You are on page 1of 20

6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 10
Paggamit ng Pangkalahatang
Sanggunian sa Pagtitipon
ng mga Datos na Kailangan
Filipino - Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 10: Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa
Pagtitipon ng mga Datos na Kailangan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Ma. Elena M. Villangca
May Crisette L. Magayon

Tagasuri ng Nilalaman : Romel C. Roque


Tagasuri ng Wika : Romel C. Roque
Tagasuri ng Paglapat : Romel C. Roque
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 10
Paggamit ng Pangkalahatang
Sanggunian sa Pagtitipon
ng mga Datos na Kailangan
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat upang gabayan at tulungan kang unawain

ang mga araling tinatalakay sa Filipino 6.

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa paggamit ng

pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na kailangan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• nakikilala ang mga pangkalahatang sanggunian na ginagamit sa

pagtitipon ng mga datos na kailangan;

• natutukoy ang gamit ng bawat sanggunian; at

• nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga

datos na kailangan.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung alin sa mga pamagat ng aklat
na nasa loob ng kahon ang angkop na basahin sa pagsasangguni. Isulat
lamang ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. Bibliya f. Mga Anekdota tungkol kay


b. Direktoryo ng Telepono Dr. Jose Rizal
c. Kasaysayan ng Pilipinas g. Mga Halamang Gamot sa
d. Kalipunan ng mga Alamat at Pilipinas
Kuwentong-bayan h. Mga Katutubong Sayaw sa
e. Madaling Paraan sa Pagtuturo Pilipinas
ng Filipino i. Mga Lutuing Pilipino
j. Pahayagan

_____1. Nais ng iyong pinsan sa Canada na matuto ng tinikling, isang katutubong


sayaw sa Pilipinas.
_____2. Inuubo ang anak na sanggol ng iyong kapatid ngunit wala kayong
pampagamot kaya ipinaghanda siya ng iyong nanay ng oregano upang
ipainom.
_____3. Tatawag ka sa iyong tatay sa Saudi ngunit hindi mo alam ang country
code.
_____4. Nais mong malaman ang kalagayan ng distance learning sa iba’t ibang
lugar.
_____5. Gustong kumain ng inyong panauhin ng kalderetang baboy subalit hindi
mo alam kung paano ito lutuin.
_____6. May kaibigang Hapones ang iyong tatay at magbabakasyon siya sa
Pilipinas. Nais niyang matutuhan ang wikang Filipino.
_____7. Nais ng iyong guro na paghambingin ang pananahi noong unang panahon
at sa kasalukuyan.
_____8. Ipinaalala ng guro na pag-aralan ang parabula tungkol sa huling hapunan
ni Hesus at ng Kaniyang mga alagad.
_____9. Pinaghahanda kayo ng inyong guro tungkol sa alamat na tatalakayin sa
online class, ang Alamat ng Pinya.
____10. May ibinigay na proyekto ang inyong guro na pagsulat ng maikling
sanaysay tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani.

2
Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung saan ito may
kaugnayan sa mga pamimilian sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa loob ng kahon.

a. balitang pang-isport c. liham sa editor


b. iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo d. ulat

1. Dumarami na ang tinamaan ng COVID-19 sa ating bansa ayon sa


Kagawaran ng Kalusugan kaya pinag-iingat ang lahat.
2. Nagwagi sa softball ang koponan ng Paaralang Sentral ng San Rafael
laban sa kanilang katunggali.
3. Mula sa himpilan ng DZRH, narito ang pinakabagong ulat tungkol sa mga
nawalan ng bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
4. Inimbitahan ang pangulo sa isang panayam tungkol sa mga suliranin ng
bansa at paunang solusyon sa mga ito.
5. Ayon sa pahayagang Philippine Star, may namumuong bagyo na
paparating sa ating bansa. Ito ay inaasahang magdudulot ng malaking
pinsala kaya pinaghahanda ang lahat.
6. Isang manunulat si Ruben at nais niyang ibahagi ang mga nangyayari sa
isang ahensya ng pamahalaan. Nalulungkot man siya sa mga pangyayari,
pinilit pa rin niyang sumulat ng balanseng balita.
7. May nabasa kang makabuluhang paksa sa pahayagan at dahil dito ay
naisip mong isulat ang iyong opinyon at ipadala ito sa patnugot.
8. Hindi pa rin mapagdesisyunan ng pambansang kamao kung siya ba ay
magpapatuloy o hihinto na sa larangan ng boksing.
9. Kahit panahon na ng tag-araw, nakararanas pa rin ng pag-ulan dahil sa
hanging amihan.
10. May proyektong ibinigay ang guro tungkol sa pangangalap ng mga
napapanahong balita. Bahagi ng gawain ang pagsusulat ng petsa kung
kailan nailathala ang mga balitang iyong nakalap.

3
Tuklasin

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Tukuyin kung alin ang inilalarawan sa bawat
bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Mababasa rito ang kuwento tungkol sa pagong at matsing.


_____2. Makikita rito ang kinaroroonan ng Pilipinas.
_____3. Ito ay may mga guhit latitud at longhitud.
_____4. May mga tekstong pangkasuotan at pampaganda ang sangguniang ito.
_____5. Gamit ito ay maaaring mapanood ang mga aralin sa iba’t ibang
asignatura.
_____6. Makukuha rito ang kahulugan at wastong baybay ng mga salita.
_____7. Makikita rito ang anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang
lugar.
_____8. Matatagpuan dito ang artikulo tungkol sa pinagmulan ng mga unang tao
sa mundo.
_____9. Mahahalaga at makabagong impormasyon tungkol sa pangyayari sa iba’t
ibang bansa ang nilalaman nito.
____10. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga pangyayaring nagaganap
sa iba’t ibang lugar sa loob at labas ng bansa araw-araw.

4
Suriin

Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian


sa Pagtitipon ng mga Datos na Kailangan

Mahalagang linangin ang kasanayan sa pagbabasa. Higit na nadaragdagan ang


ating kaalaman sa tuwing tayo ay nagbabasa. Makatutulong nang malaki ang
paggamit ng pangkalahatang sanggunian upang makakuha tayo ng mga datos na
ating kailangan. Ating pag-aralan ang mga pangkalahatang sanggunian.

1. Almanac

Ito ang aklat na nagtataglay ng pinakabagong


impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan,
pangyayari sa iba’t ibang bansa, palakasan, relihiyon,
politika at iba pa.

Halimbawa ng impormasyon mula rito:


- Joe Biden, bagong pangulo ng Amerika
- Ang katas ng oregano ay mabisang gamot sa ubo o sipon
ng mga sanggol.

2. Atlas
Ito ay binubuo ng mga mapang nagpapakita ng lawak,
distansiya at lokasyon ng iba’t ibang lugar. Ipinakikita rito
ang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa
isang lugar. Ito ay nakaayos ayon sa pagkakahating
politikal, rehiyon at estado ng mga lugar.

Halimbawa ng impormasyon mula rito:


- Ang Pilipinas ay matatagpuan sa timog-silangang Asya.

5
3. Diksyonaryo
Ito ay sanggunian na pinagkukuhanan ng kahulugan ng
salita. Makikita rin dito ang wastong baybay, pagpapantig at
maging ang bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita.
Nakaayos nang paalpabeto ang mga salita sa diksyonaryo.

Halimbawa ng impormasyon mula rito:


- Kahulugan ng salitang marikit: maganda
- Kahulugan ng salitang masinop: maayos

4. Encyclopedia
Ang encyclopedia ay binubuo ng mga aklat na
naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang
paksa. Makikita rin dito ang mga artikulo tungkol sa
katotohanan ng isang bagay, tao, pook o pangyayari. Ito ay
may mga bolyum o bilang na kumakatawan sa nilalaman ng
bawat aklat.

Halimbawa:
- Collier’s Encyclopedia, World Book Encyclopedia
- Sa bolyum 7, makikita ang impormasyon tungkol sa mga
bulkan.
5. Globo
Ito ay isang bilog na modelo o replika ng mundo. Ito ay
nagtataglay ng mga guhit o linyang patayo at pahalang.
Ang mga guhit na ito ay likhang isip lamang at ginawa
upang matukoy ang lokasyon sa mundo ng bawat bansa
gayundin ang mga anyong lupa, anyong tubig at iba pa.

Halimbawa ng impormasyon mula rito:


- Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng mga guhit
hilagang latitud na 4° at 23° at sa mga guhit silangang
longhitud na 116° hanggang 127°.
6. Internet
Ito ay isang teknolohiyang maaaring pagkuhanan ng
maraming kaalaman sa tulong ng network ng mga
kompyuter, tablet o piling telepono sa buong mundo. Sa
pamamagitan nito, mabilis ang pagkalap ng mga bagong
impormasyon.

Halimbawa ng impormasyon mula rito:


- Mabilis na pagkuha ng bilang ng mga pamilyang
naapektuhan ng COVID-19.

6
7. Mapa
Ang mapa ay isang patag na paglalarawan ng mundo.
Ito ay palapad na ilustrasyon ng mundo at mga bahagi nito.
Tumutulong ito upang matukoy ang kinalalagyan ng mga
bansa, kalupaan at katubigan sa mundo.

Halimbawa ng impormasyon mula rito:


- Makikita sa mapa ang kabuuang sukat ng Pilipinas na
may 30,000,000 ektarya o 300,000 kilometro
kuwadrado.

8. Peryodiko
Ang peryodiko ay naglalaman ng balita, impormasyon
at mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. Ito ay
karaniwang inililimbag araw-araw.

Halimbawa ng impormasyon mula rito:


- Mababasa rito ang balita tungkol sa pinakabagong
impormasyon sa bakuna laban sa COVID-19.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang sangguniang maaaring gamitin upang
alamin ang sumusunod na impormasyon. Maaaring maulit ang sagot. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.

Almanac Atlas Diksyonaryo Encyclopedia


Globo Internet Mapa Peryodiko

__________ 1. Kahulugan ng salitang “sawikain”


__________ 2. Detalyado at makatotohanang impormasyon sa pinakamataas na
bundok sa buong mundo
__________ 3. Pinakabagong tuklas na gamot
__________ 4. Paghahanap sa bansang Pilipinas
__________ 5. Pinakabagong balita araw-araw
__________ 6. Wastong bigkas ng mga salita
__________ 7. Karatig-bansa ng Israel
__________ 8. Kultura ng Espanya
__________ 9. Mabilis na pagpaparating ng impormasyon sa iba’t ibang bansa
_________ 10. Kinalalagyan ng bansa sa timog-silangang Asya
7
Gawain 2
Panuto: Isulat sa loob ng mga kahon ang sangguniang inilalarawan sa bawat bilang.
Maaaring maulit ang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. - isang maliit na replika ng mundo

2. - pinagkukuhanan ng kahulugan ng salita

3. - palapad na ilustrasyon ng mundo

4. - nagbibigay ng datos gamit ang kompyuter

5. - nakaayos ayon sa politika, rehiyon o estado

6. - nagbibigay ng impormasyon sa isports

7. - mga artikulo tungkol sa katotohanan

8. - patalastas tungkol sa isang produkto

9. - nakaayos ang mga salita nang paalpabeto

10. - nagtataglay ng mga impormasyon tungkol


sa pinakaepektibong halamang gamot

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga kahulugang halaw sa diksyonaryo.
Tukuyin ang angkop na kahulugan ng salitang “papel” ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat lamang ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

Papel

a. pangngalan: isang bagay na yari sa dayami, kahoy o iba pang mahimaymay na


kagamitan; karaniwa’y manipis na pilyego na sinusulatan o pinaglilimbagan,
ipinambabalot, ipinampapalamuti at iba pa
b. ang bahaging isinasagawa ng isang gumanap sa dula o iba pang palabas na
itinatanghal sa madla
c. idyoma: basa ang papel - hindi pinagkakatiwalaan, sira na ang kredito
d. idyoma: malaki ang papel – pinagkakatiwalaan, may malaking kaugnayan o
impluwensiya

8
_____1. Masipag ang kahera kaya malaki ang papel niya sa kaniyang amo. Siya
ay madalas pagkatiwalaan lalo na sa mabibigat na gawain.
_____2. Ito naman ay napatutunayan dahil mahirap ang papel niya sa kaniyang
trabaho.
_____3. Noong una ay basa ang kaniyang papel sa kaniyang amo. Hindi pa niya
nauunawaan ang kaniyang gawain subalit dahil sa kaniyang pagsisikap,
madali niya itong natutuhan.
_____4. Sa simula, kahit sa kaniyang mga kasamahan ay maliit ang kaniyang
papel ngunit hindi ito naging balakid upang siya ay panghinaan ng loob.
_____5. Magiging maayos din ang papel ng kaniyang iba pang kasamahan sa
trabaho sapagkat pinagbubutihan nila ang kanilang gawain.
_____6. Isang matandang babae ang mahusay niyang ginampanan sa nakaraan
nilang dula-dulaan.
_____7. Anumang papel ang ibigay sa kaniya sa trabaho ay nagagampanan niya
nang buong husay.
_____8. Ipinagbilin ng guro na iwasang mabasa ang papel upang sa gayon ay
hindi ito magdikit-dikit.
_____9. Ang papyrus ay sinaunang papel na ginamit noon sa paglilimbag.
_____10. Gumamit sila ng makukulay na papel sa paggawa ng kanilang proyekto.

Isaisip
Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Ano ang iyong natutuhan? Gaano ito kahalaga?

Panuto: Buoin ang talata sa pamamagitan ng pagsulat ng kahalagahan ng paggamit


ng pangkalahatang sanggunian. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mahalagang matutuhan ang paggamit ng pangkalahatang sanggunian sapagkat


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

9
Isagawa

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Sumulat ng maikling sanaysay na


tumatalakay sa ibinigay na paksa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kinumusta kayo ng inyong gurong tagapayo sa pamamaraang online. Layunin


niya na malaman ang inyong kalagayan sa ipinatutupad na blended learning
ngayong may pandemya. Bukod sa pangungumusta sa inyong mga aralin,
itinanong din niya kung paano ninyo napananatiling malakas at malusog ang inyong
pangangatawan.

Kaunti na lamang ang nalalabing oras ng inyong online kumustahan kaya


inatasan kayo ng inyong guro na sumulat ng isang maikling sanaysay na binubuo
ng lima hanggang sampung pangungusap tungkol dito.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay

Gabay sa Pagmamarka Opo Katamtaman Hindi po


(3) (2) (1)

1. Makabuluhan ba ang sanaysay na


isinulat?
2. Magkakaugnay ba ang mga
pangungusap?
3. May kaisahan ba ang mga ito sa
paksa?
4. Kumpleto ba ang mga impormasyong
inilahad?
5. Nailahad ba ang kaisipang nais
ipahayag?

10
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Sabihin kung aling sanggunian
ang angkop na gamitin sa bawat datos na kinakailangan. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

___ 1. Nais ng iyong guro na magsaliksik ka tungkol sa pinakamalawak ng anyong


tubig sa buong mundo.
a. Almanac
b. Atlas
c. Encyclopedia
d. Internet

___ 2. Si Mon ay mahilig sa pagbabasa tungkol sa kinalalagyan ng mga lugar sa


bansa. Nais niyang malaman kung gaano kalayo ang Maynila sa Boracay.
a. Almanac
b. Atlas
c. Diksyonaryo
d. Globo

___ 3. Nahihirapan kang basahin ang isang salita sa inyong aralin sa asignaturang
Ingles. Nais mong malaman ang wastong bigkas nito.
a. Almanac
b. Diksyonaryo
c. Encyclopedia
d. Internet

___ 4. May takdang-aralin ka sa Araling Panlipunan tungkol sa hugis at anyo ng


mapa ng Palawan. Ibig mong makatiyak sa impormasyong ilalagay mo sa
iyong takdang-aralin.
a. Almanac
b. Atlas
c. Globo
d. Mapa

___ 5. Nais mong malaman ang mga naganap noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig kaya’t ikaw ay magbabalik-tanaw tungkol dito.
a. Almanac
b. Atlas
c. Diksyonaryo
d. Encyclopedia

11
___ 6. Bukod sa Rehiyon 3, nais mo ring mabatid ang kultura at paniniwala ng mga
Muslim.
a. Almanac
b. Atlas
c. Encyclopedia
d. Mapa

___ 7. Si Grace ay mahilig magsaliksik. Nais niyang malaman kung ano-anong


bansa ang malapit sa ekwador.
a. Atlas
b. Encyclopedia
c. Globo
d. Mapa

___ 8. Araw-araw ay nalalaman mo ang mga pangyayari ukol sa kalagayan at


estado ng COVID-19 sa ating bansa.
a. Diksyonaryo
b. Encyclopedia
c. Globo
d. Peryodiko

___ 9. Napukaw ang pansin ni Linda sa ganda ng pelikulang Titanic. Ninais niyang
balikan ang tunay na pangyayari tungkol dito noong taong 1912.
a. Atlas
b. Encyclopedia
c. Internet
d. Peryodiko

___10. Sa panahon ngayon na hindi maaari ang face-to-face na klase, malaking


tulong ang teknolohiyang ito sa agaran at malawakang pagpapalaganap ng
impormasyon.
a. Atlas
b. Diksyonaryo
c. Internet
d. Peryodiko

12
Karagdagang Gawain
Panuto:
A. Panuto: Gamit ang diksyonaryo, hanapin at isulat ang kahulugan ng sumusunod
na salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. alpabeto : ______________________________________________
2. kawilihan : ______________________________________________
3. impormasyon : ______________________________________________
4. lokasyon : ______________________________________________
5. replika : ______________________________________________

B. Panuto: Sumulat ng maikling talata tungkol sa mabubuting naidudulot ng


paggamit ng pangkalahatang sanggunian. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Rubriks sa Pagsulat ng Talata

Gabay sa Pagmamarka Opo Katamtaman Hindi po


(3) (2) (1)

1. Makabuluhan ba ang talatang isinulat?


2. Magkakaugnay ba ang mga pangungusap?
3. May kaisahan ba ang mga ito sa paksa?
4. Kumpleto ba ang mga impormasyong
inilahad?
5. Nailahad ba ang kaisipang nais ipahayag?

13
14
Subukin Pagyamanin (Gawain 1) Isaisip
1. h 1. Diksyonaryo May kani-kaniyang
2. g 2. Atlas sagot ang mga bata.
3. b 3. Encyclopedia
4. j 4. Mapa
5. i 5. Peryodiko Isagawa
6. e 6. Diksyonaryo May kani-kaniyang
7. c 7. Atlas sagot ang mga bata.
8. a 8. Almanac
9. d 9. Internet
10. f 10. Globo
Balikan Pagyamanin (Gawain 2) Tayahin
1. d 1. Globo 1. a
2. a 2. Diksyunaryo 2. b
3. b 3. Mapa 3. b
4. d 4. Internet 4. d
5. d 5. Atlas 5. d
6. c 6. Almanac 6. a
7. c 7. Encyclopedia 7. d
8. a 8. Peryodiko 8. d
9. d 9. Diksyonaryo 9. b
10. c 10. Encyclopedia 10. c
Tuklasin Pagyamanin (Gawain 3) Karagdagang
1. b 1. d Gawain
2. i 2. d May kani-kaniyang
3. f 3. c sagot ang mga bata.
4. h 4. c
5. g 5. d
6. d 6. b
7. c 7. d
8. e 8. a
9. a 9. a
10. j 10. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Austria, Soledad M., Legaspi, Ruth L. & Lalunio, Lydia P. Bagong Filipino Tungo sa
Globalisasyon 5. Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc. 2014.

Baisa, Ailene G. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 6, Ikalawang Edisyon.


Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc. 2018.

Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa 6, Binagong Edisyon. Quezon City, Philippines:


EduResources Publishing, Inc. 2011.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies (MELCs) PDF File.


Filipino 6, 168. 2020.

Gugol, Ma. Victoria A., Salangsang, Sheila M., Tolosa, Marites L., Villafuerte,
Patrocinio V. & Lalunio, Lydia P. Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon 6.
Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc. 2014.

Lalunio, Lydia P., Ril, Francisca G. & Villafuerte, Patrocinio V. Hiyas sa Pagbasa
Batayang Aklat sa Filipino 5. Quezon City, Philippines: LG&M Corporation. 1999.

Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika 6, Binagong Edisyon. Quezon City, Philippines:


EduResources Publishing, Inc. 2011.

Marasigan, Emily V., Tesalona, Louie C. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 6:
Wika at Pagbasa para sa Elementarya. Quezon City, Philippines: Phoenix
Publishing House, Inc. 2017.

Patena, Arlene R. & Dimalanta, Merlita R. Komunikasyon 5, Binagong Edisyon.


Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc. 2011.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

16

You might also like