You are on page 1of 4

Second Periodical Examination

In
DARAYO 10
(Grade 10C)

Name: _________________________________ Date: _______________Score:


____________
Gr. & Section: _______________________ Teacher: Joseph D.
Ong

PANUTO I. Isulat sa patlang ang tamang kasagutan.

Ginang Forestier Parsa Melodrama Trahedya Komedya Dula Ang kuwintas


Frollo Estados Unidos Sanaysay Suring-basa Nobela La Esmeralda
Quasimodo
Santakrusan Anapora Kuwintas Martin Luther King, Jr Pransiya
_______________1. Ito ay may malungkot na sangkap datapwat nagwawakas ng kasiya-siya at masaya.
_______________2. Isang mahabang naratibo, karaniwang tuluyan na naglalarawan ng mga kinathang
tauhan at bungang-isip na pangyayari na nasa anyo ng pagkakasunod-sunod ng
salaysay.
_______________3. Ito ang bagay na hiniram ni Matilda kay Ginang Loisel.
_______________4. Ito ay mga reperensiya na kalimitan ay mga panghalip na makikita o nakaposisyon
sa hulihan ng pangungusap.
_______________5. Ito ay mga reperensiya na kalimitang mga panghalip na makikita o matatapuan sa
unahan ng pangungusap.
_______________6. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris.
_______________7. Siya ang babaeng inibig ng kuba sa Notre Dame.
_______________8. Ito ang kwento na isinulat ni Guy de Maupessant.
_______________9. Isang maikling pamumunang pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o
palagay ng susulat tungkol sa akda.
_______________10. May pinakakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa dahil malayo ito sa
damdamin ng mga tao.
_______________11. Dito nagmula ang sanaysay na “Mayroon Akong Pangarap”.
_______________12. Isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
_______________13. May masayang paksa ang dulang ito.
_______________14. Ang pangunahing tauhan ay humahantong sa kapahamakan.
_______________15. Siya ang may akda ng “Mayroon Akong Pangarap”.
_______________16. Ito ay nagpapatawa sa pamamagitan ng kawili-wili at katawa-tawang bukambibig.
_______________17. Siya ang matalik na kaibigan ni Ginang Loisel na may ari ng nawawalang
kuwintas.
_______________18. Isang dulang panlansangan at kaugaliang Pilipino na idinaraos tuwing Mayo.
_______________19. Siya ang pari na inihulog ni Quasimodo sa tore.
_______________20. Ito ay pangatlo sa pinakamalaking bansa sa kanlurang Europa at European Union.
PANUTO II. Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Kamera

ni Roselyn T. Salum

Sa harap ng marami
matamis akong ngumiti
kahit problema’y sapin – sapin
pakikita kong wala parin.
Gusto ko nang humiyaw
sa director “cut” ang sigaw
Subalit di naman maaari
di nila dapat makitang akoy namimighati.
Kaya, Kamera, paningin mo’y itutok sa akin
Lambingin ang lungkot at natatakot kong damdamin
Inspirasyong larawan dapat makita sa akin
mabuting kaluluwa, sa Diyos may pangilin.

1. Gaano kahalaga ang social media sa kasalukuyan?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bakit kaya may mga taong itinatago ang sariling damdamin sa harap ng ibang tao?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng may – akda kung bakit niya iyon isinulat?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Anong damdamin ang namamayani sa may-akda batay sa kanyang tula?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

PANUTO III. Isulat sa patlang ang kahulugan ng matatalinhagang pananalita.


1. anak pawis = _____________________ 11. Kidlat sa bilis = _________________
2. dalawa ang bibig = _____________________ 12. Kusang palo = __________________
3. mahapdi ang bituka = _____________________ 13. Kumukulo ang dugo =__________________
4. makapal ang bulsa = _____________________ 14. Isulat sa tubig =__________________
5. butas ang bulsa = _____________________ 15. Malakas ang loob =__________________
6. mabilis ang kamay = _____________________ 16. Namuti ang mata =__________________
7. malikot ang kamay = _____________________ 17. Ningas – kugon =__________________
8. balitang kutsero = _____________________ 18. Makati ang paa =__________________
9. agaw buhay = ______________________ 19. Saling pusa =__________________
10. alilang kanin = ______________________ 20. Lumaki ang ulo =__________________
PANUTO IV. Salungguhitan sa loob ng pangungusap ang pandiwang ginamit.
Pagkatapos ay isulat sa patlang kung anong pokus ito ng pandiwa.
Isulat ang PP kung pokus sa pinaglalaanan o PK kung pokus sa kagamitan.

______ 1. Iginawa niya ng miryenda ang kanyang mga bisita.


______ 2. Ipinansalok niya ang tabo sab aha.
______ 3. Ang kanyang tagahanga ay kinantahan niya.
______ 4. Ang gitara ang ipinantugtog niya para sa saliw ng musikang nais niya.
______ 5. Ipinanggatong niya ang kahoy na nakita niya sa gubat.
______ 6. Ang mamamayan ay binigyan niya ng libreng gulay.
______ 7. Ipinansulat niya ang lapis na mahaba.
______ 8. Sinayawan niya ang mga bisita sa kanyang kaarawan.
______ 9. Ipinanregalo niya ang damit na binigay ng kanyang kaibigan.
______ 10. Ibinili ni Manny ng manika ang kanyang anak.

Panuto V. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salita sa hanay A. hanapin sahanay B ang sagot.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

A B
________ 1. Katha A. lugar
________ 2. Bitbit B. dala
________ 3. Dalaga C. kasuotan
________ 4. Gitna D. karamdaman
________ 5. Pwesto E. kaklase
________ 6. Masigla F. makupad
________ 7. Damit G. maliksi
________ 8. Totoo H. matangkad
________ 9. Sakit I. masaya
________ 10. Wika J. tunay
________ 11. Kamag - aral K. salita
________ 12. Ari-arian L. likha
________ 13. Mabagal M. binibini
________ 14. Lipulin N. pagitan
________ 15. Mabilis O. kayamanan
________ 16. Mataas P. puksain
________ 17. Bilanggo Q. maganda
________ 18. Marikit R. kalsada
________ 19. Kalye S. presyo
________ 20. Iniirog T. minamahal

You might also like