You are on page 1of 3

Ang simbang gabi ay isng 

novena mass kung saan ang nangungunang adhikain nito ay pasidhiin


ang pagmamahal kay Hesukristo. Ang pagsisimba ng magkakasunod na siyam na araw ay
pagpapakita ng mga deboto lalo na ng mga Katoliko ang kanilang paniniwala at pananampalataya
sa kanilang relihiyon gayun din ang pag-aasam sa selebrasyon ng kapanganakan ni Hesukristo.
Ang Simbang Gabi ay bahagi na ng buhay ng tao. Sabi ng ilan, isa ito sa mga gawaing hindi dapat makalimutan
ninuman lalo na ngayong buwan ng Disyembre na kung saan lahat ay naghahanda para sa panahon ng Kapaskuhan –
ang pagsilang sa ating Panginoong Hesukristo.

Bagamat ganito, isang tanong ang namamayani sa aking isipan. May nakakatagal pa kaya sa pagsi-simbang gabi?
Kung meron man, kahanga-hanga sila. Kung kakaunti na ay sana isa na ako dun.

Inaamin ko na isa ako sa mga taong hindi matapos-tapos ang pagsisimbang gabi. Ako yung taong hindi masyadong
relihiyoso, pero pinilit ko naman dati na makumpleto sa paniniwalang pag nakumpleto mo
raw ito, matutupad ang mga kahilingan mo. Ngunit sa kasamaang palad, wala akong natapos na Simbang Gabi sa
tanang buhay ko. Mga apat hanggang limang araw lang yata ang itinagal. Hindi ko siya natapos.
Hindi ko siya kinaya.
At dahil Simbang Gabi na naman, magla-lakas loob akong magbigay ng payo sa aking sarili at para sa ibang
Batangueño para makatagal at matapos ng matiwasay ang pagsisimbang gabi.

Hindi biro ang gumising ng maaga sa loob ng siyam na araw. Kaya naman sa tulong ng mga simpleng payong ito,
sana’y matapos na natin ang 9 na Simbang Gabi.

Una, KATOLIKO AKO, TATAPUSIN KO ITO. Ang katagang ito ay para sa 73.8 million (Wikipedia) at patuloy na
dumaraming katoliko sa bansa at dito sa Batangas. Tulad ng ibang relihiyon, ang pagiging bahagi nito ay may
kaakibat na responsibilidad. Naniniwala rin ako na bahagi ng kultura ang relihiyon. At bilang isang Katoliko,
kasama sa mga “responsibilidad” na ito ang pagdalo sa Simbang Gabi. Kung hindi ka mahilig magsimba tuwing
Linggo, sana naman ay pagbigyan mo ang siyam na Simbang Gabi at gawing bukal sa puso ang pag-kumpleto nito.
Isa pa, napakaraming simbahan dito sa Batangas. At sinisigurado kong
mae-engganyo kang tapusin ang Simbang Gabi kapag nakita ang mga nag-gagandahang simbahan ng Batangas.

KALIGAYAHAN NG KAPASKUHAN: Reflection for CHRISTMAS NOVENA


DAY 1 - SIMBANG GABI - December 16, 2014
Simula na naman ng Misa de Gallo.  Siyam na araw na naman tayong gigising ng maaga at
iindahin ang lamig ng tubig sa pagligo.  Apat na Linggo ang ibinigay na Simbahang paghahanda
na ang tawag natin ay Adbiyento.  Siyam na araw naman itong nobenang ating sinisimulang
bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Kapaskuhan.  Ang mga ito ay ibinibigay
sa atin ng Inang Simbahan upang makahuugan nating maipagdiwang ang Pasko ng Pagsilang
ng Panginoon. May mga espesyal tayong pagdiriwang na kasabay ng pagpasok ng masayang
panahong ito. Sinimulan natin sa unang araw  ng Adbiyento ang Year of the Poor na kung saan
ay hinahamon tayong balikan muli ang ating pagiging Simbahan ng mga Dukha o Church of the
Poor.  Pinaghahandaan din natin ang pagbisita ng Santo Papa sa darating na taong 2015, isang
malaking pagpapala para sa ating Simbahan dito sa Pilipinas.  At ngayon araw ding ito ay
ipinagdiriwang din natin ang Pandaigdigang Taon ng mga Kabataan na kung saan binibigyan
natin ng natatanging pagtingin ang mga kabataan sa ating Simbahan.  Katulad na Jesus na
dumaan din sa pagiging kabataan, ang hangarin natin sa mundong ito ay mabuhay ng
maligaya.  Para saan pa ang buhay kung tayo naman ay mabubuhay na malungkot?  Kaya nga
ang katanungang magandang sagutin ay "ano ba ang makapagpapaligaya sa akin sa Paskong
ito?"  Marahil nais natin ng bagong cellphone o tablet.  O baka naman gusto natin ng bagong
damit o kotse.  May mga iba na ang nais ay mapalitan ang kanilang status na SINGLE sa IN A
RELATIONSHIP. Dahil pag hindi ito nangyari ay magiging certified member na naman sila ng
SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko. Sa unang araw ng Simbang Gabi ay ibinibigay sa
atin si Juan Bautista bilang halimbawa ng tunay na pagpapatotoo kay Kristo.  Katulad ni Juan
Bautista, tayo ay hinahamon na manindigan sa katotohanan.  Ito ay nangangahulugan ng
pagpili natin sa tama at hindi sa mali sa tuwing tayo ay nagdedesisyon sa buhay.  Sinasabihan
din tayong sikaping tanggalin ang ating mga masasamang pag-uugali at tahakin ang daan
tungo sa tunay na pagbabalik-loob.  Dito nakasalalay ang maligayang pagdiriwang ng Pasko.
Kapos man tayo sa pera o wala man tayong bagong damit o gamit ay magiging masaya pa rin
ang ating paghahanda sa kapaskuhan.  Ito ay sapagkat alam natin ang nagbibigay sa atin ng
tunay na kaligayahan sa Kapaskuhan.  Tanging si Jesus ang dahilan ng ating pagdiriwang.
Jesus is the "Reason of the Season".  Sana ay maituon natin ang ating sarili sa tunay na
kaligayahan ng kapaskuhan!

Tuwing sasapit ang gabi ng ika-15 ng Disyembre o ang madaling araw ng ika-
16 ng Disyembre taun-taon, sinisimulan ng Simbahan sa Pilipinas ang
masikat na kaugalian na tinatawag na Simbang Gabi. Ang Simbang Gabi ay
ang siyam na araw na inilaan ng Simbahan sa Pilipinas para sa paghahanda
ng sarili para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan. Sa loob ng siyam na araw na
ito, nagsisitungo sa mga Simbahan ang mga Pilipinong Katoliko upang ihanda
ang kanilang mga sarili para sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng
Pasko ng Pagsilang. 

Hindi lamang ang mga Misa para sa siyam na araw o gabi ng tradisyunal na
kaugalian na tinatawag na Simbang Gabi ang sentro ng atensyon ng
karamihan sa loob ng siyam na araw o gabing ito bago sumapit ang
Kapaskuhan. Sa mga nagdaang taon (na wala pang pandemiya), ang mga
taong dumalo sa mga Misa para sa siyam na araw o gabi ng Simbang Gabi
ay matatagpuang kumakain sa labas ng mga Simbahan. Marahil ay kumakain
ng mga pagkaing tulad ng puto bumbong o bibingka sa labas mismo ng
Simbahan o 'di kaya kumakain sa mga fast food chain tulad ng Jollibee,
McDo, o kaya Pancake House. 

Sa paglipas ng mga taon, lalo na sa mga taong walang pandemiya,


dumadami ang mga taong dumadalo sa mga Misa para sa Simbang Gabi.
May mga taong kasama ang kanilang mga kasintahan. Kung hindi man
kasintahan ang kasama nilang magsimba, kasama nila ang kanilang
kinukursunada at nais ligawan. May mga taong pumupunta sa Simbahan para
makahanap ng kasintahan. Mayroon ring mga taong wagas kung
makapagporma. Habang dumadami ang mga taong dumadalo sa Simbang
Gabi, masasabi nating dumadami ang iba't ibang mga gimik tuwing sasapit
ang tradisyunal na siyam na umaga o gabing ito. 

Wala namang masama sa paghahanap ng kasintahan o pagliligawan. Hindi


rin masama ang kumain pagkatapos ng Misa para sa siyam na umaga o gabi
ng Simbang Gabi. Subalit, ang problema na lamang ay kapag ang isa sa mga
ito ang naging sentro ng atensyon o dahilan kung bakit dumadalo ang
maraming tao sa mga Misa para sa siyam na umaga o gabi ng Simbang Gabi.
Kapag may ilang taong nagsabi na dumadalo sila sa mga Misa para sa
Simbang Gabi para lamang kumain ng puto bumbong, makipagligawan,
makipaglandian o 'di kaya humanap ng kasintahan, isa na iyang malaking
problema. 

Bakit idinadaos ang Simbang Gabi? Sino o ano ang dapat maging sentro ng
atensyon sa Simbang Gabi? Ipinaliwanag sa mga Pagbasa ang tunay at
kaisa-isang dahilan kung bakit mayroong Simbang Gabi. Sa Unang Pagbasa,
inilahad ni propeta Isaias ang pangako ng Panginoong Diyos sa Kanyang
bayan. Ang panahon kung kailan ililigtas ng Diyos ang Kanyang bayan ay
malapit na (Isaias 56, 1). Nalalapit na ang pagsapit ng panahong ililigtas ng
Panginoong Diyos ang Kanyang bayan. Tinupad nga ng Diyos ang Kanyang
pangako. Tinupad Niya ito sa pamamagitan ng ipinangakong Mesiyas at
Manunubos na walang iba kundi ang Panginoong Hesukristo. Inihayag ni
Hesus sa Ebanghelyo na ang Kanyang mga gawa ang nagpapatotoo at
nagpapatunay na Siya'y tunay ngang isinugo ng Diyos Ama (Juan 5,
36). Ginawa Niya ang mga ipinagagawa sa Kanya ng Ama upang patunayan
ang katapatan ng Diyos. Ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako. Hindi
nakalimutan ng Banal na Santatlo ang pangakong binitiwan.  

Malinaw na itinuturo ng mga Pagbasa para sa unang araw ng Simbang Gabi


kung bakit idinadaos ang mga Misa sa loob ng siyam na araw na ito. Hindi ito
tungkol sa mga pagkaing katulad na lamang ng puto bumbong o bibingka.
Hindi rin ito tungkol sa paghahanap ng kasintahan, pagliligawan, o
pakikipaglandian. Bagkus, ang siyam na araw ng Simbang Gabi ay tungkol sa
Panginoong Hesus, ang Sanggol na dinala ng Mahal na Birheng Maria sa
kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. 

Isa lamang ang sentro ng Simbang Gabi. Si Kristo, ang Diyos na


nagkatawang-tao at dumating sa daigdig. Sa pamamagitan ni Kristo na dinala
ng Mahal na Ina sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan,
dumating ang Diyos sa daigdig upang iligtas ang Kanyang bayan. Sa
pamamagitan ni Maria, ang Diyos na nagkatawang-tao na si Hesus ay
dumating sa daigdig. 

You might also like