You are on page 1of 1

Pang-abay na Pamanahon

1. Sa ika-27 ng Enero ang kaarawan ng aking guro sa Filipino.


2. Sa ganap na 4:00 ng hapon ang aming barangay Christmas party.
3. Bukas pupunta ang aming bisita sa bahay.
4. Sa susunod na araw kami dadalaw sa sementeryo upang bisitahin ang aming
namayapang ina.
5. Ang Valentines Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Pebrero.
6. Sa ika-25 ng Disyembre ipinagdiriwang ang araw ng Pasko.
7. Pupunta kami ng SM sa darating na Sabado.
8. Sa susunod na linggo ang aming alis papuntang Cebu.
9. Ang Araw ng Kagitingan ay ipinagdiriwang tuwing ika-9 ng Abril.
10. Sa Huwebes ang aming Christmas party.
Pagbibigay ng Hinuha:

11. Bumuhos ang malakas na ulan kahapon. Basang basa si Juan pagdating sa
kanyang bahay. Hindi siya agad naligo at nagpalit ng bagong damit. Siya ay
nagkaroon ng ubo, sipon at lagnat noong gabing iyon. Ano kaya ang nangyari
kay Juan?
12. Papasok ng paaralan si Ana. Habang papatawid siya, may paparating na
sasakyan sa dadaanan niya, hindi nya ito napansin at dumiretso lang sa paglakad.
Ano sa palagay mo ang mangyayari kay Ana?
13. May ibinigay na takdang aralin ang guro ni Phillip. Hindi it ginawa ni Phillip at sa
halip inuna nya ang pakikipaglaro sa mga kaibigan niya. Kinabukasan,
magchecheck ang kanyang guro kung siya ay gumawa. Nakita ng kanyang guro
na walang sagot ang kanyang notebook. Ano kaya ang sumunod na nangyari?
14. May pagdiriwang sa paaralan kung saan nag-aaral sina Gina at Leo. Naatasan
silang dalawa na sumayaw ng katutubong sayaw bilang pampasiglang bilang sa
programa ng kanilang paaralan. Hindi nila ito pinaghandaan. Ano sa palagay mo
ang susunod na mangyayari?
15. Nalalapit na naman ang ikatlong markahang pagsusulit sa paaralan kung saan ka
nag-aaral. Imbes na ikaw ay nag-aaral ng mga leksyon sa bahay, inuna mo ang
paglalaro ng computer games. Sa iyong palagay, makakapasa ba o
makakakuha ba ng mataas na score ang hindi nag-aaral?

Pang-abay na Panlunan
1. Sa Rizal Park kami mamamasyal bukas.
2. Pupunta ang aming pinsan sa America para mag-aral.
3. Kami ay magbabakasyon sa Palawan ngayong tag-init.
4. Sa Mall of Asia kami manonood ng sine.
5. Ngayong Pasko, ang aming pamilya ay magbabakasyon sa probinsya.
6. Sa Room 310 nagtuturo ang aming guro sa Filipino.
7. Ang aking kapatid ay nag-aaral sa Ramon Magsaysay High School.
8. Ang pinakamalapit na bangko sa amin ay sa BDO.
9. Sa palengke kami namimili ng gulay at karne.
10. Nagpapahinga sa ospital ang aking inang may sakit.

You might also like