You are on page 1of 5

SANDOSENANG SAPATOS

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang


sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa
amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa
raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-
Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng
kanyang mga sapatos.

“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”


“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang may madyik ang iyong kamay!

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay.


Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.

Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay.


Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko.
Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang
sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o
kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa
niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang
balat at tela.

“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi


na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng
pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay


tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng
Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na
masundan ako.
“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos!
Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko.
ngayon.” Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n ang naiisip ko
kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si
Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati
Tatay at Nanay. kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero…

“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw “Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa
ang magiging anak natin!” piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talagang
para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay
“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto ko.
kong magkaanak ng ballet dancer! Ngayon pa lang ay pag-
aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang-ballet .” Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina
Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap.
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay.
kaming lahat nang makita ang bago kong kapatid. Wala Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang
itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa! kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita
kay Susie.
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa
kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na “Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo
ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang nito kay Susie.
parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot
ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga
sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay
pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.
manika.
“Ano’ng problema mo, ha?”
“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”
Mabuti’t napigilan siya ni Nanay. Isang gabi, habang
“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako nakahiga kami sa kama, narinig kong kinakausap ni Tatay si
ng German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang Susie.
kapatid mo. At iyon ang naging epekto,” malungkot na
kuwento ni Nanay. “Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga
sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao.at buo
ang tiwala sa sarili,” masuyo niya itong hinalikan. “Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito
na velvet at may malaking buckle sa tagiliran.”
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin.
Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na
napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna. bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na
puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang
“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga
sapatos na gawa ni Tatay,” bulong ko sa kanya. bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
naging hadlang ang kawalan niya ng paa para makapaglaro
kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya
Lagi nga niya akong tinatalo sa maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos – ang
sungka, jackstone, scrabble, at pitik-bulag. Ako ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins ,beads ,
tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa kanya. Ako o buckle. Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.
ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!
“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang
Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming mga paa. magdodrowing, ha?”
Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At
oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya! Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha
ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng
isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may
kanyang mga paa. nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha
ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music
“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili. box na may sumasayaw na ballet dancer .
“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.
“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko.
Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya.
harap!” Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay.
Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit
na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos. Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega.
Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng Handog sa mahal kong bunso
ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, Sa kanyang ika-12 kaarawan
nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi
nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko
ng sapatos na maingat na nakasalansan! akalaing ganu’n pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko
ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.
”Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi
nai-deliver?” tanong ko sa sarili. “H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa
‘yo, Susie,” Namuo ang luha sa mga mata ni
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”
nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay
na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na “A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko,” Hindi
pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang-first makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos
communion. May pangpasyal. May pamasok sa ang mga sapatos.
eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-
dalagita. “Ha?”

Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni
nakasabit na papel: Susie.

Para sa pinakamamahal kong si Susie, Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap.
Alay sa kanyang unang kaarawan Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran.
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri.
para kay Susie. Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula.
sapatos? Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga
bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na
Para kay Susie, lugod ng aking buhay may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga
tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos?
sapatos lahat-lahat.
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng
hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may
mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni
Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

You might also like