You are on page 1of 10

FILIPINO 6

QUARTER 2 – WEEK 5
Pokus ng Pandiwa
Ika-Apat na
Araw
Balik-Aral:

Ano-ano ang mga pokus ng pandiwa na


ating tinalakay kahapon?
Pokus ng Pandiwa
1. Pokus sa gamit o instrumental – tumutukoy sa kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang
kilos o pandiwa na siyang paksa sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Ipinamili niya ang pera para sa eksibit.
b. Ipinamumunas niya ang lumang damit sa maalikabok na mesa.
2. Pokus sa sanhi o kawsatib – ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng
dahilan o sanhi ng kilos.
Halimbawa:
a. Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW.
b. Ikinasiya ko ang iyong mungkahi.
3. Pokus sa Direksiyon – ang paksa ay nagsasaad ng direksiyon ng kilos o pandiwa.
Halimbawa:
a. Pinuntahan nila ang Chocolate Hills.
b. Kinumusta niya ang kanyang mga magulang sa probinsiya.
Pagsasanay
Tukuyin ang paksa o pokus ng pandiwa sa pangungusap. Salungguhitan ito.
Halimbawa:Ipinagmalaki ng ama ang pagtatapos ng anak sa pag-aaral.
1. Ikinagulat ni Lola ang pagtalon ng pusa.
2. Ang programa ni Mayor ay ikinatuwa ng mga residente.
3. Ang perang nalikom ay ipinambili ng gamot.
4. Ipinambalot sa tinapa ang mga lumang diyaryo.
5. Pinuntahan ng mga turista ang bulaklakan sa Barangay Alapang.
6. Ikinatakot ng mga mamamayan ang parating na malakas na bagyo.
7. Isinakay sa helicopter ang mga relief goods para dalhin sa liblib na lugar.
8. Ang pagbagsak ng ekonomiya ay ikinalugi ng maraming kompanya.
9. Pinuntahan nila ang ilog para maligo.
10. Ang maganda niyang boses ay napasayaw ang matatanda.
Suriin ang bawat pangungusap at isulat ang pokus ng pandiwang ginamit dito. Isulat kung ito ay
pokus sa sanhi, gamit/instrumental, direksiyon.
Halimbawa: pokus sa gamit a.Pinaghaluan ng semento ang kahon sa ilalim ng bahay.
________________1. Ipinanghukay sa lupa ang lumang pala.
________________2. Kinakatakutan ng marami ang pagkalat ng sakit na COVID 19.
________________3. Ipinandilig sa halaman ang tabo.
________________4. Pinagpasyalan ng alagang aso ang bakuran ni Berta.
________________5. Ikinamatay ng mga hayop ang malawak na pagkasunog ng kagubatan.
________________6. Ipinagkabit sa bombilya ang turnilyo.
________________7. Kumain sa labas ng bahay an mag-aaral.
________________8. Ipinatulog sa duyan ang sanggol.
________________9. Pinasukan ng mga empleyado ang opisina pagkatapos ng bakasyon.
________________10. Pinuntahan ang Bayokbok Falls na isang Magandang tanawin sa Tublay ng mga mag-
aaral ng Don Pulas.
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Lapatan ng wastong pagbabanghay ng pandiwa
ayon sa pokus na hinihingi sa bawat bilang.
Halimbawa:
1. (Tuwa) Ikinatuwa ng mga nawalan ng trabaho ang ibinigay na SAP sa kanila ng DSWD
(sanhi).
1. (Putol)_______________ sa malaking punong kahoy ang itak ni Juan.(gamit)
2. (Pasyal) ______________ ng mga matatanda ang Burnham Park tuwing Linggo.
3. Ang perang malilikom sa programa ay (bili)________________ ng mga
kakailanganing gamit sa pagcontrol ng pagkalat ng virus.(gamit)
4. (Hugas)_______________ ng mga bata ang mahabang lababo malapit sa tangke ng tubig
(direksyon).
5. (Bali)_______________ ng kamay ng bata ang paglalaro ng paputok noong
Bagong Taon (sanhi).
Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Lapatan ng wastong pagbabanghay ng
pandiwa ayon sa pokus na hinihingi sa bawat bilang.
6. Sa ospital ng Baguio ang (dala)___________ sa batang naaksidente sa bakod
(direksyon).
7. (Lungkot)_______________ nila ang pangyayaring maraming nawalan ng trabaho
dahil sa COVID-19 pandemic (sanhi).
8. (Balot) _____________ sa iba’t ibang bote ang makukulay na lumang papel upang
gawing plorera o iba pang gamit (gamit).
9. (Galak) _____________ ng mga magulang ni Pedro ang pagpasa niya sa eksaming
pang-abogasya (sanhi).
10. (Tanim)______________ niya ng succulent ang mga maliliit na paso (gamit)
Piliin ang tamang pandiwa sa loob ng panaklong na bubuo sa pangungusap.
Tukuyin ang pokus nito kung ito ay gamit, sanhi o direksiyon at isulat sa patlang
bago ang bilang.
c
Halimbawa: direksyon_(Pinuntahan,Nagpunta) niya ang TV Station para sumali sa
contest ng Eat Bulaga.
________________1. (Sinulatan, Isinulat) niya ang kanyang mga magulang.
________________2. (Ipinanghukay, hinukayan) sa lupa ang kawayan.
________________3. (Pumunta, Pinuntahan) ni Mark ang hardware para mamili ng
bakal.
________________4. (Ikinasakit, Nasaktan) ng ulo ng magsasaka ang matinding
sikat ng araw.
________________5. (Diniligan, Ipinandilig) sa halaman ang timba.
Piliin ang tamang pandiwa sa loob ng panaklong na bubuo sa pangungusap. Tukuyin
ang pokus nito kung ito ay gamit, sanhi o direksiyon at isulat sa patlang bago ang
bilang.
Halimbawa: direksyon_(Pinuntahan,Nagpunta) niya ang TV Station para sumali sa contest ng
Eat Bulaga.
________________6. Ipinakain, Pinakain) niya sa mga kaibigan ang sinaing na mais.
________________7. (Ipinandikit, Pinagdikitan) sa poster ang nilutong gawgaw.
________________8. (Ikinagalak, Ikinagalakan) ng mga tao ang pulong sa barangay.
________________9. (Pinaglutuan, Ipinagluto) ni nanay ng sinigang ang bagong kaserola.
________________10. (Idinaos, Pinagdausan) ng pulong ang paaralan ng mga Kabataan

You might also like