You are on page 1of 2

Week 1: LEARNING STRAND I- COMMUNICATION SKILLS (FILIPINO)

TOPIC: KAHULUGAN NG PANDIWA


Isa sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan makikita sa mga pangungusap na nababasa natin ay ang pandiwa. Simula
elementarya ay itinuturo na ito sa mga mag-aaral.

Ano ang Pandiwa?


Ang pandiwa ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno ng pangungusap. Ito ay maaring kilos o galaw
ng tao, hayop, o bagay. Sa Ingles, ang katumbas ng pandiwa ay verb.

Mga Halimbawa ng Pandiwa


Ang pandiwa ay isa sa mga bahagi ng pananalita na may pinakamaraming halimbawa. Ilan sa mga ito ay ang lakad, kain, tulog,
bigay, luto, upo, takbo,
lagay, at lipat.
PANGUNGUSAP GAMIT ANG PANDIWA
1. Umalis sina Rodrigo at Nathaniel habang hindi pa umuulan.
2. Ginising ni Aling Myrna si Kakay nang maaga at inutusan itong mamili ng karne, baboy, gulay, prutas, at bigas sa palengke.
3. Kinuha ng guro ang laruan ni Victor upang making na ito sa klase.
4. Pinalipat ni G. Dominggo ng upuan si Santino upang hindi na sila mag-uusap nina Carlos at Benjamin habang nagtuturo siya.
5. Binalaan ni Dianne si Karen na huwag na huwag ng uulitin ang ginawa niya.

ASPETO NG PANDIWA
1.) Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay tapos na, o naganapn a. Ito ay
tinatawag din na panahunang pangnagdaan na aspekto ng pandiwa o aspektong katatapos. Kadalasan itong ginagamitan ng mga
salitang kahapon, kanina, noong isang taon, nakaraan at iba pa.
Mgahalimbawa ng aspektong naganap o perpektibo:

Mga halimbawa ng aspektong naganap o perpektibo:


 Naaalala ko pa ng unang beses kong makita ang Maynila.
 Kahapon ako kinasal.
 Noong 1984 nakapagtapos ng pag-aaralanaking tatay.
 Dating presidente ng Pilipinas si Marcos.

2.) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay naglalarawan ng isang kilos na lagging ginagawa o kasalukuyang
nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita na
habang, kasalukuyan, at ngayon.

Mga halimbawa ng Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan:


 Teka, kumakain pa po si mama.
 Habang ako ay naglilinis ng kwarto, si tatay naman ay naglilinis sa sala.
 Naglalaro kami ni bantay sa labas ng bahay.
 Sinamantala kong maligosa ulan habang ito ay malakas pa.

3.) Kontemplatibo o Aspetong Magaganap – Ito ay uri ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos o galaw ay hindi pa nagagawa o
nangyari. Ito ay plano pa lamang na gawin. Tinatawag itong pandiwa ng panahunang panghinaharap o aspektong magaganap pa
lamang. Ito ay ginagamit ng mga salitang tumutukoy sa panahon na darating pa lamang. Halimbawa ng mga salitang ginagamit
bago ang pandiwang ito ay sa susunod, bukas, samakalawa, pagdating ng panahon, baling araw at iba pa.

Mga halimbawa ng Kontemplatibo o Aspetong Naganapna:


 Papunta kami sa party ni Eric mamayang gabi.
 Sa darating na Sabado, walang makakapigil sakin lumangoy buong araw sa dagat.
 Balang-araw, papakasalan kita.
 Kapag dumami na ang miyembro ng ating grupo, seseryosohin na nila ang pakay natin.
 Gusto kong manirahan sa Japan sasusunod na buwan

Name: ____________________________________________________ Date: ___________________________

Week 1: Learning Strand 1 (Filipino) Topic: KAHULUGAN NG PANDIWA

PRETEST

Quiz # 1: Isulat ang mga sumusunod na pangungusap at salungguhitan ang mga salitang pandiwa.

Salilaguia, FA 1
1. Nagluto sina Georgia at Meagan ng masarap na agahan bago sila umalis papuntang pook-pasyalan.
2. Itinaas ni Jacob ang karatula noong lumabas na ang mga pasahero ng eroplano.
3. Sa pamamagitan ng tamang pagkain at ehersisyo, naabot ni Chino ang malusog at magandang hugis na katawan.
4. Ipinaghain siya ni Inay ng makakain pero hindi niya ito ginalaw.
5. Gumising si Salve ng maaga at diniligan ang mga tanim sa likod ng bahay nila.

POST TEST

Quiz # 1. Magbigay ng limang halimbawa ng pandiwa at gamitin ito sa pangungusap.

1. ___________________________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________________________________

Quiz # 2: Isulat ang mga sumusunod na mga pangungusap at tukuyin kung anong aspeto ng pandiwaang ginamit sa pangungusap.
Isulat kung ASPETONG NAGANAP, ASPETONG PANGKASALUKUYAN O ASPETONG MAGAGANAP ang
pangungusap.

_______________________ 1. Katatapos kong maglaba nang siya ay dumating.


_______________________ 2. Araw-araw na pumupunta si ama sa bukid at nagbubungkal ng lupa.
_______________________ 3. Sa makalawa ang dating ng mga turista.
_______________________ 4. Gusto kung sumali sa paligsahan ng awit sa susunod na taon.
_______________________ 5. Sa kasalukuyan, ako ay gumagawa ng aking takdang aralin.
_______________________ 6. Noong isang taon pa nag-umpisa ng magtrabaho ang aking anak.
_______________________ 7. Ang aming punong guro ang nagbigay ng parangal sa mga natatanging atleta ng aming
paaralan.
_______________________ 8. Wala si nanay nang ako ay dumating. Ayon kay ate siya daw ay namamalengke.
9. Makakabili rin ako ng magandang sasakyan pagdating ng tamang panahon.

_______________________ 10. Araw-araw na pumupunta si ama sa bukid at nagbubungkal ng lupa.

_______________________

Salilaguia, FA 2

You might also like