You are on page 1of 12

FILIPINO 6

QUARTER 2 – WEEK 5
Aspekto at Pokus ng
Unang
Araw
Laro: Charades
Mekaniks ng Laro:
Humanap ng makakaparehang kaklase. Ang isa sa bawat
pareha ay iaakto ang mga kilos na nasa papel na
mabubunot at isa sa kapareha naman ang siyang huhula
nito.Ang pinakamaraming nahula at pinakamabilis na
naitalang oras na natapos sa paghula ang siyang
tatanghaling panalo.
Ano-ano ang mga salitang ginamit
sa ating laro?
Ano ang tawag sa mga salitang
ito?
Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
kilos o galaw.
Tatlong aspekto o panahunan ng Pandiwa
1. Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo
- ito ay nagsasabi na ang kilos ay naisagawa na.
May mga salitang pagkakakilanlan ng panahunang ito, tulad
ng kahapon, noong isang Sabado,noong nakaraang buwan,
kagabi, kaninang umaga, at iba pa.
2. Pangkasalukuyan/Ginaganap /Imperpektibo . Ito ay nagsasabing ang kilos
ay hindi pa tapos at patuloy pang isinasagawa.
May mga pantulong na salita o parirala na maaaring pagkakilanlan ng
pandiwang pangkasalukuyan o ginaganap pa , iyan ang: ngayon, tuwing,
kasalukuyan o nang.
3. Panghinaharap/Gaganapin pa lamang /Kontemplatibo. Ito ay nagsasabing
hindi pa isinasagawa o nagagawa ang kilos.
May mga pantulong na salita o parirala na maaaring pagkakilanlan ng
pandiwang panghinaharap o gaganapin pa lamang, iyan ay ang mga sumusunod:
mamaya, bukas, sa Linggo, samakalawa, sa darating na Sabado, noong isang
buwan at iba pa.
Pagsasanay 1
Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang
pandiwa at isulat ang aspekto nito.
1. Nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan.
2. Lumutang sa tubig-baha ang mga plastic at iba pang basura.
3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig-ulan.
4. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan.
5. Itinutulak ng mga tao ang mga tumirik na sasakyan upang hindi
makaabala sa lansangan.
Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang pandiwa
at isulat ang aspekto nito.
6. Isinasakay sa bangka ang mga pangunahing kakailanganin ng mga tao.
7. Ang mga taong nalubog sa tubig-baha ang mga tahanan ay isinasakay sa baha.
8. Ang pamahalaang-bayan ay maghahanap ng lugar na paglilipatan sa mga taong
nasalanta ng bagyo.
9. Maghahandog ng tulong ang Red Cross sa mga biktima ng kalamidad.
10. Ang iba’t ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang makatulong sa
mga biktima.
Pag-aralan ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek kung wasto ang pagkagamit ng pandiwang
pangkasalukuyan at ekis naman kung hindi. Isulat ang wastong pandiwa kung ekis ang sagot.
________1. Nag-eehersisyo ang mga bata habang kumakanta.
________2. Ang bata ay kasalukuyang nagdilig ng halaman nang biglang umulan.
________3. Sa kasalukuyan, nagbigay ng mensahe ang aming bisita.
________4. Tumutulong ako sa gawaing bahay tuwing Sabado.
________5. Sa ngayon, ako ay nagtitipid upang makabili ng sapatos.
________6. Nakikinig ako ng balita sa radyo nang dumating si Alex.
________7. Hindi ko maririnig ang sinasabi mo dahil maingay dito.
________8. Ang mga bata ay kumuha ngayon ng pagsusulit.
________9. Matutulog siya nang ako ay dumating.
________10. Siya ay nagpapagamot ngayon sa klinika dahil masakit
ang ulo niya.
A. Suriin ang mga pandiwa ayon sa panahunan o aspekto ng mga ito. Isulat ang bawat pandiwa sa
tamang hanay.

sumasayaw umupo susunod sinasabi matutulog iinom tumatawid ginupit


hinahanap naglalaro tatakbo maghihintay nasira tumulong
nagsuklay humiga kumakain magwawalis

Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


B. Isulat sa patlang ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili
mula sa mga pandiwa na nasa talahanayan na ikinumpleto mo sa
unang pahina.
1. ______muna ako ng tubig dahil nauuhaw ako.
2. Si Jason ay _____ ng pansit canton.
3. Nagbihis at _____ng buhok si Emily.
4. Si Michael ay _____ sa silya.
5. Nawawala ang aking I.D. Kanina ko pa ito ________.
6. Nakikinig ka ba sa _____ ng guro mo?
7. ______ ako sa harap ng bahay mo bukas.
8. Ako ay ______ sa paglinis ng bahay kahapon.
9._____ ang mga tao sa tamang tawiran.
10. Nakita kong ______ sa kama si Maricel.
11. _______ na ako pagkatapos ko magsipilyo.
12. Masayang _____ ang mga bata sa palaruan.
13. ______ ni Aling Mercy ang puting tela.
14. ______ si Ate Sharina sa likod na bahay.
15. Hindi _______ si Lucas dahil napilay siya.
16. Siya ang ______ na gagamit ng telepono pagkatapos mo.
17. Ang mga bata ay ______ sa tugtugin.
18. _______ ang telebisyon kaya ipapaayos ko ito.

You might also like