You are on page 1of 2

Summative Examination

in
DARAYO 9
(Grade 9C)

Name: _________________________________ Date: _______________Score: ____________


Gr. & Section: _______________________ Teacher: Joseph D. Ong

PANUTO I. Isulat sa patlang ang tamang kasagutan.


_______________1. Siya ang tinaguriang ama ng mga sinaunang pabula.
_______________2. Ito ang napakabantog na aklat mula sa Gresya.
_______________3. Isang maikling kwento na kathang isip lamang.
_______________4. Isa sa halimbawa ng itinuturong aral sa pabula.
_______________5. Ito ang pangunahing tauhan sa kwentong pabula.
_______________6. Anong hayop ang tinaguriang makupad sa kwentong pabula.

_______________7. Anong hayop ang tinaguriang matiyaga sa kwentong pabula.

_______________8. Anong hayop ang tinaguriang matapat sa kwentong pabula.

_______________9. Anong hayop ang tinaguriang mayabang sa kwentong pabula.

_______________10. Anong hayop ang tinaguriang taksil sa kwentong pabula.

_______________11. Ito ay tinatawag na malapandiwa dahil ginagamit ito na pantulong sa

pandiwang nasa panaganong pawatas.

_______________12. Siya ang nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itinapon sa dagat

dahil sa pagkakasalang kanyang ginawa.

_______________13. Ito ang pursyento ng populasyon ng kababaihan sa mundo.

_______________14. Sa nakalipas na 50 taon, maituturing ang mga kababaihan sa ganitong uri.

_______________15. Siya ang may akda ng “Ang kababaihan ng Taiwan.

_______________16. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa.

_______________17. Uri ng Sanaysay na parang nakikipag usap, mainit, o kung minsan ay garapal.

_______________18. Ito ang pangalawang pinakamalaking bansa sa Asya kasunod ng Rusya.

_______________19. Ito ang bilang ng klima na mayroon ang bansang Tsina

_______________20. Siya ang pangunahing tauhan sa kwentong “ Niyebeng Itim”.


PANUTO II. Bilugan ang mga Pangatnig na ginamit sa liriko ng awit.
“Masdan mo ang Kapaligiran”

Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?


Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin

Hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating ngunit masdan mo ang tubig sa
dagat dati'y kulay asul ngayo'y naging itim ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na
nating paabutin upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin sa langit natin matitikman

Mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan gitara ko ay aking dadalhin upang sa
ulap na lang tayo magkantahan

Mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman? may mga puno pa kaya silang
aakyatin may mga ilog pa kayang lalanguyan?

Bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran hindi na masama ang pag-unlad kung hindi
nakakasira ng kalikasan darating ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan masdan mo
ang mga punong dati ay kay tatag ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa diyos kahit nong ika'y wala pa ingatan natin at 'wag
nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi, tayo'y mawawala na.

PANUTO III. Palawakin ang pangungusap sa pamamagitan ng Panuring bilang Pampalawak.


Isulat ang sagot sa ilalim ng bawat pangungusap. (20 puntos)
1. Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.

2.Maagang umalis ng paaralan ang gaming guro.

3.Kinuha ng matanda ang kanyang pera kanina.

4.Lumuwas ng Maynila ang mga mag-aaral.

5.Lumahok sa palaro ang mga batang marunong sa klase.

6.Naglakad ang mga estudyante patungo sa paaralan.

7.Kaunti lamang ang nagsimba noong araw ng Linggo.

8.Binenta ni Anna ang kanyang lumang lamesa para makabili ng bago.

9.Iniwan ni Juan ang kanyang pinamili sa palengke.

10.Dadaan ng bangko ang kanyang ina.

You might also like