You are on page 1of 8

92-94 FLORES DE MARIA 25. IKADALAWAMPUT LIMANG ARAW Diwa: Si Maria: Ang Ina ng Iglesia 1. PAMBUNGAD NA AWIT 2.

P A G B A T I Tagapamuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo L a h a t: Amen. Tagapamuno: Sumaatin nawa ang pagpapalat kapayapaan ng Panginoo. L a h a t: Amen. 3. PAMBUNGAD NA PANANALITA Tagapagpaliwanag: Sa paanan ng krus, abgo siya namatay, inihabilin ni Jesus tayong tinubos sa Mahal niyang Ina. Kayat si Maria ay naging Ina rin nating bumubuo sa Iglesiang binigyang buhay ng dugo at tubig na dumaloy sa tagiliran n gating tagapagligtas. Sa bias ng kanyang pagiging Ina natin, si Maria ay patuloy na nagtataguyod ng buhay sa Santa Iglesiya. 4. PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapamuno: Manalangin tayo. (Sumandaling tumigil) Aming Ama, panginoon ng sangkalupaan, minarapat mong ibigay ang Ina ng iyong Anak bilang Ina ng Sambayanan ang iyong tinipon at itinatag. Tulutan mong ang iyong bagong angkan ay buong pagtitiwalang manalig sa pagkalinga at pamamagitan ni Maria, pakundangansa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ng iyong Anak at aming Panginoon. L a h a t: Amen. 5. PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS (Jn. 19: 25-27) Tagabasa: Pagbasa sa Ebanghelyo ayon kay San Juan. Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang Ina at ang kapatid nito na si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Nang Makita ni Jesus ang kanyang Ina at sa tabi nito ang minamahal niyang alagad, sinabi niya sa kanyang Ina, Babae, hayan ang iyong Anak.Buhat sa oras na yaon, tinanggap na siya ng alagad sa kanyang tahanan. Ito ang Munting Balita n gating kaligtasan. L a h a t: Purihin ka, O Kristo. 6. PAGNINILAY Tagapaliwanag: Bilang Ina na ating Tagapagsalita, si Maria ay atin rin Ina. Ang pagiging Ina ni Maria kay Jesus ay nagbukal sa kanyang pagsampalataya at pag-sangayon sa anghel na nagpahayag ng kanyang pagkahirang sa panunungkulang ito para sa kaligtasan ng tao. Bago pa man ipinaglihi ni Maria si Jesus, sa pananampalatayay tinanggap na niyay dinala sa kanyang buong katauhan si Jesus. Si Maria ay Ina rin natin, mga kasapi ng katawang Mistiko ni Kristo, sapagkat sahil sa kanyang pag ibig ay

nakiisa siya sa kanyang Anak sa kalbaryo at duoy inatasang kupkupin bilang kanya ring mga Anakl ang mga minamahal at kaugnay ni Kristo. Narinig natin nuong ikadalawamput dalawa nito ating debosyon, na tayong lahat ay wari ding magulang at mga kapatid ni Kristo, alalaumbagay mga tunay na kaisa niya; kung ang salita at kalooban ng Ama ay ating isinasagawa at tayoy naglilingkod sa isat isa. Kaya nga si Mariay Ina ni Jesus sa laman, at gayon din totoong kanyang kaisa at Kamag - anakan sa pagtalima sa salita ng Diyos. Ngunit si Maria ay Ina nating lahat, sapagkat siyay katangi tanging nakiisa sa plano ng Ama hanggang sa kalbaryo. Ang katotohanang itoy kinilala ni Kristo nang sa paanan ng Krus, bago siya namatay, ay kaniyang winika: Babae, hayan ang iyong anak.Inihabilin niya kay Maria ang kanyang mga alagad, ang lahat ng mga sumusunod at minamahal niya, na siyang pinangangatawanan ng alagad na ito sa paanan ng krus. Si Mariay itinataga ng kanyang Anak na si Jesu-Kristo na maging isang Ina rin para sa mga kasapi ng kanyang Katawang Mestiko, ang Santa Iglesia. Bilang isang lahing maka ina, tayong mga Pilipino ay likas lamang na maging maka Maria at ituring natin siyang Ina. Manalig tayo sa kanyang maka Inang pagmamahal. 7. SALMO RESPONSORIO Tagabasa: Sa Panginoon ang lupa at ang tanang naroroon, ang daigdig at lahat ng magsisintahan ditto. Sapagkat siya ang nagtatag ng lupa sa karagatan, ang nagbigay ng mga ilog. L a h a t: ITO ANG LAHI NG MGA NAGHAHANAP SA IYO. Tagabasa: Sino ang makaaahon sa bundok ng Panginoon, sino ang makakatayo sa kanyang banal na dako? Sapagkat siya ang nagtatag ng may malinis na kamay at dalisay na puso, na di naghahangad ng walang kabuluhan, di nagsisinungaling sa kanyang kapwa. L a h a t: ITO ANG LAHI NG MGA NAGHAHANAP SA IYO. Tagabasa: Siya ay tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, isang gantimpala sa kanyang Dios na tagapagligtas. Ito ang lahi ng mga dumudulog sa Panginoon, na naghahangad na makita ang mukha ng Diyos. L a h a t: ITO ANG LAHI NG MGA NAGHAHANAP SA IYO. 8. PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO 9. PANALANGIN NG BAYAN Tagapamuno: Tayoy magpasalamat sa Diyos Ama sa mga biyayang tinanggap natin lalung-lalo yaong mga tinanggap ng Santa Iglesiya sa pamamagitan ni Maria. Ating sasabihin: L a h a t: NAGPAPASALAMAT KAIM, PANGINOON. Tagapamuno: Sa magiliw mong pagbibigay ng sigla at patnubay sa aming Santo Papa, mga Obispo at mga pari para sa pagpapatuloy ng Gawain ng Kaligtasan. L a h a t: NAGPAPASALAMAT KAMI, PANGINOON.

Tagapamuno: Sa pagtatanggol mo sa Santa Iglesias a mga kaaway at sa (Santo Papa) pagsasanggalang mo sa kaniya sa lahat ng panganib na laban sa kanyang kabanalan at pagkakaisa. L a h a t: NAGPAPASALAMAT KAMI, PANGINOON. Tagapamuno: Para sa mga nagbigay sa amin ng buhay, humubog sa amin, nagpamana sa amin ng kabutihan at kadakilaan, nagbuwis ng buhay para sa aming kalayaat kalinangan. L a h a t: NAGPAPASALAMAT KAMI, PANGINOON. Tagapamuno: Para sa mga taong aming minamahal at nagbibigay kahulugan sa aming buhay, mga kasamahan naming, at gayon din ang mga nagbibigay sa amin ng pasakit at suliranin. L a h a t: NAGPAPASALAMAT KAMI, PANGINOON. Tagapamuno: Tahimik nating pasalamatan ang Panginoon sa pansariling biyayang ating natanggap. Tagapamuno: Kasama n gaming pasasalamat, tanggapin mo kami Panginoon at tulad ng pagtanggap mo sa pag-aalay ni Jesus at ni Maria ng kanilang sarili. Itoy aming hinihiling sa ngalan niyang nag-alay ng sarili sa Krus, alang-alang sa amin, si Kristong aming Panginoon. L a h a t: Amen. 10. PAG-AALAY NG BULAKLAK 11. PANGWAKAS NA PANALANGIN Tagapamuno: Manalangin tayo. Nagpapasalamat kami, Panginoon, paglalaan mo kay Maria na maging Ina ng Iglesia. Mapasaamin nawa ang iyong Banal na Espiritu, upang kasama ni Maria, kami ay mabuhay ng nagkakaisa sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Nawa ay magbinga an gaming mga gawa at makapaglingkod sa aming kapuwa. Itpy aming hinihiling sa ngalan ni Jesus, na aming Panginoon. L a h a t: Amen. 12. PANALANGIN NG PAGPAPALA Tagapamuno: Patnubayan nawa tayo ng maawaing Diyos, at pagkalooban ng kapayapaan sa ating buhay. L a h a t: Amen. Tagapamuno: Ilayo nawa niya tayo sa lahat ng ligalig, at bigyang lakas an gating puso sa kanyang pag-ibig. L a h a t: Amen. Tagapamuno: Pagyamanin nawa tayo sa pananampalataya, pag-asa at pagmamahal, at matulad nawa tayo kay Marian gating Ina. L a h a t: Amen. Tagapamuno: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak at ng Espiritu Santo.

(Kukrusan ng bawat isa ang sarili) L a h a t: Amen. 13. PANGWAKAS NA AWIT 95 FLORES DE MARIA 26. IKADALAWAMPUT ANIM NA ARAW Diwa: Tayong mga Anak ni Maria 1.

98 FLORES DE MARIA 27. IKADALAWAMPUT PITONG ARAW Diwa: Ang Ipinako sa Krus ay Nabuhay na Muli 1. PAMBUNGAD NA AWIT 2. PAGBATI Tagapamuno : Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santos La h a t : Amen. Tagapamuno : Sumaatin nawa ang pagpapalat kapayapaan ng Panginoon. Lahat : Amen. 3. PAMBUNGAD NA PANANALITA Tagapagpaliwanag: Kung may taong naging kaisa ni Jesus sa mga pangyayari ng kanyang buhay ay wala ng hihigit pa sa kanyang mahal na Ina. Nang ang kanyang mga tagasunod ay isa-isang lumayo kay Jesus si Maria ay nanatiling kasama niya hanggang sa kamatayan sa krus tulad nang narinig natin nitong mga nakaraang araw. Dahil ditto, si Maria ay natigib higit sa lahat ng dalisay na kagalakan sa muling pagkabuhay ni Jesus. Kung tayoy kasama ni Jesus at ni Maria sa kanilang dalamhati at paghihirap, tiyak na makakasama rin nila tayo sa kagalakan at kaluwalhatian. 4. PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapamuno: Manalangin tayo. (Sumandaling tumigil) Diyos Ama, Bukal ng Buhay,

Tinupad mo ang iyong pangakong Buhay na walang hanggan Sa muling pagkabuhay ng iyong Anak. Pukawin mo sa aming mga puso Ang matibay na pagsampalataya Na ang paghihirap ay naghahatid ng kaluwalhatian at ang kamatayan ay naghahatid ng muling pagkabuhay sa pamamagitan ng Anak mo si Kristong muling nabuhay. L a h a t: Amen. 5. PAGDIRIWANG NG SALITA NG DIYOS (MT. 28 : 1 10) Tagabasa: Pagbasa sa Ebanghelyo ayon kay Mateo. Pagkaraan ng Sabat, sa pagbubukang liwayway ng unang araw ng sanglinggo , si Maria na taga-Magdala at ang iisa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang libingan kaginsayginsay lumindol nang malakas, dahil isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit, lumapit ginulong ang bato at naupo sa ibabaw nito. Parang kidlat ang kanyang anyo, at ang kanyang damit ay kasing puti ng busilak. Sa takoy sa kaniya ay nanginig ang mga bantay at nangabulagta na parang mga patay. Ngunit sinabi ng naghel sa mga babae, Huwag kayong matakot. Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala siya rito, sapagkat siya ay bumangon na muli tulad ng kanyang sinabi. Halika kayot inyong tingnan ang lugar na kaniyang hinimlayan. At magmadali kayot sabihin sa kanyang mga alagad: Siya ay bumangong muli sa mga patay. At pakinggan ninyo, mauuna siya sa inyo sa Galilea, duon ninyo siya makikita. Ako ang nagsabi sa inyo. Tigib ng takot at malaking kagalakan, nagmamadali silang umalis ng libingan at nagtatakbo upang magbalita sa kanyang mga alagad. At bigla na lamang silang sinalubong ni Jesus at winika sa kanila: Pagpapalay sumainyo. Lumapit sila sa kaniya, na nagpatirapa sa kanyang harapan at niyapos ang kanyang mga paa. Huwag kayong matakoy, ang sabi ni Jesus sa kanila. Humayo kayot ibalita sa aking mga kapatid na pumaruon sila sa Galilea at duon nila ako makikita. Ito ang Mabuting Balita n gating Kaligtasan. L a h a t: Purihin ka, O Kristo. 6. PAGNINILAY Tagapagpaliwanag: Ang pinakapuso ng ating binasa para sa araw na ito ay ang pahayag ng anghel: Ang ipinako sa Krus ay nabuhay na muli. Ang libingan ay walang laman. Sis. Jesus ay nagtagumpay sa kasalanan at kamatayan. Ito ang tunay na kinauwian ng kanyang pagdurusat kamatayan. Siya nga ang Mesias, ang Anak ng Diyos. Sa kanyang muling pagkabuhay nagwawakas ang lahat ng pagsasalaysay ng pagpapakasakit at kamatayan ni Jesu-Kristo. At iisa ang layunin ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay: ang papag-isahing muli ang Diyos at ang tao. Naganap ito nang ialay ni Jesus nang lubos sa Kalbaryo ang kanyang sarili sa Diyos sa kapakanan ng

sangkatauhan at nang tugunin siyat tanggapi ng Diyos Ama sa pamamgitan ng pagbabangong muli sa kanya sa buhay ng kaluwalhatian. Ang pananampalataya ng mga alagad kay Jesus bilang ang Mesias ay batay sa kaniyang pagkakaranas at pagkakakita sa kaniya matapos na siyay mabuhay na mag-uli. Kapunapuna na ang unang isinalaysay na pagpapakita ni Jesus at ang unang pagpapahayag ng balita ng kanyang tagumpay ay sa mga babae. Isa sa mga babaeng ito si Maria Magdalena, isang dating kilalang makasalanan. 7. SALMO RESPONSORIO (Slm 118:23 24 . 26 27 . 29 30) Tagabasa: Magpulong man ang mga pinuno at magsalita laban sa akin, ang iyong lingcod ay nagninilay sa iyong mga tuntunin. Sapagkat kinalulugdan ko ang iyong mga tagubilin, ang mga tuntunin mo ay nagpapayo sa akin. L a h a t: MALIGAYA ANG MGA TUMATAHAK SA IYONG DAAN. Tagabasa: Ipinahayag ko ang aking pamumuhay, at sumagot ka, ituro mo sa akin ang daan ng iyong tuntunin. Ipabatid sa akin ang daan ng iyong mga kautusan, at magninilaynilay ako sa iyong kahanga hangang mga gawa. L. a h a t: MALIGAYA ANG MGA TUMATAHAK Tagabasa: Ilayo sa akin ang daan ng kamalian, at ipagkaloob ang iyong batas. Pinili ko ang landas ng katotohanan, ginugunita ko ang iyong mga kautusan. L a h a t: MALIGAYA ANG MGA.. 8. PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO 9. PANALANGIN NG BAYAN Tagapamuno: Tayo ay manalangin sa ating makapangyarihang Ama na bumuhay na muli sa kanyang Anak. Hilingin natin, na tulad ni Maria, ay makabahagi rin tayo sa kagalakan ng muling pagkabuhay. Ating sasabihin: PANGINOON NG KALUWALHATIAN DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN. Tagapamuno: Panginoon, ikaw an gaming buhay at muling pagkabuhay. Punuin mo ng pag-asa at kagalakan ang mga bilanggo, mga may sakit at mahihina, mga balo, ulila at lahat ng nagdadalamhati dahil sa pagkawalay ng kanilang minamahal. Manalangin tayo sa Panginoon. L a h a t: PANGINOON NG.. Tagapamuno: Tinanggap mo ang paghihirap ng iyong anak sa krus. Tanggapin mo an gaming gutom, uhaw, pagod, pagkainip, sakit, dalamhati, suliranin, kabiguan, at an gaming mga tiisin sa paglilingkod para sa katarungan. Manalangin tayo sa Panginoon. L a h a t: PANGINOON NG.. Tagapamuno: Panginoon, ikaw an gaming liwanag at daan. Patnubayan mo kami at ang lahat ng naglalakbay, upang kamiy makarating sa aming tunay na hantungan. Manalangin tayo sa Panginoon. L a h a t: PANGINOON NG..

Tagapamuno: Ikaw an gaming mabuting pastil. Tawagin mong muling an gaming umiiwas sa hirap ng buhay sa pamamagitan ng gamut, alak, sugal, at mga pagsasamantalang pag-aaliw. Matutuhang nawa nilang harapin ang buhay sa maka-kristianong parang manalangin tayo sa Panginoon. L a h a t: PANGINOON NG.. Tagapamuno: Tahimik nating ilalahad an gating sariling kahilingan. Tagapamuno: Aming Ama, binabahagian mo kaming iyong buhay, Naway maibahagi rin naming an gaming buhay para sa kapakanan n gaming kapwa. Itoy aming hinihiling sa ngalan ni Kristo muling nabuhay. L a h a t: Amen. 10. PAG-AALAY NG BULAKLAK 11. PANGWAKAS NA PANALANGIN Tagapamuno: Manalangin tayo. Ama naming makapangyarihan, niloob mong ang Mahal na inang si Maria, na nagdadalamhati kasama ng kanyang Anak hanggang sa kamatayan sa krus, ay makibahagi sa kagalakan ng muling pagkabuhay. Ipagkaloob mo na ang iyong sambayanang kaisa ni Jesus at ni Maria sa kanilang dalamhatit kagalakan ay marapating makapagdiwang sa kaluwalhatian ng muling pagkabuhay ni Kristong aming Panginoon. L a h a t: Amen. 12. PANALANGIN NG PAGPAPALA Tagapamuno: Patnubayan nawa tayo ng maawaing Diyos, at pagkalooban ng kapayapaan sa ating buhay. L a h a t: Amen. Tagapamuno: Ilayo nawa niya tayo sa lahat ng ligalig, at bigyang lakas an gating puso sa kanyang pag-ibig. L a h a t: Amen. Tagapamuno: Payamanin nawa niya tayo sa pananamapalataya, pag-asa at pagmamahal, at matulad nawa tayo kay Mariang ating Ina. L a h a t: Amen. Tagapamuno: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihan Diyos Ama, Anak, at ng Espiritu Santo. (Kukurusan ng bawat isa ang sarili) L a h a t: Amen. 13. PANGWAKAS NA AWIT

110 FLORES DE MARIA 30. IKATATLUMPUNG ARAW Diwa: Si Maria ay Maluwalhating Iniakyat sa Langit Kaluluwa at Katawan. 1. PAMBUNGADD NA AWIT 2. P A G B A T I Tagapamuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. L a h a t: Amen. Tagapamuno: Sumaatin nawa ang pagpapalat kapayapaan ng Panginoon. L a h a t: Amen.

You might also like