You are on page 1of 18

Ni Luis P.

Gatmaitan
SANDOSENANG SAPATOS

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming
bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-
sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-
Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga
sapatos.

“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”

“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”

“Parang may madyik ang iyong kamay!”


Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay.
Bihirang magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay
kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko.
Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko,
o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang
sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.

“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate
ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay
na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal
nilang dasal na masundan ako.
“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa
na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”
Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak
natin!”
“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak
ngballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga
sapatos na pang- ballet .”
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang
makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang
dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko.
Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang
ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga
paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong
sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.

“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”


“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German
measleshabang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging
epekto,” malungkot na kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw,
ganu’n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si
Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-
ballet). Pero.
“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa
banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng
titser ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa
mga pangarap na masyadong mailap. Saksi ako kung paanong minahal siya nina
Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay
nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.

“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang
nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.
“Ano’ng problema mo, ha?”

Mabuti’t napigilan siya ni Nanay.


Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si
Susie.
“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay
mo na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong
hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko,
kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntunghininga siya. Pagkatapos ay
titingin sa kuna.
“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni
Tatay.” bulong ko sa kanya.
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang
kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di
nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka,
jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may
nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na
alalay!
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang
aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng
mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang
sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.
“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol
na may dekorasyong sunflower sa harap!”
Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang
kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.
“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may
malakingbuckle sa tagiliran.”
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw
ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon
na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin.
Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na
bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang
pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon,
butones, sequins,beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.
“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na
napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos.


Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan.
Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na
may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos.
Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet
dancer.

“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.


Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang
pumanaw si Tatay.

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng


mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa
paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi
nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na
maingat na nakasalansan! ” Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na
hindi nai-deliver?” tanong ko sa sarili.
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng
mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito.
May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first
communion. May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba.
May sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie.
Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Para kay Susie, lugod ng aking buhay
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos
ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala
kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko
kina Nanay at Susie.
“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.”
Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”

“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi
ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.

“Ha?”
Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.
Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na
may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang
mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na
yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang
lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap. Naisip
ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot
sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang
pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga
sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
I. URI NG KWENTO

• Ang maikling kwentong ito ay tungkol sa kwento ng tauhan at kwento ng pag-ibig.


Sa kwento ng tauhan, inilalarawan nito ang pangkaugalian ng mga tuhan upang
mas maunawaan ng mambabasa habang ang kwento ng pag-ibig naman ay uri
ng kwento kung saan ipinapakita ng mga tauhan ang kanilang pag-iibigan ng
mga tauhan.
• Masasabing ito ay kabilang sa kwento ng tauhan at kwento ng pagibig dahil ang
kwentong ito ay bumabase sa totoong kaugalian at buhay ng mga pangunahaing
tauhan sa kwento na umiikot sa walang sukat na pagmamahal ng isang ama sa
isang anak.

II. PAMAGAT

• “Sandosenang Sapatos”

• Tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa isang anak ang ipinakikita sa


kwentong ito. Makatotohanan ito dahil walang sukatan ang pagmamahal ng isang
magulang sa isang anak.
• May-akda: Luis P. Gatmaitan

III. NILALAMAN
A. Tauhan

• Ang amang sapatero – ang gumawa ng sandosenang sapatos sa kaniyang


mga anak.
• Karina – anak ng sapatero

• Nanay – asawa ng sapatero

• Susie – kapatid ni Karina (sangol na pinanganak na walang paa)

• Lola – Lola nina Karina at Susie

• Ballet Titser – titser ni Karina sa ballet


• Nurse – tagapangalaga

B. Tagpuan

• Bahay nina Karina at Susie

• Ospital

• Bodega

C. Galaw ng Pangyayri

Pangunahing Pangyayari

Kilalang-kilala ang ama ni Korina sa mga likha niyang sapatos sa kanilang bayan.
Marami ang pumupunta sa kanya para magpasadya. Ayon sa mga sabisabi, tatalunin
pa raw ng mga sapatos na gawa nito sa mga sapatos na gawangMarikina. Matibay,
pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos. Nasa Grade II na si
Korina ng muling magbuntis ang kanyang Nanay. Kay tagal na nitong hinihintay na
magkaroon ng kapatid. Sabi ng Lola nito, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na
masundan ito.

Pagtaas ng Pangyayari

Sa paglipas ng panahon ng mabalitaan nila na malapit ng manganganak ang


Nanay ni Karina sa kaniyang kapatid ay labis silang nasayahan at balak nila itong
maging ballerina ng malaman nila isa itong babae na siya naman labis ikinatuwa ng
Ama. Ngunit lahat ng iyon ay napawi ng mailabas na ang kanilang hinihintay na bunso
na may kapansanang dala dahil wala itong mga paa.
Kasukdulan

Sa paglabas ng kanilang bunso na ipinangalan nilang Susie ay nagkaroon ng


mga sabi sabi sa kanilang kapitbahay na baka raw ang dahilan nito ay ang balak na
pagpalaglag ng kaniyang Nanay at baka raw ay isinumpa ang kaniyang Ama dahil sa
mataas na presyo ng paggawa ng sapatos ngunit lahat ng iyon ay walang kinalaman sa
pagkaputol ng papa ng kaniyang kapatid dahil sabi ng Nanay niya ay dahil ito sa sakit
na nakuha niya. Simula noon, habang lumalaki si Susie ay mas lalong pinag iinitan sya
ng tingin ng ibang tao dahil sa kaniyang dalawang paa kaya isang araw ay nagalit ang
kaniyang Tatay sa taong kinukutya ang kaniyang kapatid mabuti nalang ay napigilan ito
ng kaniyang Nanay. Si Susie ay laging nagigising na may laging panaginip na
magagandang sapatos at lagi niya itong ikinukwento sa kaniyang nakakatandang
kapatid na si Korina. Si Korina naman ay manghang manghang sa mga kwento ng
kaniyang nakababatang kapatid na si Susie. Kaya balak ni Susie na magsulat ng
kwento ng mga sapatos na kaniyang laging napapaniginipan at nag kaniyang Ate raw
ang balak niyang gumuhit sa mga sapatos na ito.

Kakalasan

Paglipas ng taon, namahinga na ang kanilang Tatay sa paggawa ng Sapatos


gumawagawa nalang ito sa mga suki niya na hindi niya matanggihan at sa pagsapit ng
kaarawan ng kanilang Tatay ay niregalohan nila ito kaya sobrang saya ng kanilang
Ama. Pagkatapos no’n naging masakitin ang kanilang Ama. Labingdalawang taon si
Susie ng pumanaw na ang kaniyang Ama. Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi si
Korena sa bodega ng bahay nito. Naghahalungkat siya ng mga lumang sapatos na
puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan
nito ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng
maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan. Napaiyak ito
nang makita ang mga sapatos. Hindi nito akalaing ganu’n pala kalalim ang
pagmamahal ng Ama.

Wakas

Binitbit nito ang sandosenang sapatos at ipinakita sa Ina at kay Susie. At nang
makita ni Susie nagulat siya sa kaniyang nakita dahil lahat ng iyon ay ang mga sapatos
na kaniyang napapaniginipan at maging si Korina rin ay namangha dahil parehong
pareho ito sa mga kwento ng kaniyang kapatid. Dahil don mas lalo nilang nami-miss
ang kanilang Tatay lalong lalo na sa walang sawang pagmamahal sa kanila nito.

IV. TAGLAY NA BISA

Ang kwentong ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang Ama sa kaniyang anak


ito ay naghahatid sa atin ng magandang aral na kahit na may kapansanan pa
ang isang anak, mamahalin niya ito. Kaya ang kwentong ito ay nabibilang sa
Bisang Pangkaisipan at Bisang Pangkaasalan. Bilang pangkaisipan dahil
nababago nito ang ating kaisipan dahil sa natutunan natin sa mga pangyayaring
naganap sa kwento habang ang Bisang pangkaasalan ay ang pagkakaroon ng
ng pagbabago ng pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda.

V. KAMALAYANG PANLIPUNAN
Ang kwentong ito ay nagpapaliwanang na kahit ano man ang kinalabasan ng
magiging anak mo ay handa mo itong tanggapon ng buong buo kahit ano man
ang mangyari dahil bilang isang Ama dapat mahalin mo ito. At handa mong
ipaglabanang anak mo sa mga kumukutya at puna ng mga tao sa anak mo.

VI. TEORYA
Ang kwentong ito ay nabibilang sa Teoryang Romantisismo dahil kaibig-
ibig ang kwentong ito at tumagos sa ating puso sa isang pagmamahalang
walang pinipili. Dahil sa kabila ng kapansanang tinataglay ni Susie ay labis parin
ang pagmamahal at pag-aaruga nila rito. Imbis na talikuran ng pamilya lubos nila
itong tinanggap ng buong puso. At handa silang ipaglaban ito sa mga taong
kumukutya nito.
SANDOSENANG SAPATOS

Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa


Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng
kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga
utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na
manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal
na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil
na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman,
ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga
pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman
at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

           Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at


alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng
lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay. Nang pilitin ng ama na umuwi sa
kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa
mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at
itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat
si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga
seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

           Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na


mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng
kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang
nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng
mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang
pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya
bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe,
bagamat hindi kasing radikal nito.

             Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y


daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang
pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng
iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga
simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may
asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang
abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang
bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng
lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay
ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa
iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

            Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala


at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa
kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang
kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa
Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig
hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

            Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni,


hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si
Meni at halos patayin, Sa a-uki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na
ipakasal si Meni kay Delfin, subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan
ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

        Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.


Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga
damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na
dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang
maitakip sa pangangailangan. Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang
kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay
dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang
ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa
lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak
patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan.
Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na
nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging
nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng
lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

      Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na


makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga
kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin
na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang
makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang
anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga
pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa
nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang
nakasasagip sa gayong pangyayari. Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol
sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng
kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan
ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa
atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa
susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong. Kasama sa naghatid ng bangkay
sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala.
Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya
sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod
sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika
at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay
namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama
ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang
pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon
ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

             Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia.


Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang
ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa
libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng
kuro-kuro at paniniwala. Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga
kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para
sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga
magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila
ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya.
Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga
kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang
lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa
buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina
Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito
sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na
napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis
sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang
paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng
dugo.
           Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa
pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan
nati’t palipasin ang diin ng gabi.”

I. URI NG KWENTO

-Ang maikling kwentong ay isang uri ng kuwento na nabibilang sa kuwento


ng tauhan at pag iibig.

-Nabibilang ito sa kwento ng tauhan at pag-ibig dahil ang kuwento ay


umiikot sa buhay ng tauhan kung saan inilalahad ang kaniyang mga pananaw at
pinagdaanan bilang isang mahirap na mamamayan, at kung paano naging
hadlang ang kaniyang estado sa buhay sa pakikipagrelasyon niya sa kaniyang
iniibig na kasintahan.

VII. PAMAGAT

“Banaag at Sikat”

Tungkol sa pagmamahalan ng dalawang tauhan na magkaiba ang estado sa


buhay. Ito ay isang makatotohanang kuwento dahil nailalarawan nito ang tunay
na pagmamahal na hindi nasusukat sa estado ng buhay.

May-akda: Lope K. Santos

VIII. NILALAMAN
A. Tauhan

Delfin -Ang pangunahung tauhan sa kuwento. Isang mahirap na abogadong


sosyolista.

Felipe -Mayaman at matalik na kaibigan ni Delfin.

Meni -Dalagang anak ni Don Ramon na nakataldang ikasal kay Delfin.


Don Ramon -Ama ni Meni na hadlang sa kanilang pag-iibigan.

Tentay -Kasintahan ni Felipe, isang maralita ngunit marangal na dalaga.

Talia -Anak ni Don Ramon na nagpakasal kay Madlanglayon.

B. Tagpuan

 Mansiyon nila Don Ramon.

 Bahay na pawid na tahanan ni Delfin.

 Libingan ni Don

C. Galaw ng Pangyayri

Pangunahing Pangyayari

Si Felipe ay isang anak mayaman na isang anarkista Itinakwil siya ng kaniyang


ama dahil sa kaniyang layunin na mawala ang mga hari, at alagad ng batas upang
magkaroon ng pantay na karapatan ang mayayaman at mahihirap. Habang ang
kaniyang kaibigan na si Delfin ay isang mahirap na sosyalistang nag aaral ng abogasya
habang nagtatrabaho bilang isang manunulag sa pahayagan.

Pagtaas ng Pangyayari

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may
asawa na. Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at
naibigan ni Delfin si Meni. Naging magkasintahan sina Mine at Delfin at alam nilang
magiging hadlang si Don Ramon sa kanilang pag iibigan. Nabuntis si Mine at nalaman
ito ng kaniyang kapatid na si Talia at ang asawa nitong si Madlanglayon.
Kasukdulan

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila


ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos
patayin, Sa a-uki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay
Delfin, subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa
dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Kakalasan

Nang itakwil si Mine ng kaniyang ama, siya nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na


pawid na tahanan ni Delfin. Kung minsan ay ibinebenta niya ang kaniyang alahas
upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Labis na nahiya si Delfin ngunit
wala narin siyang nagawa. Si Don Ramon ay umalis sa Pilipinas kasama ang kaniyang
paboritong utusan, pumunta sila sa Hapon, Estados Unidos at Europa. Wala na siyang
balak na bumalik sa Pilipinas dahil sa labis na kahihiyan na ginawa ng kaniyang sariling
anak na si Meni. Sa araw ng binyag ng anak ni Mine at Delfin ay nalaman nila na
namatay na si Don Ramon. Pinatay ito ng kasamang utusan. Napatay nito si Don
Ramon dahil sa labis na pang aalipusta sa kaniya.

Wakas

Matapos mailibing si Don Ramon, nagpaiwan si Felipe at Delfin upang magpalitan


ng ng kuro-kuro at paniniwala. Napagdesisyonan nila na kakailanganin ang mahaba at
walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamaang umiiral. Napag-usapan nina
Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo.

Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang


makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay
pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang
magiging daan ng pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa
pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t
palipasin ang diin ng gabi.”

IX. TAGLAY NA BISA

Ang kwentong ito ni Santos ay isang uri ng kwentong may bisang


pangkaisipan at pangkaasalan. Masasabing ito may bisang pangkaisipan dahil
sa pagbabago ng kaisipan ng mambabasa matapos mabasa ang kuwento,
samantalang masasabi ring bisang pangkaasalan sa kadahilanang pagbabago
ng pananaw ng mambabasa sa mga kaisipang nakapaloob sa akda.

X. KAMALAYANG PANLIPUNAN
.Ang maikling kwentong ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga
pangyayari tungkol nuong sinaunang panahon, kung saan laganap ang pagiging
sakim ng mayayaman at pagiging mangmang ng mga mahihirap.

XI. TEORYA
Ang maikling kuwentong ito ay nabibilang sa teoryang klasismo, kung
saan inilalahad rito ang pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang tauhan na
nag-iibigan.

You might also like