You are on page 1of 4

I. A. Tukuyin kung OPINYON o KATOTOHANAN ang pahayag.

_____________1. Ayon sa pag-aaral, ang bulldog, chihuahua, at labrador ay mga uri

ng aso.

_____________2. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.

_____________3. Para sa akin, ang chihuahua ang pinakamagandang alaga.

_____________4. Ayon sa isang beterinaryo, Ang karaniwang haba ng buhay ng isang

aso ay nasa 10 hanggang 14 na taon.

_____________5. Sa aking palagay mas mananalo muli si Manny Pacquio

_____________6. Mas malambing ang mga pusa kaysa sa mga aso.

_____________7. Ang mamahal ng mga pagkain ng pusa!

_____________8. Talagang mahirap alagaan ang mga aso.

_____________9. Batay kay Melanie ang kanyang kapatid ay tatlong taon na.

_____________10. Ang mga aso ay dapat bilhan ng mga damit at sapatos.

_____________11. Ang mga pusa ay carnivores.

_____________12. Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na pagkain.

_____________13. Ang mundo ang pangatlong planetang malapit sa araw.

_____________14. Maganda raw ang Bulkang Taal ayon kay Maxene.

_____________15. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, napatunayan na si Lucas ay

may sala.
_____________16. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay pula kaysa sa

dilaw..

_____________17. Sinabi ni Angel na mainit sa Baguio ngayon.

_____________18. Ang scientific name ng aso ay Canis familiaris.

_____________19. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.

_____________20. Sa ganang akin, mas mabuting magsabi ka nang totoo kaysa

makulong ka sa konsensya.

B. Bumuo ng Katotohanan gamit ang mga salita.

1. Ayon kay –
_______________________________________________________________________
2. Batay sa –
______________________________________________________________________
3. Ayon sa –
______________________________________________________________________
4. Mababasa sa –
_______________________________________________________________________

C. Bumuo ng Opinyon gamit ang mga salita.


1. Para kay –
_______________________________________________________________________
2. Sa palagay ko –
______________________________________________________________________
3. Kung ako tatanungin –
______________________________________________________________________
4. Sinabi –
_______________________________________________________________________
II. PAGBASA (Maikling Kwento)

ANG BATANG MAIKLI ANG ISANG PAA

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at
nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay
na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw
magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.

Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng
panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya.
Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon
siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang kalagayan
nang maluwag sa loob niya.

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang


instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng
piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa
musika. Maraming mga guro sa musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging
estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista.


Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon.
Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya
tinutukso ngayon. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay
nagkakagusto sa kanyang pambihirang kakayahan sa pagtugtog.

https://pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-pangarap/#Ang-Batang-Maikli-ang-Isang-Paa
A. Pagsunod-sunurin ang Pangyayari . 1-6

_________Tumutugtog si Mutya sa maraming bansa katulad sa America at Espanya.

_________Tinutukso siya ng kaniyang kapwa mga bata at sinasabing isa siyang pilantod.

_________Isinilang si Mutyang may maliit at malambot na mga paa.

_________Hindi umiiyak sa panunukso si Mutya dahil pinalaki siyang madasalin ng kaniyang

mga magulang.

_________Dahil sa kaniyang pagiging mahusay sa pagtugtog ay hindi na siya tinutukso bagkus

ay hinahangaan ng marami.

_________Pinag-aral siya ng kaniyang ina sa pagtugtog ng piyano at natuklasan niyang kulang

man siya sa paa ay matalino naman siya sa musika.

B. Iguhit sa loob ng kahon ang pinakanagustuhan mong pangyayari sa kwento at Isulat ang
paliwanag sa katabi nito.

Paliwanag:
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

C. Iguhit ang aral na nakuha sa kwento at ipaliwanag sa katabi nito.

Paliwanag:
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

You might also like