You are on page 1of 2

“Paglalakbay Patungong Baguio”

Isang plano pa lamang ang nabubuo at nasasabik na kaagad ako para sa isang
bakasyon kasama ang aking pamilya papuntang Baguio. Maaaring hindi lamang ako
ang siyang sabik na sabik at binibilang ang bawat araw na dumaraan at iniisip na kung
pwede bang mapabilis na lamang ang takbo ng oras. Ilang beses lamang kaming
nakakaalis ng buong pamilya sa isang malayong lugar at ang destinasyon papuntang
Baguio ay isa na sa mga ito. Ito rin ang magiging ikatlong beses pa lamang na aking
pagpunta, at sa unang beses ay wala pa akong malay sa kagandahan pa ng tanawin
noon dahil bata pa lamang ako noon at maisasalarawan lamang ang aking
nararamdaman sa mga litrato.
Isang malayong biyahe na inaabot ng walong oras at dalawang van ang kasama noon
para makapunta sa destinasyon. Hating-gabi ng umalis kami at ang biyahe tuwing mga
oras na iyon ay walang abala. Bihira ang mga ingay ng trapiko na masasalubong mo sa
Maynila. Isa rin sa mga paborito ko sa isang paglalakbay ay ang pagtingin sa mga
dinadaanan lalo na ang isang simpleng sinag lamang ng araw. Bata pa lamang ako ay
paborito ko na itong gawin, gabi man o may araw ang paglalakbay at kung minsan ay
may kasama pakikinig pa sa musika upang mas may diwa. Gising ako noon kahit ang
mga nakikita ko ang ay mga pulang ilaw pa ng mga likod ng sasakyan hanggang sa
lumipas at naging mga naglalakihang estruktura na ang aking natatanaw. Hindi
kalaunan ay nag-iba na muli at naging mga mahahabang palayan na ang aking
mapapansin. Kung aking pagmamasdan ng mabuti ay parang sobrang haba na ng
tinatahak namin at walang kasiguradahan kung tama ba ang destinasyon na aming
tinatahak. Habang nasa isang napalaking highway, na para bang kumakaway ang mga
sasakyan at may kanya-kanya ugong at ingay ang mga ito ay sinusundan ka rin ng
haring araw sa iyong paggalaw. Tumigil muna kami sa isang istasyon na may kainan
upang mag-almusal. Sa muling pagpapatuloy ng biyahe ay naging ektensyon ang mga
palayan, kapansin-pansin din ang kakaibang itsura ng kapaligiran sa kanilang bayan.
Hindi maiiwasan ang pagkukumpara ko sa bayang kinalakihan ko dahil ito ay maliit
lamang at ang mga nadaraanan namin ay isang bago ngunit kaakit-akit din na lugar.
Tumigil din muna kami sa isang simbahan at nagpatuloy din kaagad ng aming biyahe.
Masasabing isang pagsubok ang paglalakbay sa Baguio at ito ang dahilan. Kasama sa
mahabang oras ng biyahe ay ang mga paliko-liko pa nitong daan. Hindi pa rito
natatapos, dahil ang palikong-likong daan ay pataas rin. Maaaring masama ang maging
epekto nito kapag hindi handa ang isang buminiyahe. Bagama’t ganoon ang sitwasyon
hindi makakaila na habang tumataas ang pag-lalakbay ay ganoon din ang
magagandang tanawin masisilayan. Umabot na rin ang aking imahinasyon na maaaring
ko nang maabot ang ulap sa taas ng aming tinatahak at katumbas pa noon mga bundok
at maliliit na nayon na kaakibat sa mga natatanaw mo sa isang biyahe. Isang hudyat na
nakarating na kami sa destinasyon ay ang napakalaking estatwa ng leon na sasalubong
at kalimitan ay popular na lugar para kunan ng litrato.

You might also like