
“Paano ko po matitiyak na
mangyayari ito? Sapagkat akoʼy
napakatanda na at gayon din
ang aking asawa.”

Minsan sa ating buhay, tayo din


ay nagdududa at nawawalan ng
pananampalataya sa mga
pagkakataong hindi dinidinig ng
Panginoon ang ating mga
dalangin o kaya naman ay
nagugulumihanan tayo sa mga
pangyayari sa ating buhay. At
pakiramdam natin ay parang
maadalas na tayo lang ang
nagsasalita sa ating mga
Panalangin. Gayunpaman, ang
Panginoon ay nakikinig at
nangungusap sa ating lahat.
Maaaring sa pamamagitan ng
ating kapwa o kaya naman ay sa
mga bagay na nakakapagbigay
sa atin ng liwanag ng isip. Ang
kailangan lang natin ay makinig,
magtiwala at manampalataya sa
kakayahan ng ating Panginoon.

Ito marahil hamon sa atin


ngayong ikaapat na araw ng
simbang gabi: ang Diyos ay
nangungusap sa atin at tayo
lahat ay dapat na makinig at
manampalataya. Amen.

Regalong Maaaring Maialay


Alalahanin ang mga
pagkakataon na nawalan ng
Pagtitiwala sa kakayahan ng
Panginoon. At mag-alay ng mga
Panalangin para sa mga nasa
bilanguan.

Personal Profile
Emerson C. Maala
Spirituality Year
Tahanan ng Mabuting Pastol

You might also like