You are on page 1of 3

Veronica S.

Canoy | 2nd year Bachelor of Elementary Education

I. Reflection

April 2,2023 - Nagsimba kami ng 5 am at pinabless namin ang mga palaspas


pagkatapos ng simba ay sama sama kaming nag almusal sa bahay ,pagsapit naman ng
tanghali ay sabay sabay parin kaming kumain ng tanghalian at ng hapunan . Pagsapit
ng alas 9 ng gabi kami ay kumain ng miryenda "bananaque ,kamoteque, at yema cake
at iilang chips at snacks.

April 3,2023 - Paggising namin sa umaga ay sabay sabay kaming nag almusal ng
Kutsinta at mga kakanin , palabok at sphagetti . Pagdating naman ng tanghali ay sabay
sabay kaming nagtanghalian at pagdating ng ala 3 ng hapon ,akoy nagbyahe na
papasok sa paaralan dahil ang oras ng klase ay 4:30-6:00 , pagtapos ng klase ay agad
kaming umuwi upang kumain ng sabay sabay at nakatulog ako ng maaga dahil narin sa
nabasa ako ng ulan at sininat ako pagsapit ng madaling araw.

April 4,2023 - Nasa loob lang ako ng bahay maghapon at nag aalaga ng aking
pamangkin , at kami ay nanood ng movie pagsapit ng gabi hanggang sa makatulog
kami.

April 5,2023 - Sa umaga kami ay naglaba ng mga damit , at pagsapit ng hapon


pumunta kami sa fiesta sa San Vicente Lubao ,nasaksihan namin kung paano
napapanatili ang panata nila kahit fiesta sakanila. Sobrang napakasarap nga naman
talaga makifamyesta sa lugar ng San Vicente Lubao ,dahil hindi ka makakauwi ng hindi
busog sa pagkain na kanilang hinahain . Kaya naman pagtapos naming kumain at sa
aming pag uwi ,pagtapos kong maghilamos ay kaagad akong nakatulog sa pagod .

April 6,2023 - Nasa bahay lang kami maghapon ,at pagsapit ng alas 7 ng gabi sabay
sabay kaming kumain ng hapunan at nagkwentuhan sa mga ganap sa buhay at
nagkamustahan.
April 7,2023 - Paggising namin sa umaga ay sabay sabay kaming nag almusal ,nagluto
ang aking mama ng Carbonara ,ang almusal namin ay naging miryenda narin namin
pagdating ng hapon . Pagdating ng gabi ay nanood kami ng prusisyon ng mga santo .

April 8,2023 - Umaga hanggang hapon ay nasa bahay lang kaming lahat , abala kami
sa gawaing bahay at pagdating ng 7 o'clock ng gabi ay nagsimba kami sa araw ng
Sabado De Gloria , naganap ang misa sa labas ng simbahan at sa homilya ng pari
naipagbigay alam saatin na "Wag natin hanapin ang patay sa mga patay" ,dahil ang
diyos hindi natin makikita kasama ang mga patay ,kundi makikita natin sya sa kapwa
natin buhay na naniniwala sa kanya at buong buo ang pananampalataya sakanya
kagaya natin. Pagtapos ng misa ay agad na kaming umuwi .

April 9,2023 - Paggising namin sa umaga binantayan ko aking pamangkin ,at pagdating
ng alas 10 ng umaga kami ay pumunta sa Sta. Rita Lubao kasama ang aking ate at
papa ,kami ay pumunta sa aming pinsan , nadatnan namin silang nagluluto at nag
aayos ng handaan upang gunitain ang pangalawang pagkabuhay ng diyos , at isa rin ito
sa mga paraan nila upang gunitain ang kaarawan ng lolo ng pinsan namin dahil nasabi
nya saamin na hindi niya raw cine-celebrate ang kanyang kaarawan sa saktong araw
kundi taon taon nya raw itong cine-celebrate tuwing "Easter Sunday" ,kaya naman
nagtagal kami sa pagpunta doon , pagsapit ng ala una ng hapon ,dumiretso kami sa
Bamboo Park , namasyal kami ng kaunti at pinagmasdan ang magandang tanawin kahit
napakainit at napakaraming tao ang namamasyal . Halos 20 minutes lang kaming nasa
loob ng Bamboo Park , umuwi na kami agad dahil napakainit na ng panahon . Pagsapit
naman ng gabi ay sama sama kaming kumain at bago matulog ay nanood kami ng mga
documentary tungkol sa kasaysayan ng Israel at buhay ng Panginoon.

April 10,2023 - Monday na ,ramdam ko na yung reyalidad dahil bukas may pasok
na ,habang tinatype ko to kakagising ko lang ,nadatnan kong kumakain na sila ng
almusal ,at ang almusal nila ay ang nilutong sphagetti ni mama at ang aking ate naman
ay naglalaba at ang aking papa ay nagbabantay ng kaniyang apo . Pagtapos ko
maghilamos ay agad naman akong nag almusal at naglinis ng bahay , nagwalis at
naglampaso ng sahig . Pagtapos ko maglinis ng bahay ,ay binantayan ko naman ang
aking pamangkin at pagkatapos ay pinaliguan na ang aking pamangkin ,ako naman ay
naghugas na ng mga pinagkainan at pinakain ko aking alagang aso na sii Snow .
Pagsapit ng hapon ,sila ay natulog ,ako naman ay pumunta sa kabilang bahay upang
pakainin ang aming alagang pusa at pagtapos ay naglinis kami ng bahay at pagsapit ng
gabi ay umuwi na ako sa bahay ng aking ate at nadatnan ko silang nanonood ng tv at
kumakain ng miryenda .

You might also like