You are on page 1of 9

PAGSUSURING PAMPANITIKAN UKOL SA AKDANG SUYUAN SA TUBIGAN

3/5/2013 5 Comments

I. PANIMULA

Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na tinatayang hindi lalagpas
sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay, tauhan paksa at tagpuan.

II. PORMALISTIKO

A. Buod o Synopsis

Pumunta sila Ka Albina kasama ang kanyang anak na si Nati at pamangking si Pilang upang magdala ng
pagkain sa bukid.Kasama nila si Ore na nagpapahuli at parang may malalim na iniisip.

Pagdating nila roon may mga nagtatarabaho na. Habang abala sa pag-aayos sila Nati at Pilang
nagpupumilit na tumulong si Pastor kay Pilang. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape at hinawakan naman
ni Pastor ang kamay ni Pilang.

Nung kumakain na sila si Pastor ay pasulyap-sulyap. Pagkatpos nilang kumain inumpisahan nilang
magsuyuan, nag-araro si pastor at si Ore, para silang nagpapaligsahan sa ingay at sigawan, lihim na
nagpaligsahan nga ang dalawa.Nagpakitang gilas ang mga kalabaw nila nanahimik lang ang dalawang
dalaga mabilis ang kalabaw ni Pastor nahuihuli lamang si Ore. Napagaod na ang kanilag mga kalabaw at
si pastor nga ang nanalo sa tila paligsahan nila.

Tanghali na noon kakain na uli sila tumigil si Pastor nagpahinga narin ang kanilang mgakalabaw nakatawa
silang lumapit sa kanilang mga kasamahan hinimas himas naman muna ni Ore ang kaniyang kalabaw
sapagkat pagod na pagod ito.noong naupo na si Ore ilang hakbang ang layo kila Pilang at katabi ni Pator
ay nilapitan ni Pilang si Ore at binigyan ng pagkain nawala ang pagod at hirap ni Ore bagamat natalo ni
Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
B. MGA ELEMENTO

1. PAKSA

Ang pagpapaligsahan ng dalawang tao para sa isang pag-ibig at ang pagpilipi ng isang tao para sa
ikasasaya g kanyang puso.

1. TAGPUAN

Ang tagpuan ng akda ay sa araruhing tubigan nina Ka Teryo at Ka Albina.

2. TAUHAN

Pilang ang pamangkin ni Ka Albina, Pastor ang may gusto kay Pilang, Ore may gusto rink ay Pilang, Ka
Albina tiya ni Pilang

3. BANGHAY

a. PAPATAAS NA AKSYON

Pumunta sila Ka Albina kasama ang kanyang anak na si Nati at pamangking si Pilang upang magdala ng
pagkain sa bukid.Kasama nila si Ore na nagpapahuli at parang may malalim na iniisip.

b. SAGLIT NA KAKINTALAN
Pagdating nila roon may mga nagtatarabaho na. Habang abala sa pag-aayos sila Nati at Pilang
nagpupumilit na tumulong si Pastor kay Pilang. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape at hinawakan naman
ni Pastor ang kamay ni Pilang.

A. PAPATAAS NA AKSYON

Nung kumakain na sila si Pastor ay pasulyap-sulyap. Pagkatpos nilang kumain inumpisahan nilang
magsuyuan, nag-araro si pastor at si Ore, para silang nagpapaligsahan sa ingay at sigawan, lihim na
nagpaligsahan nga ang dalawa

d. TUNGGALIAN

.Nagpakitang gilas ang mga kalabaw nila nanahimik lang ang dalawang dalaga mabilis ang kalabaw ni
Pastor nahuihuli lamang si Ore. Napagaod na ang kanilag mga kalabaw at si pastor nga ang nanalo sa tila
paligsahan nila.

a. KASUKDULAN

Tanghali na noon kakain na uli sila tumigil si Pastor nagpahinga narin ang kanilang mgakalabaw nakatawa
silang lumapit sa kanilang mga kasamahan hinimas himas naman muna ni Ore ang kaniyang kalabaw
sapagkat pagod na pagod ito.noong naupo na si Ore ilang hakbang ang layo kila Pilang at katabi ni Pastor
ay nilapitan ni Pilang si Ore at binigyan ng pagkain nawala ang pagod at hirap ni Ore bagamat natalo ni
Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

b. WAKAS

ay nilapitan ni Pilang si Ore at binigyan ng pagkain nawala ang pagod at hirap ni Ore bagamat natalo ni
Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

. III. TEORYANG PAMPANITIKAN


A. IPALIWANAG ANG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang mga teoryang pampanitikan ay ang mga hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga manunulat para
sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan na rito ang:

1. Teoryang Klasismo- naglalaman ng mga payak na pangyayari.

2. Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.

3. Teoryang Imahismo- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.

4. Teoryang Feminismo- binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan

5. Teoryang Arkitaypal- Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang akda.

6. Teoryang Pormalistiko- mga akdang ginagamitan ng tuwirang panitikan.

7. Teoryang Eksistensyalismo- layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang pumili.

8. Teoryang Romantisismo- pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kanyang
pagmamahal

9. Teoryang Bayograpikal- mga akdang personal na nararamdaman ng may-akda.

10. Teoryang Saykoanalitiko- ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal.
B. TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI

Teoryang Eksistensyalismo

PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI

Sapagkat katulad ni Pilang, kahit na si Pastor pa ang nagwagi sa kanilang “paligsahan” ni Ore ay si Ore pa
rin ang pinili niya, at siya ay may kakayahang pumili kung ano ang kanyang naisin.

REAKSYON

Nakakatuwa ang nagging transisyon at ang pinaparating ng kwento na ang isang tao ay hindi lamang
talaga namimili ng kanyang magugustuhan sa pisikal na kaanyuan lamang kundi pati na rin sa bukal ng
kalooban.

Sandosenang Sapatos ni Luis P. Gatmaitan

I Panimula
Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na tinatayang hindi
lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay, tauhan paksa at tagpuan.

II PORMALISTIKO:

1. Buod

Sa tuwing may okasyon, ginagawan ng bagong sapatos si Korena. Natuwa ang mga magulang niya nang
magkaroon siya ng kapatid. Nang malamang babae ang kasunod niya, sinabi ng tatay niya na magiging
ballet dancer ito. Ngunit di ito nagkatotoo; isinilang ang sanggol na putol ang dalawang paa bunga ng
pagkakasakit ng ina nang ipinagbubuntis pa lang siya. Susie ang pangalan ng bunsong kapatid ni Karina.
Sa tuwing igagawa si Karina ng sapatos ng kanyang tatay, napapatingin ito sa bunso at napapabuntung-
hininga. Isang araw, ikinuwento ni Susie na napanaginipan niyang may suot siyang sapatos. Inilarawan pa
niya ito. Sa tuwing nalalapit ang kaarawan si Susie, nananaginip siya ng sapatos. Nang 12 taong gulang na
si Susie, namatay ang kanilang ama. Isang araw, pinasok ni Karina ang bodega upang maghanap ng mga
sapatos na ibibigay sa bahay-ampunan. Napansin niya ang ilang kahon na maingat na nakasalansan.
Nang buksan niya ang mga ito, nakita niya ang isang dosenang pares ng sapatos na may iba’t ibang laki at
para sa iba’t ibang okasyon. Laking gulat niya na may liham-pagbati pang nakasulat mula sa tatay niya –
para sa pinakamamahal na anak nitong si Susie. Nang makita ang mga ito ni Susie, sinabi niya na ito ang
mga sapatos na napapanaginipan niya.

2. MGA ELEMENTO

Mga tauhan– ang nga karakter sa kwento

Ang amang sapatero

Karina

Nanay

Susie

Paksang Diwa– pinakaluluwa ng maikling kwento


Tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa isang anak ang ipinakikita sa isangdosenang sapatos.
Makatotohanan ito dahil walang sukatan ang pagmamahal ng isang magulang sa isang anak. Ibig sabihin
nito, kahit na may kapansanan pa ang isang anak, mamahalin niya ito. Ang anak ay anak, mamahalin at
tatanggapin anumanang maging itsura o kalagayan niya.

Tagpuan– Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng tagpo sa akda.

Sa aking pagsusuri ang buong kwento ay ay umiikot sa bahay lamang nila Karina.

Panimula– Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasan ipinakilala ang mga
tauhan sa kwento.

Kilalang-kilala ang ama ni Korina sa mga likha niyang sapatos sa kanilang bayan. Marami ang pumupunta
sa kanya para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos na gawa nito sa mga
sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.

Saglit ng kasiglahan– Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin.

Nasa Grade II na si Korina ng muling magbuntis ang kanyang Nanay. Kay tagal na nitong hinihintay na
magkaroon ng kapatid. Sabi ng Lola nito, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ito.

kasukdulan– Pinakamasidhing pananabik ng madarama ng mga manbabasa sa bahaging ito.

Noong may isang mama na nakakita kay Susie at kinutya ito. Biglang namula ang ama ni Korina at
tinikom ang kamao nito at galit na galit na nakatitig sa mama. Muntik na sanang itong suntukin at
mabuti’t nalang pinigilan ito ng ina.

kakalasan- tulay sa wakas ng kwento.

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi si Korena sa bodega ng bahay nito. Naghahalungkat siya ng mga
lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan
nito ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga
kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan. Napaiyak ito nang makita ang mga sapatos. Hindi nito
akalaing ganu’n pala kalalim ang pagmamahal ng Ama. Binitbit nito ang sandosenang sapatos at ipinakita
sa Ina at kay Susie.

wakas– Katapusan ng kwento.


Nagwakas ang kuwento sa pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos na may kalakip na sulat pagbati sa
minamahal na anak. Nang makita ni Susie ang sapatos, nagulat siya dahil ang mga ito ang nakita niya sa
panaginip. At sa aking pagsusuri lubos kong nagustuhan ang wakas sapagkat dahil dito lamang
nagliwanag ang kabuuan at mensahe ng kuwento – ang pambihirang pagmamahal ng ama sa anak at ang
ispiritwal na koneksyong nabuo bunga ng pagmamahalang ito.

III. TEORYANG PAMPANITIKAN

A.IPALIWANAG ANG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang mga teoryang pampanitikan ay ang mga hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga manunulat para
sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan na rito ang:

1. Teoryang Klasismo- naglalaman ng mga payak na pangyayari.

2. Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.

3. Teoryang Imahismo- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.

4. Teoryang Feminismo- binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan

5. Teoryang Arkitaypal- Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang akda.

6. Teoryang Pormalistiko- mga akdang ginagamitan ng tuwirang panitikan.

7. Teoryang Eksistensyalismo- layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang pumili.

8. Teoryang Romantisismo- pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kanyang
pagmamahal

9. Teoryang Bayograpikal- mga akdang personal na nararamdaman ng may-akda.

10. Teoryang Saykoanalitiko- ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal.

TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI

Teoryang Romantisismo

IV PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI


Ang kwentong ito ay kaibig-ibig sapagkat ito’y naglalaman ng isang pagmamahalang walang pinipili .Dahil
sa kabila ng kapansanang tinataglay ni Susie ay labis parin ang pagmamahal at pag-aaruga nila rito. Imbis
na talikuran ng pamilya lubos nila itong tinanggap ng buong puso. At handa silang ipaglaban ito sa mga
kutya at puna ng mga tao.

You might also like