You are on page 1of 1

Pangalan: Marianne I.

Tudio Petsa: Enero 2, 2022

SIMALA SHRINE

Sariwa pa sa aking alaala ang araw kung kailan ako at aking pamilya ay unang nagtungo sa
Simala Parish Church na matatagpuan sa Sibonga, Cebu, Philippines. Halos araw -araw daw
ay libo- libong mga turista at mga deboto ang dumarayo sa lugar na ito. Kaya napagdesisyunan
ng aking pamilya na puntahan ang Simal ana siya rin naming naisakatuparan namin nito
lamang ika- 4 ng Mayo, 2018.
Mas espesyal para sa akin ang araw na iyon dahil iyon ang unang pagkakataon na nakagala
kami ng aking mga pamilya sa malayo- layo na destinasyon. Sumakay kami ng aking pamilya
sa aming sariling sasakyan, at nang malapit na kami sa simbahan may pumara sa amin isang
babae kung pwede raw siya sumakay at umuo kami, papunta raw siya sa Simala at kung ayos
lang sa amin ng aking pamilya ay siya na lamang ang maghahatid sa amin sa tuktok ng lugar
na kinalalagayan ng simbahan.
Pagkatapos kaming ihatid malapit sa entrance ng aming driver ay namangha kami sa dami ng
paninda at mga stalls nan aka- hillera sa gilid ng kalsada. Kadalasan na ibinibenta ay mga
kwintas, pulseras na mayroong mga krus, mga damit at mga lana (langis na galing sa coconut)
na pampahid sa katawan na pinaniniwalaang kayang magpagaling ng mga karamdaman at iba”t
iba pang mga paninda.
Pagkarating naming ng aking mga kaibigan sa pinakatapat ng entrance ay di agad kami
nakapasok. Hinarang ang isa kong kapated dahil raw naka- shorts, at kailangan desente ang
iyong kasuotan kapag papasok ka sa loob ng simbahan. Kaya naman napilitan na lamang
siyang mag renta ng malong at isinuot ito na siya din naming pinagkakakitaan ng mga tao roon.
Pagkapasok naming sa loob ng simbahan ay napatigil kami saglit dahil sa ganda nitong taglay.
Malaki- laki ito kompara sa ibang mga simbahan, at napaka- elegante ng pagkakagawa at
desinyo ng istruktura kaya naman hindi na maipagkakaila pa ang dahilan kung bakit ito dinarayo
ng maraming turista.
Dumalo kami sa mis ana isinagawa sa araw na iyon at pumila rin kami upang makahalik sa
paraan ng sinasabing nagmimilagrong rebulto ni Mama Mary. Kinuha rin naming ang
pagkakataon na makasulat sa hinaing at pasasalamat naming sa buhay at ihinulog ito sa box sa
paniniwalang maiibsan ang hirap na dinadala at madagdagan pa ang kasaganahan na
kasalukuyan naming tinatamasa. Pagkatapos ng lahat na iyan ay nag rosary kami ng aking mga
pamilya, at umuwi na rin kami sa wakas.
Sadyang napakasaya para sa akin ang araw na iyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na
makasama ang aking mga pamilya, at mas napatibay pa ang aking spiritwalidad bilang isang
tao. Natutunan ko sa araw na iyon na ang debosyon ng mga tao para sa panginoon ay sadyang
napakalakas.
Nagpapasalamat ako na marami parin sa atin ang hindi nawawalaan ng paniniwala sa Diyos,
at sadyang napakabait niya upang biyaan ako ng pagkakataon na makapag- aliw at mas
makikilala siya sa pamamagitan ng pagdayo roon.

You might also like