You are on page 1of 20

MTB 2

Magandang
Araw mga bata.
Namulat si Jenna sa isang mahirap na buhay. Nais niyang
makapag-aral
sa kolehiyo subalit hindi sapat ang kinikita ng kanyang ama
at ina sa pagsasaka sa
bukid. Sa kabila nito, hindi siya pinanghinaan ng loob.
Nagsumikap siya upang
makapagtapos ng pag-aaral. Nagtitinda siya ng pandesal sa
umaga bago
pumasok sa eskwela.
Tuwing Sabado at Linggo, tumutulong siya sa
pagtitinda ng
gulay sa palengke upang kumita ng pera.
Itinatabi niya ang kanyang kinikita
upang makaipon ng pera para sa kanyang pag-
aaral. Natupad niya ang kanyang
pangarap at ngayon ay isa na siyang ganap na
guro.
1. Sino ang pangunahing tauhan sakwento?

2. Ano ang pangarap ni Jenna?

3. Paano niya nakamit ang kanyang pangarap?


4. Sa iyong palagay, bakit ninais ni Jenna
na makatapos ng pag-aaral?
5. Anong mensahe ang nais iparating ng
kwento?
Piliin ang tamang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nawawala ang krayola na ______


ko kahapon.
A. bili B. binili C. bibilhin D.
binibili
2. Malinaw na _______sa klase si
Allan ng balita kanina.
A. ulat B. umulat C. nag-ulat
D. nag-uulat
3. ______ kami ng Festival sa darating na Linggo.
A. Nood B. Manood C. Manonood D. Nanood
4. _____ ka ba sa pagtitipon kanina?
A. Dumalo B. Dadalo C. Dalo D. Dumadalo 
5. Ang kaibigan ko ay ___________ sa harapan ng maraming
tao.
A. kanta B. kumakanta C. kumanta D. kakanta
Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o
galaw. Ito ay binubuo ng salitang
ugat at panlapi.

1. Ginawa o naganap na ang kilos – nagpapakita ng


tapos na o nangyari na ang
kilos. Ito ay ginagamitan ng panlaping um, na, nag,
nang. Nakikilala ito sa tulong
ng mga salitang tumutukoy sa panahon tulad ng
kahapon, kagabi, kanina, noon,
nakaraang buwan o araw.
Halimbawa:
Tumulong ako kagabi sa nanay ko sa mga gawaing
bahay.
Nagdasal ako bago ako kumain.

2. Ginagawa o nagaganap pa ang kilos.


- nagsasabi o nagpapakita ng kilos na
kasalukuyang nangyayari o kinagawiang aksyon. Ito ay ginagamitan ng
panlaping
um, na, nag, nang at pag-uulit sa unang pantig ng salitang ugat. Nakikilala
ito satulong ng mga salitang tumutukoy sa panahon tulad ng ngayon, at
kasalukuyan.
Halimbawa:
Nanonood ako ng tv ngayon.
Iginagalang ko ang aking guro.
Ang paru-paro ay lumilipad.

3. Gagawin o magaganap pa lamang ang kilos.


- ang kilos ay hindi pa nagaganap
at gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng panlaping ma, mag,
mang at inuulit ang unang pantig ng salitang ugat. Nakikilala ito sa
tulong ng mga salitang
tumutukoy sa panahon tulad ng bukas, mamaya, sa isang linggo, sa
isang taon.
Halimbawa:
Maglilinis kami ng bahay sa Linggo.
Si nanay ay magluluto ng adobo bukas.
Si Liza ay aalis mamayang gabi.
Salungguhitan ang mga salitang kilos sa mga sumusunod na
pangungusap at Isulat ang mga ito sa tamang hanay.

1. Nagtatanim ang mga lalaki at babae.


2. Ang mga gamit ay inilipat ni John sa kabilang
kuwarto.
3. kakausapin kita mamayang gabi.
4. Sasamahan kita sa pagsimba sa Katedral.
5. Mahusay na umawit ang pangkat sa harap ng
mga panauhin.
6. Si Ron ay tinutulungan ng kanyang
mga kamag-aral.
7. Uuwi pa lang si Marites sa kanilang
bayan.
8. Ang aso ay pinaliguan ni John.
9. Nakaupo sa ilalim ng puno si Edgar.
10. Pupunta kaba sa probinsya bukas?
Ginawa na Ginagawa pa Gagawin pa
lamang
Lagyan ng wastong anyo ng pandiwa ang
pangungusap.

(walis) 1. Siya ang ________ sa bakuran kahapon.


(tawag) 2. _________ ako mamayang gabi sa aking
ina na nasa ibang
bansa.
(nuod) 3. Kami ay ________ sa Maynila ng Parada
bukas.
(punta) 4. _________ kami sa mall
mamaya.
 
(sira) 5. Ang bahay ng kapitbhay naming
ay _____ ng malakas na bagyo.
Takdang
Aralin:
Isulat ang GN kung ang salitang kilos ay ginawa na, GP kung
ginagawa pa at GL kung gagawin pa lamang.

1. nagsuslat 6. nagtatanim
2. naglalakad 7. nagluto
3. mamamasyal 8. tumakbo
4. umiiyak 9. magwawalis
5. naglaba 10. pumasok
SALAMAT SA PAKIKINIG

PAALAM!

You might also like