You are on page 1of 2

Kinabukasan pagkatapos ng bagong taon ay napag-pasiyahan namin na pumunta ng manaoag

upang mag simba, nakita namin ang maraming kumpol ng tao pati ang mga tindahan at
puwesto kung saan may mga kwintas, polseras, santo at kung ano ano pang tinda sa bawat
kalsada. Nakakita rin kami ng mga aso,bata, at makukulay na pailaw

Pagkatapos nga ng basbas ng pari ay nag libot kami sa simbahan at pinuntahan ang fountain
kung saan ay may mga isda na kilala sa tawag na 'koi'. Dito ay sinubukan ko rin ang paghiling
gamit ay limang piso sabay na rin na sana ay matupad ang aking dasal
Naisipan nila tito na dumiretso ng Baguio upang pumasyal tutal ay malapit din naman kami. Sa
kenon road kami dumaan kung kaya't hilo kaming nakarating sa Baguio, rito ay makikita kung
gaano katarik ang mga bundok ay mga bato, napakaraming talon at puno ang aming nadaan.

Alas singko na ito at ito ang huling litrato na mayroon ako, kaming magpipinsan ay kinuhanan
ng litrato ng aming mga tita at tito, isa ito sa masasayang alaala ko sa unang araw ng taong
2023.

You might also like