You are on page 1of 2

ANG MONASTERYO NG LUMULUHANG BIRHENG MARIA

Sa aking paglalakbay patungong Cebu upang magbakasyon may


nadatnan akong isang daan na maraming mga sasakyan ang pumapasok
at lumalabas sa daang iyon. Maya- maya paý may mga pasaherong
pumara sa bus na aking sinasakyan mula sa daang iyon. Silaý
pumasok sa bus at umupo sa unahan ko. Silaý naguusap na para
bang sila lang ang tao sa loob ng bus. Narinig ko ang kanilang
pinagusapan tunkol sa isang Monasteryo na may lumuluha daw
birhen. At napagisipisip ko kung may katotohanan ba ang sinasabi
nila? Totoo bang may lumuluhang birhen? Dahil aking pagkamausisa
iginoggle ko ito sa aking Cellphone. Laking gulat ko na ang
tinutukoy pala nila ay ang simbaan ng Simala na kung saan may
naninirahang mga Monghe at Mongha at ang simbahang itoý
pinaniniwalaang milagroso na dinadayo ng daandaang mga deboto.

Pagkatapos ng aking bakasyon akoý dumaan sa bayan ng


Sibonga na sakop ang lugar na iyon. Mula sa bayan ng Sibonga ay
kailangan mong sumakay ng habal-habal patungo sa tuktok ng burol
nakinaroroonan ng SImbahan. Pagdating sa lugar akoý namangha sa
mga dami ng tao na halos hindi na madaanan ang dahil dahil sa
dami ng sasakyang nakaparada sa daan. May regulasyon silang
ipinapatupad kung papasok sa Simbahan tulad ng kung anong damit
ang maaring suotin sa habang nasa loob. Sa pagpasok ko sa loob
Monasteryo namangha ako sa nakita ko. Napakaganda ng lugar na
para bang Kastilyo na pinamumunuan ng isang hari. Mula sa
pasukan matatanaw mo ang isang napakalaking rebulto ng Birheng
Maria. Papuntang simbahan ang kailangan dumaaan sa daan nitong
parang bahagi ng Great Wall of China na may sukat higit kumulang
kalahating kilometro. Dahil sa mga balitang ang birheng Maria
lumuluha ng totoong luha naging popular itong dayuhin ng mga
deboto. Maging mga ibang relihiyon ay dinadayo ito dahil sa
malakastilyong paggawa nito.
Ako ay dadalo sana sa misa at pipila patungo sa rebulto ng
Birheng Maria ngunit kinapus ako sa oras dahil ang bus na aking
sasakyan ko pauwi ay aalis na habang ang misaý nagaganap.
Pumasok ako sa loob ng simbahan at nanalangin at nagpasalamat sa
diyos sa mga biyayang ibinigay niya sa akin at sa at aking
pamilya. Pagkatapos kung manalangin ay lumabas ako at kumuha ng
mga larawan ng Monasteryo at lumabas namili ng mga pasalubong
para sa aking mga kapatid at magulang. Isang kamanghangmanghang
lugar iyon na kahit sinuman ay nanaising bumalik sa lugar na
iyon.

RON JOSEPH G. GELOGO

STEM-12-FRIENDSHIP

You might also like