You are on page 1of 2

Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Jonas 3, 1-10; Salmo 129, 1-2. 3-4ab.

, 1-2. 3-4ab. 7-8; Lucas 10, 38-42

Sa pakikipagkapwa mahalaga ang pakikinig- sa relasyon man natin sa kapamilya, kaibigan, o maging sa Diyos mahalaga ang
pakikinig. Mga kapatid, ang ating mga pagbasa ngayon ay inaanyayahan tayong makinig. Sa unang pagbasa, nagpadala ang
Diyos ng propeta sa mga taga Nineve, isang bayan na lugmok na sa pagkamakasalanan. Pinadala ng Panginoon si Jonah sa
Nineveh, para sabihin sa kanila na gugunawin na ng Panginoon ang kanilang bayan after 40 days. Nang marinig nila ang
mensahe ng Diyos, nakinig sila, nagsisi at nagbagong buhay, kaya hindi na nagunaw ang kanilang bayan. Nakinig sila sa salita
ng Diyos at sila ay naligtas. Mga kapatid, mapagmahal ang Diyos, gusto ng Diyos na iligtas ang lahat. Pero para matanggap
natin ang kaligtasan ng Diyos, ang major requirement ay ang makinig at sumunod sa kanyang salita. Hindi nagkulang ang
Panginoon sa pagsasalita at pakikipagcommunicate sa atin. Nagsasalita siya sa Banal na Misa na ito. Nagsasalita siya sa Banal
na kasulatan. Nagsasalita ang naghuhumiyaw ang kanyang tinig sa ating mga konsensya. Ang tanong, nakikinig ba tayo sa
Panginoon sa loob ng Misa? Paano ba tayo maghanda bago umattend ng Misa? Sa ating pang araw araw na buhay, namumuhay
ba tayo bilang mga Kristyano sa pamamagitan ng sa pagsasabi nang totoo at paggawa ng tama? O iniiwan na natin ang ating
pagka Kristyano sa loob lang ng Simbahan? The message of Jonah and the prophets is still valid as today. The message is still
the same. Magbalikloob, makinig at sumunod sa Salita ng Diyos.

When we listen, it is not enough that we listen only to God. Kailangan makinig din tayo sa mga tao na nakapaligid sa atin. Kaya
makikita natin sa Ebanghelyo, si Hesus, lumabas ang human side niya. The needs of a person is not limited to physical needs,
like food, drink and shelter. Ito yung mga bagay na pinagkakabusyhan ni Marta. Most of all, a person needs someone who will
listen to his/her stories, feelings, sentiments. Jesus is not exempted to that. And he found that compassionate listening in Mary.
Remember, Martha, Mary and Lazarus are not only Jesus’ disciples. They are also Jesus’ close friends. And Jesus like many of
us, showed that being a human also means having a need of compassionate listening from someone. Hindi lang yung laging si
Hesus ang bigay nang bigay. Gusto rin ni Hesus ng kaibigan na makikiramay at makikinig sa kanya. Mga kapatid, Kailan mo
naranasan na may nakinig talaga sa iyo? The kind of listening that is uninterrupted? Walang tanong tanong. Walang comment.
walang advice. Yung pakikinig na may totoong concern o pagdamay. Isa pang tanong, kailan kang huling nakinig nang ganito
sa iba.

Napakahirap ng mahanap sa mundong ito ang ganoong uri ng pakikinig. Marami sa mga tao ngayon di na marunong makinig.
Di pa tapos magsalita, nag iisip na tayo ng isasagot. O di kaya nakikinig tayo hindi dahil nakikiramay tayo. Nakikinig tayo para
magrebutt o mangsopla. O mas malala, hindi tayo nakikinig sa iba dahil sarili lang natin ang gusto nating pakinggan.

Brothers and Sisters, napakaimportante na marunong tayo makinig maging sa panahon ngayon. As our Church is embarking
towards the synodal journey, Pope Francis reminds us: Today, we need a Church capable of walking at people's side, of doing
more than simply listening to them.... At times we lose people because they don't understand what we are saying… We cannot
keep ourselves shut up in parishes, in our communities, when so many people are waiting for the Gospel. Kaya marami ang
lumalayo sa Simbahan, kasi marami sa ating mga kapatid, feel nila hindi sila belong, hindi sila napapakinggan at wala silang
“say” sa simbahan. This is the reality that we are facing. Our Society and even our Church has a crisis in terms of listening.

Sa ating pagtahak sa “synodal journey” tumingin tayo sa model at teacher ng pakikinig, ang ating Mahal na Ina- Nuestra Senora
del Pilar. Nakinig siya at nag “Yes” sa kalooban ng Diyos. Pinanindigan niya ang “Yes” niya, hanggang sa paanan ng Krus.
Kaya ngayon kasama siya ni Hesus sa kaluwalhatian. Hindi lang nakikinig ang Mahal na Ina sa Diyos. Nakinig din siya sa
paghihirap ng mga nasa paligid niya. Kahit siya ay buntis, naglakbay siya para tulungan ang kanyang matandang pinsan na si
Elizabeth na manganganak na. Noong umattend siya ng isang kasalan sa Cana, dahil malakas ang kanyang pandinig, narinig at
naramdaman niya ang pinoproblema ng bagong kasal- wala ng alak, which means mapapahiya sila sa mga bisita. Kaya nakiusap
siya sa anak niya na tulungan ang mag-asawa, kaya naganap ang unang himala ni Hesus. Noon namang malaman niya na si St.
James ay napanghihinaan na ng loob dahil hindi siya succesful sa mission niya sa Espana, dinalaw niya ang alagad sa
pamamagitan ng pagpapakita sa kanya sa ibabaw ng pilar. Kaya ngayon meron tayong Nuestra Senora del Pilar kasi inaalala
natin ang pagdamay ni Maria sa mga nahihirapan at pinanghihinaan ng loob. Dahil sa pagdamay ni Maria kay St. James,
nagkaroon siya ng lakas ng loob na mangaral sa Espana at gawing Kristyano ang bansa. At later on, after 500 years, ang mga
Espanol na ito ang siya ring nagdala ng pananampalataya sa ating Bansa. Salamat sa pagdamay ni Maria kay St. James, kaya
nakarating ang Katolisismo sa bansa. Ang lahat ng ito ay nangyari dahil magaling makinig si Maria, sa salita ng Diyos, at sa
panaghoy ng mga nangangailangan sa kanya.

Sa Misang ito, hingin natin ang tulong at patnubay ni Maria, nang sa gayon, matuto tayong makinig sa tinig ni Hesus at sa tinig
ng ating mga kapatid. Nawa’y sa ating patuloy na pakikinig at pagsunod, makamtan natin ang pagmamahal, kaligtasan at
kagalingan kay Hesus, ang Salitang nagkatawang tao, upang magbigay buhay at kaligtasan.

You might also like