You are on page 1of 17

The Pontifical and Royal

University of Santo Tomas


The Catholic University of the Philippines
Faculty of Arts and Letters - AB History

Suprema De La Iglesia De Ciudad Mistica De Dios

2HST2 - MEMBERS:
Antonio, Bianca
Arguelles, Justine
Bringuelo, Jim
Cercado, Beah
Dancel, Mikhail
Enrique, Francis Ann
Fernandez, Alyssa
Kwong, Joshua
Manalo, Jossel
Oreiro, Nico
Santos, Kitiara Irie
Yason, Paolo
1

KABANATA 1

Ang Suprema Dela Iglesia De Ciudad Mistica De Dios ay isang relihiyosong samahan na
nakabase sa Mt. Banahaw sa Quezon. Ang Ciudad Mistica ay kapansin pansin dahil sa kanilang
mabuting pakikitungo sa mga bumibisita. Kahit na pag sa una ay mayroon silang kaunting
kailapan sa mga bagong dayo, sila ay mga mabubuting tao na kadalasay nangiimbita pa nga na
kumain o matulog ng ilang gabi sa kanilang mga tahanan para makipag kwentuhan. Ang Mt.
Bahanaw naman ay pinaniniwalaan ng marami bilang isang banal na bundok, kaya maraming mga
mananampalataya ang dumadalaw dito taon taon. Ayon sa paniniwala, dito daw umano inilipat
ang bagong Herusalem, at mayroon lamang mga banal na lugar sa bundok na ito kung saan pwede
sumamba na tinatawag nilang mga pwesto. Ayon kay Eugenio Bueno, ang pangkalahatang
kalihim ng Suprema Dela Iglesia De Ciudad Mistica De Dios, ang kanilang samahan ay naitatag
noong ika-23 ng Abril sa taong 1952.
Ang samahan na ito ay binuo at itinatag ni Maria Bernarda Balitaan, ang kanilang unang
suprema. Pinaniniwalaan nila na ang kanyang pagkakabuo sa sinapupunan ng kanyang ina na si
Romana Balitaan ay isang malaking milagro sapagkat siya diumano ay isang birhen. Nagkaroon si
Romana Balitaan ng mangingibig, na nagngangalang Felix na anak ng isang Pranses at Pilipina,
ngunit walang nangyaring sekswal na relasyon sa kanilang dalawa. Mayroong isang
kahima-himalang paliwag ng kapanganakan ni Maria Bernarda Balitaan (MBB), na kung saan ay
inilalarawan ang pagkakalabas niya sa mundong ibabaw bilang isang "bolang lamad" noong
ika-13 ng Agosto, taong 1876. Inilagay ng pinsan ng ina ni MBB sa bundok banahaw ang nasabing
bolang lamad at makalipas ang tatlong araw ay binalikan niya ito. Laking gulat na lamang ng mga
taong nakasaksi sa mamilagrong pangyayari na kung saan ay mayroong batang nabuo mula sa
bolang lamad na iyon. At dahil sa tatlong araw na pagitan, ang kanyang kapanganakan ay
ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Agosto.
Sa kanyang kabataan, marami nang mahiwaga at nakakahimalang mga bagay ang nangyari
sa kanyang buhay. Noong bata pa lamang si MBB ay mayroon nang nagsasabing siya ay magiging
mapalad, propeta, at dadaan sa mga hirap at pasakit. Sa murang edad pa lamang ay marunong na
2

siyang magbasa at magsalita ng tuwid, kahit na wala siyang pormal na edukasyon. Marunong na
rin siyang mag rosaryo at mag kumonyon, inilalarawan din siya bilang isang mabait at maunawain
na bata. Malimit siyang magtanong sa kanyang sarili at sa mga bagay-bagay, marami siyang
katanungan ukol sa Diyos, sa buhay, sa katotohanan, at sa Paglikha. Nung si MBB ay pitong taong
gulang na, siya ay sumailalim sa tinatawag nilang "kamatayang ritwal" kung saan nakakita siya ng
mga bisyon, kung saan ay tinawag siya ng isang tinig at inilipad ng nanliliwanag na tao. Ayon sa
kanya, nakita niya ang Diyos, ang kapangyarihan at kabaitan ng Diyos, ang paglikha ng langit at
lupa, at ang mundong ispiritual. Nalaman niya na siya ay anak ng Diyos at siya ay may
kapangyarihan din. Pagkatapos niyang mapagtanto ang mga ito, siya ay inutusan at binigyan ng
misyon ng Diyos upang ipagpatuloy ang hindi natapos ni Hesus. Siya ay itinalaga bilang
magtatapos, sapagkat ang mga babae na nagsimula ng kasalanan, ay siya ring magbabangon at
magtatayo ng 12 koro.
Pagkatapos ng pangyayaring ito, ang kanyang kamatayang ritwal, dito na nagsimula ang
kanyang pagpapakasatuparan ng kanyang misyon at paggawa ng mga gawaing Mistisismo. Sa
kapanahunang ito, karaniwan ang pagtatatag ng mga hermanidad at mga kapatiran. Ito ang
panahon kung saan maraming sekta ang relihiyon ng Iglesia Katolika Romana. Sa Pilipinas,
marami ring relihiyon ang umusbong at mga taong pinaguusig, gaya nila Rizal at iba pang mga
bayani. Ayon sa Pangkalahatang Kalihim ng Ciudad Mistica na si Eupoldo Bueno (2016), ang
siya'y aming nakapanayam, sa pagiging isang debotong mananampalataya ni MBB, kung saan
sumasabay siya sa mga pari sa pagsesermon, napasama sa mga pari sa kanilang mga pangangaral,
nagkaroon ng inggit sapagkat siya ay mas nakakaakit ng mga kapatiran, lalo na't isa pa siyang
babae. Ang mga awtoridad ng Katolisismo ay karamihan ay mga kalalakihan kaya si MBB ay
pinaginitan. Dahil dito, si MBB ay pinaalis sa simbahang Katoliko. Ayon kay Pesigan, siya rin ay
ilang beses nang nakulong. Siya ay nagtatag ng kanyang mga samahan, kagaya ng Sagrada Familia
(o Banal na Angkan), Cordon ni San Francisco, at Hermanidad simula sa taong 1906 hanggang
1908. Sangayon din sa kanyang misyon, nagtatag siya ng tatlong simbahan: ang Iglesia Mistica
Filipina sa Calapan, Mindoro na naiparehistro noong 1915, Iglesia Mistica Asiatica sa Cavite na
naiparehistro noong 1973, at ang Suprema de la Iglesia del Ciudad Mistica de Dios sa Bundok
Banahaw na naiparehistro noong Agosto 23, 1952. Nagsimula ang pagtatayo ng mga samahan ni
3

MBB ilang taon na bago pa man ito maiparehistro. Importante ang pagpaparehistro ng isang
samahan upang ang mga taong naniniwala at kabilang sa mga samahang ito ay hindi mausig. And
Ciudad Mistica, ayon kay Bueno, ay hindi unang naitatag sa Bundok Banahaw ngunit sa San
Bartolome, San Pablo, Laguna. Sa librong isinulat ni Pesigan (1992), si MBB ay namatay noong
ika-8 ng Hunyo sa taong 1925, at inilibing siya sa Calapan, Mindoro. Sa taong 1963, bagamat iba
na ang Suprema at si MBB ay yumao na, kumapal na ang kanilang samahan at maraming mga
deboto ang laging bumibisita sa bundok. Maraming mga naitatag na himpilan at kongregrasyon sa
bundok ng Bundok Banahaw. Marami din, hindi umano, ang mga himalang nangyari sa bundok na
ito kaya hindi kalaunan, ay ang naging sentro ng kanilang mga spiritwal na gawain tuwing
Kamatayan ni Kristo.
Si MBB ang pinakamataas na tagapangasiwa sa mga simbahang kanyang itinatag ngunit
pagtapos ng kamatayan ni MBB, ang iba't-ibang simbahan na itinatag niya ay nagkaroon ng
kanya-kanyang mga Suprema na namuno sa kanila. Si Macaria Javier ang tinaguriang unang
suprema ng samahan, at si Victoria Ebry naman ang humalili sa kanya. Ng dumating ang
kamatayan ni Victoria Ebry noong ika-19 ng Nobyembre taong 1963 humalili sa kanya sina
Francisca de Villa at Teodosia Pizara, ngunit sa pansamantalang panahon lamang. Kadalasan, ang
mga tumatayong tagapangasiawa ay mga babae ngunit hindi naman ipinagbabawal ang mga
kalalakihan. Mayroon ring mga tumayong Supremo pansamantala pagtapos ng kamatayan ng mga
nagdaang mga Suprema. Sa katunayan, nagkaroon sila ng isang pansamantalang supremo na
humalili kay Macaria Javier. Ayon kay Eupoldo Bueno (2016) siya ay si obispo Amato Suarez at
ang puwesto bilang taga-patnugot lamang ang kanyang tinayuan. Nagtagal si Obispo Amato
Suarez sa kanyang pwesto hanggang sa araw ng kanyang kamatayan. Noong ika-16 ng Disyembre
taong 1963 itinalaga ang kasalukuyang suprema ng samahan at siya ay si Isabel Suarez na noon ay
23 taong gulang pa lamang. Noong panahong napili siya bilang susunod na suprema ay nakaranas
siya ng matinding sakit ng ulo at pagduduwal ng dugo kaya naman inisip ng mga Elders ng
Mistiko o Magulang na isa iyong pangitain. Para sa samahan ito, ang Suprema ay kapareho at may
katumbas na posisyon sa Papa ng mga Katoliko. Kabilang hanggang ngayon, nagkaroon na ang
Ciudad Mistica na tatlong mga Suprema.

KABANATA 2

MGA MIYEMBRO
Sa aming pakikipanayam kay ginoong
Eupoldo Bueno, nasabi na ang mga miyembro ng
kanilang samahan ay tinatawag na mga Mistica at
ang pinakanakatataas ay ang Suprema. Ang
Suprema ay ang Pangulong Tanggapan ng
Kataastaasang

Pananambahan

na

tumatayo

bilang kanilang pangulo at katumbas ang


kapangyarihan ng Santo Papa. Ang kanilang
naging unang Suprema ay si Maria Bernarda
Balitaan, na ayon sa kanilang paniniwala ay may
halong himala at milagro ukol sa kanyang
pagkakabuo at pagkakapanganak. Nasabi rin
namang naging kakaiba ang kilos niya simula
noong tatlong taon pa lamang siya, at sa isang
punto ng buhay niya ay nakarating rin siya ng
Banahaw kung saan itinatag niya ang Suprema de la Iglesia de Ciudad Mistica de Dios noong 1873.
Mayroon din namang impormasyong nakuha kay Ginoong Eupoldo na nagpapaliwanag na si
Maria Bernarda ay isa ring miyembro ng Cordon de San Fransisco noong 1913, ngunit siya ay
pinaalis at magmula doon ay nagtatag ng sariling relihiyon noong Abril 23, 1952. Ayon na rin sa
pakikipanayam kay Ginoong Bueno, sinasabing unang itinatag ang relihiyon sa Siyudad ng San
Pablo at ginawang sentro na lamang ang Mt. Banahaw noong 1963, dahil sa pagkakaroon at
pagkakakilanlan bilang isang mahimalang bundok sa tuwing kamatayan ni Kristo.

Ang pagpili ng Suprema ay nakadepende sa panalangin at pagmumuni-muni, at kung sino


man ang siyang bababaan ng Espiritu Santo. Ang karaniwang nagiging Suprema nila ay babae,
ngunit hindi naman nila dinidiskrimina at ipinagsasantabi ang mga lalaki. Nagkakataon lamang na
5

mga babae ang siyang pinipili at binababaaan ng Espiritu Santo. Ang proseso ng pakikilahok sa
samahan ng Suprema de la Iglesia ay kagaya rin naman ng sa Katoliko; may nagaganap na Binyag
sa mga bata at pagkatapos naman ng ilang taon ay ginaganap na ang Kumpil, sa panahong ito
dapat ay may sapat ng kaalaman ang mga bata ukol sa kanilang mga gampanin at gumawa ng
sariling desisyon.

DOKTRINA
Ang mga Doktrina ng Mistika ay halos magkasing halintulad sa mga doktrina ng
simbahang Katolika. Ang mga miyembro ng samahan ay naniniwala rin sa Diyos, ngunit ayon sa
kanilang paniniwala, si Rizal ay ang Espiritu Santo at Parte siya ng tatlong persona. Gaya ng mga
Katoliko, mayroon din silang ritwal ng Binyag, Tatlong Persona, at ang tinapay at alak.
Gumagamit din sila ng Bibliya, at mayroong din silang Bago at Lumang tipan, ngunit ito ay
ginagamit sa mas istriktong pamamaraan. May mga ekumenikong kilusan din sila tulad ng
katolika. Ipinaliwanag din nila ang tungkol sa Libro ng Paghahayag o Revelations, na kung saan
ay inihahayag nila na ang pagsasauli ng buhay na inaantay ng lahat, babae raw ang siyang gagawa
ng iyon. Ang mga proseso n They made mention that they have ecuminical movements just like
catholics. They also mentioned about Revelations where they claim that ang pagsasauli ng buhay
na inaantay ng lahat, babae daw ang magsasauli niyon. Ang mga proseso na mayroon ang
Simbahang Katolika ay siya rin namang kanilang ginagawa, tulad na lamang ng binyag. Subalit, sa
kadahilanan na hindi pa sapat ang kaalam ng bata noong siya ay bininyagan, magkakaroon sila ng
pangalawang binyag na tinatawag naman sa katolika na Kumpil.

ANG PAGKAKAIBA NG KANILANG RELIHIYON SA RELIHIYONG KATOLIKO


Ang kanilang pagkakaiba sa relihiyong Katoliko ay ang ritwal ng kasal. Mayroon din
silang liturhiya, ngunit ayon sa aming nakapanayam, mayroon silang espesyal na pari na
engkantada. Si Maria ay kinikilala ng mga Katoliko bilang ina ni Hesus; sa kanila, siya ang
tagapamagitan dahil noong hindi pa isinilang si Hesus, nasa kanilang dalawa ni Maria at Hesus ang
Espiritu Santo. Ang katawan ni Hesus ay ang katawan ni Maria, ngunit ang pagkakaiba ay ang
proseso ng paglabas ni Kristo sa katawan ni Maria, si Maria ang naging esposa ng Espiritu Santo.
6

Ang tawag rin kay Maria ng mga taga-Ciudad Mistica ay Diyos Ina kaya sa may simbahan, ang
babae ay nasa gitna ni Hesus at ni Pepe dahil ang tagapag-ingat ng tanging mga sinugo. Mahigpit
rin nilang sinusundan ang Bibliya, subalit may pagkakaiba ito katulad sa Aklat ng Rebelasyon, ay
may susunod pa na kabanata na tungkol sa pagbibigay ng buhay na walang hanggan. Hindi raw
iyon ibibigay dahil mamatay pa tayo ngayon. Ang hinihintay na lang ay ang pagbalik dahil ito ang
resureksyon na ang mga babae ay magpapatuloy. Ayon rin sa kanya, naniniwala sila sa Luma at
Bagong Tipan dahil ang Bagong Tipan ay katuparan ng Lumang Tipan, subalit sa Bagong Tipan
ay hindi nila binibigyan ng halaga ang Tatlong Persona at katulad rin ng mga pariseo, hindi sila
naniniwala sa pagkabuhay muli.

RELASYON KAY RIZAL


Kilala si Rizal sa Pilipinas at sa ibang bansa dahil sa taglay niyang katalinuhan. Dahil dito,
pinaniniwalaan ng mga nasa Mistica na siya ay isang reenkarnasyon ng Espirito Santo. Sinabi ng
Unang Patnugot na hindi niya maipaliwanag ang himala ni Rizal dahil sila ay hindi Rizalista. Dito
pumapasok ang kontradiksyon na ipinapaliwanag at naitalaga sa mga aklat at papel na aming
nahanap, dahil wala namang impormasyon na nagtuturo o tumutukoy sa kanila bilang Rizalista o
hindi. Ipinaliwanag din ng Unang Patnugot na ang mga Rizalista ay may politikal na koneksyon
lamang ng buhay pa si Rizal. Dito, may kontradiksyon ulit sa kanyang pahayag, sapagkat bago pa
namin tanungin ang pagkaka-iba ng Mistica at Rizalista, sinabi niya na may kakaibang himala si
Rizal na ang Rizalista lamang ang makaka-sagot. Pinakatotohanan na ang Mistica ay itinayo ng
1913 at si Rizal daw ay noong 1896. Alinlangan ang katotohanan ng impormasyon na binibigay ng
Unang Patnugot subalit ang nakuha namin sakanya ay ang paniniwala ng mga Mistica na isa
lamang reinkarnasyon si Rizal ng Espiritu Santo. Para sa kanila, iisa lang ang Diyos na kanilang
sinasamba at hindi ang pagka-tao ni Rizal. Nagbigay din siya ng impormasyon na ang Rizalista ay
ang politikal na samahan na pinaniniwalaan na may kakaibang dalang himala si Rizal.

KABANATA 3
MURALS NG CIUDAD MISTICA
Ang mga murals sa loob ng Ciudad Mistica De Dios dalanginan ay masigasig na depisyon
ng mga mitong bumubuo sa Sistema ng kanilang kapaniwalaan. Sampung mural na ipininta sa
canvas at lawanit ang matatagpuang nakasabit sa kanan at kaliwang mga dingding at sa labas ng
pintuan ng Ciudad Mistica. Ang unang mural na tatambad sa paningin ay ang sampung utos ng
Diyos. Ito ay ang unang batayan ng kanilang paniniwala galing sa bibliya. Ang ikalawang mural na
tatambad sa paningin ay ang labindalawang utos ni Kristo na pinagsamang mga kaaralan ni Kristo
kasama na ang mga banal na kapalaran na winika ni Kristo sa kanyang sermon sa Mount. Ito ang
ikalawang batayan ng paniniwala ng Ciudad Mistica. Ito rin ay nagpapakita ng kanilang pagtanaw
o pagkonsidera sa ikalawang panahon: ang panahon ng Diyos Anak, si Hesus at ang inang si Maria.
Kapag ikaw ay papasok sa dalanginan ang unang tatambad sa iyong paningin sa kanan ay ang
mural na nagpapalianag ng mahiwagang pagkapanganak ni Maria Bernarda Balitaan, fundadora at
Diyos Ina, na balot sa isang Bolang Lamad. Ito ang ikatlong batayan ng paniniwala ng Ciudad
Mistica. Ito rin ay nagpapakita ng kanilang pagkonsidera sa ikatlong panahon na pinaniniwalaang
kinapapalooban natin ngayon: ang panahon ng Diyos Ina, ang panahon ni Maria Bernarda.
Kasunod ng mural ng pagkalalang kay MBB ay ang mural ni Rizat at ang laindalawang ilaw ng
Pilipinas. Ipinakikita nito ang pagkilala ng Ciudad Mistica kay Rizal bilang taong kinasangkapan
ng Diyos upang mailigtas ang Pilipinas. Ang labindalawang ilaw ng Pilipinas ay sinisimbolo ng
mga kasapi sa paghihirap noong kolonyalismo ng mga espanyol. Inihahalintulad ito kay Kristo at
ang kanyang labindalawang disipulo. Tulad ng mga bayani si MBB ay nakulong din ng makailang
pagkakataon. Ang mural ni MBB ay halaw sa potograpiyang nakadikit sa loob ng panlikod na
pabalat ng Aklat ng mga Dalit. Ipinakikita dito ang Pagkasugo ng Diyos Ama kay MBB bilang
sugong babaeng tutubos sa kasalanan ng lahing tao na hindi natapos ni Kristo. Upang bigyang diin
ang kadiyusan ni MBB ay pinalilibutan siya ng mga sipi mula sa Banal na Kasulatan. Binibigyang
diin din na ito ang kapanahunan ng Sugong Babae na walang iba kundi ang pundadorang si MBB.
Ang mural ng Santa Tierra de Promosion o Lupang Pangako ay nagpapakita ng pagkakababa sa
lupa at ang pagkakatayo ng simbahang Ciudad Mistica. Ito ay nangyari matapos na magkaroon si
MBB ng isang bisyon ng pakikipagkita sa Diyos Ama na nakapagpaunawa sa kanyang
8

pagkalalang buhat sa balintataw ng Diyos Ama, ang pagkakahirang sa kanya bilang magtatapos ng
pagtubos sa kasalanan ng sanlibutan at ang pagkakatayo ng Ciudad Mistica bilang bagong daong
na lululanan ng mga manananamba dito sa Bundok Banahaw, ang Santa Tierra de Promosion. Ang
mural na Babae-Lalaki ay nagpapakita ng iba pang katangian. Isang babaeng nakadamit militar na
may hawak na tabak sa kanang kamay at baril sa kaliwang kamay. Ito ay patunay din sa hula na
sina Simplicidad at Inocencia ay magkakatawang-tao sa iisa, na Babae-Lalaki, na siyang
maghahawak sa testamento ng tipan ng Ciudad Mistica. Ang mural ay dulot ng kasaysayan ng
Mistica na may bahid militaristiko dahilan sa pangangailangan ng pakikidigma at pakikilaban
noong katapusan ng ikalabinsiyam na siglo. Ang unang mural sa kaliwang dingding ng dalanginan
ay nagpapaliwanag ng batayang bibliya at batayang historikal ng Ciudad Mistica. Gayundin ang
mga prinsipyos na kanilang pinanununtunan. Ang sentral na imahen ng mural ay ang depiksyon ng
kanilang inaasahang Ciudad Mistica na itatayo sa bundok Banahaw pagkatapos ng Armageddon
na hinalaw sa Apokalipsis 21. Sa ibaba ng Ciudad Mistica ay ang larawan ni Mamay na nag-aabot
ng susi ng kaligtasang Mistica sa dalawang 12 na mga kabataang Mistico na magbubukas sa
sekretong 12 pintuan ng Ciudad. Nagpapakita ang mural ng kapaniwalaan ng Mistica hindi lamang
sa katotohanan ng Lupang Pangako kundi ng Lupang Pangako sa Banahaw sa pamamagitan ng
gawang Mistico. Ang mural ng Tatlong Bundok ay nagbibigay diin sa tatlong panahong
pinaniniwalaan ng Ciudad Mistica. Kasama rin sa mural ang ilustrasyon ng Ciudad Mistica ayon
sa sulat sa Apoc 21. Samakatuwid, ang mural ay nagpapakita ng kanilang naiibang pagtingin sa
kasaysayan. Kasama rin ang kanilang prospektibong pananaw na nagaantabay sa pagtatayo ng
bayang hindi nangangailangan ng araw o ng buwan upang lumiwanag sa kanya sapagkat
nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos. Ang ilaw doon ay ang kordero. Ang pinakahuling mural
ay ang grupo ng siyam na Koro o Angeles na nakakuwadro. Ang bawat isa ay kumakatawan sa
siyam na Korong binanggit ni Apoc 21 na kung saan ang bagong langit at ang bagong lupa ay
nagdidingdingan ng labindalawang hiyas. Sa kapaniwalaan ng Ciudad Mistica ay siyam lamang
ang hiyas na miyembro ng Koro sapagkat hindi pa naitatayo ang tatlo upang maging labindalawa.
Dito makikita ang kanilang paniniwala sa prospektibong pananaw na hindi pa gawa ang Bayan at
ito ay magaganap pa sa katapusan ng milenyum. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay lehitimasyon
sa kanilang paggawa at paghihintay sa itatayong bagong Herusalem. Unang una, ipinapaliwanag
9

ng mga mural ang ideya ng kasaysayan ng mga Mistica. Hindi ang tradisyunal na kasaysayang
kanluranin na naghahati-hati sa kasaysayan ayon sa mga pangyayari. Ang kasaysayan ng Mistica
ay halaw sa tatlong tipan na ang bawat isa ay naghihintay ng tiyak na kaganapan. Ikalawa, ang mga
mural ay nagpapakita ng eskatolohiya ng Mistica, ng kanilang ideya tungkol sa kahihinatnan ng
mundo at tao, ang kamatayan, ang paghuhukom, ang ikalawang pagdating ni MBB. Ikatlo, ang
mga mural ay nagpapakita ng estetiko at istraktura ng kanilang paniniwala. Ang
pagkakasunod-sunod nito ay ayon sa kaayusng idinidikta ng naratibong kapaniwalaan na siya ring
nagbibigay istraktura dito.

ALTAR NG CIUDAD MISTICA


Ang altar, maski saan mang kultura, ay nagiging sentro ng pagsamba at rituwal. Sa Ciudad
Mistica, ang altar ang pinagdarausan ng mga indibiduwal at pangkomunidad na mga rituwal.
Idinaraos dito ang Pagbibinyag, Kumpil, Kasal Paraiso at ang Responso at Pagbabasbas sa Patay,
gayun din ang Lektyur at Paglangkap, Misa, at Siete Palabras at ib pa.
Tulad lang ng mga mural, ang altar bukod sa pagiging sentro ng pagsamba, pinapaliwanag
din dito ang kapaniwalaang Mistica. Ang altar sa duyo ng dalanginan ay ang katatagpuan ng mga
kapaniwalaang nilagum na mga sagisag. Ang pananagisag ay isang panandang na katangian hindi
lamang ng mga Mistico kundi gayun din ng lahat ng grupong pangrelihiyon sa Bundok Banahaw.
Mga Sangkap o Components ng Altar. Maraming sangkap ang pinagsamasama upang mabuo ang
isang integrado at lohikong altar. Tulad ng isang koronang tilusan, ang buong altar. Ang itaas
iniikutan ng Koronang Tinik at tinetengahan ng dalawang malaking pakpak tulad ng sa Kaban ng
Tipan. Sa pinakamukha ng Altar ay nakadikit sa kaliwa ang dalawang tablet ng 10 Utos ng Diyos
at sa kanan ay nakalagay ang pusong maalab na kinatititikan ng 12 Utos ni Kristo. Nakadambana
sa itaas ng altar, sa gitna ng mga tilos ng Korona, ang Trespicong may Mata ( All Seeing Eye ) at
may 36 sinag na ang bawat sinag ay may salitang nakasulat. Sa ibaba ng 10 Utos ay nakasulat ang
mga Principios: Pag-ibig sa Diyos, Pananampalataya, Gawa, Pag-asa at Tiyaga. Sa ibaba naman
ng 12 Utos ni Kristo ay ang 5 K: Kalinisan, Katwiran, Kaliwanagan, Katotohanan, Kababaang
10

Loob at Pagtitiis. Sa gitna ng mukha ng koronang altar ay nakadambana sa loob ng salamin ang
isang Kurus, gawa sa itim na kahoy at wala doon ang katawan ni Hesus Kristo. Nakapatong ang
Kurus sa ibabaw ng ikaapat na baitang ng hagdan. Sa harap ng Koronang Altar matatagpuan ang
Tatlong Buwan, isang mesang hugis tatlong half-moon na pinagkabit-kabit. Sa bawat isang buwan
ay nakasulat ang Eva Coeli, Eva Apdula at Eva Sultum na sumasagisag sa tatlong ni MBB: sa
Langit, sa Lupa, sa Tubig.
Integrasyon at Lohika sa Altar. Mapapansing nagkasama-sama dito sa altar ang Tatlong Tipan 1)
ang Tipan ng Diyos Ama na sinasagisag ng Korona ng Paghahari, ng Mata ng Trinity, ng Pakpak
ng Kaban ng Tipan at 10 utos ng Diyos; 2) ang Tipan ng Diyos Ina na sinasagisag ng Tatlong
Buwan at ng mga Principios na ipinangaral ni MBB.

ANG PLASA
Isang liwasang ispirituwal sa may kaliwang lote ng bahay dalanginan ng Ciudad Mistika.
Pinagdadarausan dito ang mga rituwal gaya ng Pagtataas, Paghahandog, Pagsusuplina,
Paglelektyur tuwing kaarawan ni MBB. Pamamaalam at Pasasalamat tuwing mamumuwesto.
Kalahati nito patungo sa silangan na kinatatayuan ng isang malaking Trespico. Sa Norte nakatayo
ang pedestal ng tagdan ng Iglesia Mistica Filipina, isang trespico tulad ng trespico sa bandilang
Pilipino. Sa timog ay nakatayo ang pedestal ng tagdan ng Iglesia Mistica Asiatica, ang Mundo
Ovalo, isang globo na may guhit ng iba-ibang bansa kasama ang Asia. Sa gitna ng sementadong
trespico ay nakatayo ang pedestal ng tagdan ng Suprema de la Iglesia del Ciudad Mistica de Dios.
Nakatayo naman ang isang Kurus sa may silangang dulo ng sementadong trespico na nasisilbing
altar. May nakasandal na isang tagdan na may banderita sa dulo na nakaturo patungong Norte. Sa
ibabang bahagi ng plasa ay may kuadrado at konkretong kural na pinagsisilbihang pagkain tuwing
rituwal ng Paghahandog.
Ang Katuturan ng Plasa. Sa Plasa makikita kung papaano ang tatlong simbahan ng Ciudad
Mistica, ang Iglesia Mistika Filipina, Iglesia Mistica Asiatica at Ciudad Mistica de Dios ay
nakapatong sa kapaniwalaan sa Trespicong Diyos at ng pagkakaisa ng tatlo sa iisang Diyos. Ang
11

mga rituwal na kaagapay ng Plasa ay nagpapakita ng kanilang pagkakaisa tulad ng sabayang


Pagtataas ng tatlong simbahan ng Mistica at ng uri ng mapagpakasakit, mapagdusa at mapaglinis
na rituwal ng Pagsusuplina at sa kanilang direktang pag-aalay ng pasasalamat sa pagkaing
sinusunog nila sa Paghahandog. Samakatuwid, nasa lugar ang lahat ng bagay, may lohika at may
estetikang batay sa kanilang paniniwala.

12

KABANATA 4

RELASYON NI RIZAL SA CIUDAD MISTICA DE DIOS


Ang posisyon ni Rizal sa relihiyon ng mga Mistica ay hindi Diyos mismo, at hindi rin sa
posisyon ni Kristo, siya ay nakaposisyon sa Espirito Santo, kung saan sinasabi nila na si Rizal ay
isang reinkarnasyon. Ayon kay Eupoldo Bueno (2016), naniniwala ang mga Mistica, mga taong
kasama sa sinasabing samahan, na si Kristo ay bumababa, ngunit hindi pumipili ng lugar na
kanyang pagbababaan. Hinalintulad nila si Rizal dito. Dahil sa espiritu na naninirahan sa templo ni
Rizal, naniniwala rin sila sa Reinkarnasyon ng banal na espiritu. Naniniwala sila na ang proseso ng
reinkarnasyon ng banal na espiritu ay marami ngunit hindi sila kumukuha ng kanilang templo.
Gaya ng divine world, si Kristo ay ilang beses bumababa ngunit hindi sya pumili ng magiging
lugar nya. Naniniwala sila na pwedeng mahalintulad si Rizal kay Kristo. Kung ikukumpara sa iba,
kakaiba ang tatlong persona sa Pilipinas. At ayon sa Mistica, may mga reinkarnasyon ang banal na
espiritu. Kumukuha sila ng ibang tao upang maipalaganap ang banal na helyo ngunit hindi yung
major na pagmumula sa pagkat tatlo lang yung persona. Upang hindi malito ang ibang tao,
naniniwala sila na si Kristo ang tanging anak ng diyos at walang syang kapatid. Na upang tayoy
maging kapatid ni Kristo kailangan nating mabinyagan. Etoy posible dahil sa pangako ayun sa
paglakad ng banal na espiritu, hindi sa laman. Napatunayang galing sya sa banal na espiritu dahil
sa mga sinabi na Kristo na kayoy sumama sa akin.
Pinatunayan ni Eupoldo Bueno (2016) na hindi totoo ang pagiging diyos ni Rizal. Ipinapakita nila
na naniniwala sila na isang Diyos, hindi si Rizal, ngunit ang banal na espiritu na na kay Rizal, hindi
ang kanyang pagkatao. Isang diyos, tatlong persona. Eto ang isa sa mga patunay nila na hindi diyos
si Rizal. Naniniwala sila na si Kristo ang tanging anak ng Diyos mismong nilalang siya ng divine
word. Para sa mga Mystica, si Dr. Rizal ang reinkarnasyon ng espiritu santo. Ang pinangako ni
Kristo.
Ayon din sa Mistica, si Rizal daw ay ang Hesus ng Pilipinas, pero hindi siya kapantay ni
Hesus. Kung si Kristo ay sa Jerusalem, si Rizal ay sa Pilipinas, pero hindi siya inilalagay sa altar.
Katulad ni Kristo, mayroong sariling 12 apostoles si Rizal na kilala rin bilang 12 Ilaw ng
Pilipinas. Ang 12 Ilaw ng Pilipinas ay mga repormista at nasyonalista noong 19th century, tulad
13

ni Mabini, Del Pilar, Antonio Luna, Juan Luna,atbp. Ang 12 Ilaw ng Pilipinas ay makikita sa
mismong simbahan ng Mystica, doon makikita ang isang mural kung saan nakalista ang mga
pangalan nila. Hindi pa dito humihinto ang paralelismo ni Kristo at ni Rizal. Parehas nilang
hinabol ang kanilang mga mithiin sa puro at mapayapang paraan. Parehas silang pinanganak sa
mga bansa na na sa ilalim ng ibang bansa (Roman Empire at Espanya). Parehas silang namatay sa
mga kaawan nila at parehas silang namatay para sa paniniwala nila.
Sa pangkalahatan, ang ibig na ipahiwatig ng Suprema de la Iglesia de Ciudad Mystica de
Dios, na si Rizal ay hindi Diyos, at hindi siya kapantay ni Kristo, at siya ay reinkarnasyon ng
Espirito Santo. Sinasabi rin ni Eupoldo Bueno (2016) na si Rizal ay ang tagapagligtas ng Pilipinas,
katulad ni Hesus sa Herusalem.

14

BIBLYOGRAPYA
Gaspar, K. & Greggy, M. (2018). Suprema de la Iglesia de Ciudad Mistica de Dios, Inc.
Retrieved from: http://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/mount_banahaw
_rizalista_groups/page/2/

Pesiga, G. (1992). Dulang-Buhay ng Bundok Banahaw: Karanasan ng Ciudad Mistica.


Quezon City: Bahay Saliksikan ng Pilipinolohiyang Simulain.

15

PAMAMAHAGI NG TRABAHO
1. Antonio, Bianca
- Nagpunta sa Mt. Banahaw
- Nagsulat ng Kabanata 2
2. Arguelles, Justine
- Nagpunta sa National at UST library
- Nagsulat ng kabanata 1
- Nag edit ng papel
- Nagsalin ng interview record sa papel
3. Bringuelo, Jim
- Nagsulat ng Kabanata 4
- Nagsalin ng interview record sa papel
4. Cercado, Beah
- Nagpunta ng Mt. Banahaw
- Nagsulat ng kabanata 2 at Biblyograpya
5. Dancel, Khail
- Nagpunta ng National at UST library
- Nagsulat ng Kabanata 3
6. Enrique, Francis Ann
- Nagpunta ng Mt. Banahaw
- Nagsulat ng Kabanata 1
7. Fernandez, Alyssa
- Nagpunta ng National at UST Library
16

- Nagsulat ng Kabanata 2
8. Kwong, Joshua
- Nagpunta ng National Library
- Nagsulat ng kabanata 1
9. Manalo, Jossel
- Nagpunta ng National at UST library
- Nagsulat ng Kabanata 3
- Nag edit ng paper
10. Oreiro, Nico
- Nagpunta sa National Library
- Nagsalin ng interview record sa papel
11. Santos, Kitiara Irie
- Nagpunta sa Mt. Banahaw
- Nagsulat ng Kabanata 2
12. Yason, Paolo
- Nagpunta ng Mt. Banahaw
- Nagsulat ng kabanata 4
- Nagsalin ng interview record sa papel

17

You might also like