You are on page 1of 4

I Panimula

 Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na

tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay,

tauhan paksa at tagpuan.

II PORMALISTIKO:

1. Buod

 Sa tuwing may okasyon, ginagawan ng bagong sapatos si Korena. Natuwa ang mga

magulang niya nang magkaroon siya ng kapatid. Nang malamang babae ang kasunod

niya, sinabi ng tatay niya na magiging ballet dancer ito. Ngunit di ito nagkatotoo;

isinilang ang sanggol na putol ang dalawang paa bunga ng pagkakasakit ng ina nang

ipinagbubuntis pa lang siya. Susie ang pangalan ng bunsong kapatid ni Karina. Sa tuwing

igagawa si Karina ng sapatos ng kanyang tatay, napapatingin ito sa bunso at

napapabuntung-hininga. Isang araw, ikinuwento ni Susie na napanaginipan niyang may

suot siyang sapatos. Inilarawan pa niya ito. Sa tuwing nalalapit ang kaarawan si Susie,

nananaginip siya ng sapatos. Nang 12 taong gulang na si Susie, namatay ang kanilang

ama. Isang araw, pinasok ni Karina ang bodega upang maghanap ng mga sapatos na

ibibigay sa bahay-ampunan. Napansin niya ang ilang kahon na maingat na nakasalansan.

Nang buksan niya ang mga ito, nakita niya ang isang dosenang pares ng sapatos na may

iba’t ibang laki at para sa iba’t ibang okasyon. Laking gulat niya na may liham-pagbati

pang nakasulat mula sa tatay niya – para sa pinakamamahal na anak nitong si Susie. Nang

makita ang mga ito ni Susie, sinabi niya na ito ang mga sapatos na napapanaginipan niya.

2. MGA ELEMENTO

Mga tauhan

1
 Ang amang sapatero

 Karina

 Nanay

 Susie

Paksang Diwa

Tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa isang anak ang ipinakikita sa isangdosenang

sapatos. Makatotohanan ito dahil walang sukatan ang pagmamahal ng isang magulang sa isang

anak. Ibig sabihin nito, kahit na may kapansanan pa ang isang anak, mamahalin niya ito. Ang

anak ay anak, mamahalin at tatanggapin anumanang maging itsura o kalagayan niya.

Tagpuan

Sa aking pagsusuri ang buong kwento ay ay umiikot sa bahay lamang nila Karina.

Panimula

Kilalang-kilala ang ama ni Korina sa mga likha niyang sapatos sa kanilang bayan.

Marami ang pumupunta sa kanya para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng

mga sapatos na gawa nito sa mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain

ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.

Saglit ng kasiglahan

Nasa Grade II na si Korina ng muling magbuntis ang kanyang Nanay. Kay tagal na

nitong hinihintay na magkaroon ng kapatid. Sabi ng Lola nito, sinagot na raw ang matagal nilang

dasal na masundan ito.

kasukdulan

2
Noong may isang mama na nakakita kay Susie at kinutya ito. Biglang namula ang ama ni

Korina at tinikom ang kamao nito at galit na galit na nakatitig sa mama. Muntik na sanang itong

suntukin at mabuti’t nalang pinigilan ito ng ina.

kakalasan

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi si Korena sa bodega ng bahay nito.

Naghahalungkat siya ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-

ampunan Sa paghahalughog, nabuksan nito ang isang kahong mukhang matagal nang hindi

nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na

nakasalansan. Napaiyak ito nang makita ang mga sapatos. Hindi nito akalaing ganu’n pala

kalalim ang pagmamahal ng Ama. Binitbit nito ang sandosenang sapatos at ipinakita sa Ina at

kay Susie.

wakas

Nagwakas ang kuwento sa pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos na may kalakip na

sulat pagbati sa minamahal na anak. Nang makita ni Susie ang sapatos, nagulat siya dahil ang

mga ito ang nakita niya sa panaginip. At sa aking pagsusuri lubos kong nagustuhan ang wakas

sapagkat dahil dito lamang nagliwanag ang kabuuan at mensahe ng kuwento – ang pambihirang

pagmamahal ng ama sa anak at ang ispiritwal na koneksyong nabuo bunga ng pagmamahalang

ito.

III.TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI

 Teoryang Romantisismo

IV PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI

 Ang kwentong ito ay kaibig-ibig sapagkat ito’y naglalaman ng isang pagmamahalang

walang pinipili .Dahil sa kabila ng kapansanang tinataglay ni Susie ay labis parin ang

3
pagmamahal at pag-aaruga nila rito. Imbis na talikuran ng pamilya lubos nila itong

tinanggap ng buong puso. At handa silang ipaglaban ito sa mga kutya at puna ng mga tao.

You might also like