You are on page 1of 16

6

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbuo ng mga Bagong Salita
Ikatlong Markahan – Ikaapat na Linggo
FILIPINO – Ikaanim na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagbuo ng mga Bagong Salita
Ikatlong Markahan – Ikaapat na Linggo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


Sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Raffy B. De Jesus


Editor: Jennifer A. Abundo
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Paul Regidor L. Almare III
Albin Lee A. Arabe
Tagaguhit: Lyndon Bill A. Dorde
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagbuo ng mga Bagong Salita

Panimula

Sa araw-araw nating pakikipagtalastasan, gumagamit tayo ng mga


pananalita na ginagamitan ng mga panlapi, kataga, letra, at salitang-ugat.
Kadalasan nakabubuo tayo ng mga bagong salita gamit ang mga panlapi at salitang-
ugat. Sa pinagsamang panlapi at salitang-ugat, makabubuo ka ng bagong salita
gayundin ang kahulugan nito. Sa talakayan na ito, higit kang makabubuo ng bagong
salita at higit mong mapauunlad ang iyong kakayahan sa pakikipagtalastasan.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.


(F6PT-IIIj-15)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy ng mga bagong salita na ginamitan ng panlapi at salitang-


ugat;
2. nakapagbibigay ng mga bagong salita na ginamitan ng panlapi at
salitang- ugat; at
3. nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.

1|Pahina
Balik Aral

Sagutin mo ang ilang pagsasanay ukol sa tamang gamit ng pang-angkop at


pangatnig. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Panuto: Isulat sa patlang ang pang-angkop na na at -ng upang mabuo ang


pangungusap.

1. Lumikas patungo ____ evacuation center ang aming mag-anak upang


makaiwas sa pagbaha.
2. Dinala namin ang ilan sa aming mahahalaga ____ gamit sa paglikas.
3. Kumuha rin kami ng pagkain, malinis ____ tubig at ilang piraso ng damit.
4. Nanatili ____ ligtas ang lahat nang humupa ang pagbaha sa aming lugar.
5. Nakauwi ____ maayos ang lahat ng bakwit pabalik sa kanilang mga tahanan.

B. Panuto: Lagyan ng angkop na pangatnig ang mga pangugusap upang mabuo


ang diwa ng pangugusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang mabubuong
pangungusap.

1. Hinihikayat ang lahat na mag ehersisyo. Lumakas ang ating resistensya.


2. Makaiiwas tayo sa sakit na COVID-19. Lahat tayo ay susunod sa
alintutuning ipinatutupad ng pamahalaan.
3. Nag-iipon ng pera si Jade. Bibili siya ng bagong cellphone.
4. Sasama si Edriel sa Olongapo. Nakaipon siya ng pera.
5. Nag-aaral nang mabuti si Trisha. Nakakuha siya ng mataas na marka.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Basahin at Pag-isipan:

Isang araw, nagkayayaan ang magkaibigang Arman at Ephraim na magtungo


sa bukid. Sa kanilang paglalakad, nakita nilang hitik sa bunga ang punong mangga.

Halika ka na Arman, Ephraim, magdala ka


umakyat tayo sa puno ng panungkit at
at pitasin ang bunga basket para
ng mangga. pagsisidlan ng bunga.

3|Pahina
Iyong suriin ang usapan sa pagitan ng magkaibigang Arman at Ephraim.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
1. umakyat = um + akyat
2. pitasin = pitas + in
3. magdala = mag + dala
4. pagsisidlan = pag + sisidlan

Alam mo ba ang tawag sa mga ito? Ang akyat, pitas, dala at sisidlan ay
mga salitang ugat.

Ang salitang-ugat ay ang payak na salitang walang dagdag o salitang buo


ang kilos. Ang mga ito ay maaring pangngalan, pang-uri o pandiwa.

Halimbawa:

Pangngalan Pang-uri Pandiwa


babae ganda sulat
hayop sariwa lakad

Ang um-, -in, mag-, at pag- ay mga halimbawa ng mga kataga. Kataga ang
tawag sa mga titik o pantig na walang kahulugan. Ikinakabit ang kataga sa salitang-
ugat upang makabuo ng bagong salita. Panlapi ang tawag sa mga ito.

Ang panlapi ay kataga o mga katagang ikinakabit sa unahan, sa gitna,


hulihan at kabilaan ng isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.

Maylapi ang salitang-ugat kung ito ay nilalapian o kinakabitan ng kataga sa


unahan, gitna, hulihan, o sa magkabilang bahagi nito.

May limang paraan ang paglalapi: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.

1. Unlapi – kung saan ang kataga ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat


tulad ng ma-, um-, na-, pag-, ka- at marami pang iba.

Halimbawa:
unlapi + salitang-ugat = bagong salita
ma + sipag = masipag

Unlapi Salitang-Ugat Nabuong Salita


ma- sipag masipag
um- inom uminom
na- basa nabasa

4|Pahina
pag- tala pagtala
ka- kanta kakanta

2. Gitlapi – kung saan ang kataga ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugat


tulad ng -um at -in.
Halimbawa:
salitang-ugat + gitlapi = bagong salita
sayaw + um = sumayaw

Gitlapi Salitang-Ugat Nabuong Salita


-um sayaw sumayaw
-um kanta kumanta
-in putol pinutol
-in katay kinatay

3. Hulapi kung saan ang kataga ay inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat


tulad ng -an, –han, –in at –hin.
Halimbawa:
salitang-ugat + hulapi = bagong salita
turo + an = turuan
*Pansinin ang salitang-ugat na turo, ang -o na patinig ay pinapalitan ng -u
bago idugtong ang hulaping -an.

Hulapi Salitang-Ugat Nabuong Salita


-an turo turuan
-an dagan daganan
-han laba labahan
-han punta puntahan
-in kagat kagatin
-in nguya nguyain
-hin sabi sabihin
-hin kanta kantahin

4. Kabilaan – kung saan ang mga kataga ay inilalagay sa unahan at hulihan


ng salitang-ugat. May unlapi at hulapi ang salitang-ugat tulad ng unlaping
nag-, mag, pag at hulaping -an at -han at iba pang maaaring gamitin sa
kabilaan.
Halimbawa:
unlapi + salitang-ugat + hulapi = bagong salita
nag + sayaw + an = nagsayawan

5|Pahina
Kabilaan Salitang-Ugat Nabuong Salita
nag- -an sayaw nagsayawan
Nag- -an awit nagawitan
nag- -han kanta nagkantahan
mag- -an tulak magtulakan
mag- -han takbo magtakbuhan

5. Laguhan – kung saan ang mga kataga ay inilalagay sa unahan, gitna at


hulihan ng salitang-ugat. May mga unlapi, gitlapi at hulapi tulad ng
unlaping nag-, mag, pag gitlapi -um, -in at hulaping -an at -han at iba
pang maaaring gamitin sa laguhan.
Halimbawa:
unlapi + gitlapi + salitang-ugat + hulapi = bagong salita
nag + sa + sayaw + an = nagsasayawan

Laguhan Salitang-Ugat Nabuong Salita


nag- sa-an sayaw nag/sa/sayaw/an
awit nag/a/awit/an
mag- -han kanta mag/ka/kanta/han
takbo mag/ta/takbo/han

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
A. Panuto: Bumuo ka ng bagong salita sa tulong ng panlaping ibinigay sa bawat
bilang. Sundan ang halimbawa upang mapunan ang tsart. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

Mga Salitang-ugat Panlapi Nabuong Salita


Halimbawa:
tanim -an taniman
1. bilis ma-
2.salok -um
3.hulog na-
4.guhit pag-
5.lakip ka-
6.turo i-
7.lalake ka- -han

6|Pahina
8.tinda mag-
9.hukay nag-
10.dilig -an

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap na nasa unang hanay. Isulat sa
ikalawang hanay ang salitang-ugat ng salitang may salungguhit. Isulat sa ikatlong
hanay ang panlaping ginamit. Sa ikaapat na hanay, isulat kung saan ang posisyon
ng panlapi. Sundan ang halimbawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pangungusap Salitang-ugat Panlapi Posisyon ng


Panlapi
Hal. Nagpalakpakan ang mga Halimbawa:
manunuod sa sayaw na palakpak Nag- -an kabilaan
kanilang pinamalas.
1. Lumipad ang mga ibon
patungo sa gubat.
2. Nagsimba si Diana noong
Linggo.
3. Umani ng ginto si Chris sa
palarong takbuhan.
4. Susuklayin ko ang aking
buhok.
5. Maganda ang mga tanawin
dito sa Zambales.
6. Ang pagtulong sa kapwa ay
mahalaga ngayong panahon
ng pandemya.
7. Sasamahan ng mga
magulang ang kanilang anak
sa panonood ng telebisyon.
8. Pinatulog ni Sheena nang
mahimbing ang kaniyang
anak.
9. Nagtutugtugan ang mga
musikero sa lansagan.
10. Si Mang Gerry ay magaling
na tagaguhit.

7|Pahina
Pang-isahang Pagsasanay
A. Panuto: Magbigay ng mga salitang ginamitan ng panlapi. Tukuyin ang
salitang ugat, panlaping ginamit at ang posisyon ng panlapi. Punan ang mga
kahon sa bawat hanay. Sundan ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Salita Salitang-ugat Panlapi Posisyon ng


Panlapi
Halimbawa:
nagsulat sulat mag- unlapi
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

B. Panuto: Punan ang bawat talulot ng bulaklak ng mga bagong salita gamit ang
mga panlaping nakasulat sa loob nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

ma- -um

i-

-an -han

8|Pahina
Pagsusulit

A. Panuto: Piliin ang panlaping angkop sa salitang-ugat na nasa loob ng panaklong


upang makabuo ng bagong salitang nararapat para sa diwa ng pangungusap.
Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

um- i- -um ma- taga-

pag- mag- nag- -han -an

________________1. (handog) ng isang magandang awitin para sa mga


panauhin ang mga mag-aaral ng Laoag Integrated School.

________________2. Ipinakita ng mga artista sa Teatrong Kagat ang husay nila


sa (arte) sa kanilang pagtatanghal.

________________3. Si Ginoong Mike Enriquez ay isang mahusay na (ulat) sa


radyo at telebisyon.

________________4. (hugas) mo ang mga pinggan at mga ginamit sa pagluluto.

________________5. (awit) nang buong puso ang mga kalahok sa patimpalak sa


pag-awit.

________________6. (suko) ang mga rebeldeng nais magbagong buhay sa


pamahalaan.

________________7. (pasyal) mo ang ating mga panauhin sa ating bukirin.

________________8. (ganda) ang mga tanawin sa ating bansa.

________________9. (sulsi) mo ang punit na damit ni Dino.

________________10. (dikit) ng larawan ng iyong paboritong laruan sa iyong


papel.

9|Pahina
B. Panuto: Kopyahin ang salitang nakahilig. Salunguhitan ang salitang ugat at
bilugan ang mga panlaping ginamit. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bumili ng bagong sasakyan ang kanilang mag-anak.

2. Malalim ang balon na hinukay sa aming likod bahay.

3. Kumuha kami ng suso at tulya sa palaisdaan.

4. Nagsiksikan ang mga tao sa pagkuha ng ayuda sa harapan ng opisina


ng barangay.

5. Ginagabayan ng mga magulang ang kanilang anak sa pagsagot ng


kanilang modyul.

6. Ipinagluto kami ng masarap na pananghalian ng aming mahal na ina.

7. Tumula ang aking kapatid sa harap ng maraming tagapakinig.

8. Samahan mo ang mga bisita sa kanilang silid-tulugan.

9. Nagtiyagang pumila ang mga biktima ng bagyo sa pagkuha ng kanilang


ayuda sa munisipyo.

10. Itabi mo ang sasakyan at may kukunin lang ako sandali sa bahay ng
aking kaibigan.

Pangwakas

Panuto: Punan ang patlang ng wastong salita o parirala upang mabuo ang konsepto
ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang __________________ ay ang payak na salitang walang dagdag o salitang


buo ang kilos. Ang mga ito ay maaring pangngalan, pang-uri o pandiwa.
Ang __________________ ay kataga o mga katagang ikinakabit sa unahan, sa
gitna, hulihan at kabilaan ng isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Maylapi ang salitang-ugat kung ito ay nilalapian o kinakabitan ng
____________ sa unahan, _____________, hulihan, o sa _________________ bahagi nito.

10 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Dayag, Alma M., 2013. Pinagyamang Pluma 4, Wika at Pagbasa para sa


Elementarya, Phoenix Publishing House 927 QuezonAve., Quezon
City ph. 270-273

Department of Education, 2020. K to 12 Most Essential Learning Competencie with


Corresponding CG Codes

Lalunio, Lydia P. et. al., 2010. Hiyas sa Pagbasa Batayang Aklat sa


Pagbasa Ikalimang Baitang. SD Publication, Inc Punong Tanggapan,
G. Araneta Ave. cor. Ma. Clara St., Quezon City ph.162-163

Liwanag, Lydia B., 2008. Landas sa Wika Batayang Aklat sa Filipino VI,
Dane Publishing house Inc. 203 Mindanao Avenue Extension, Project 8
1106 Quezon City ph. 115

Panlapi (Unlapi Gitlapi Hulapi Kabilaan, Laguhan) Teacher Roel,2020.


https://youtu.be/uCPFCqV6HJk

11 | P a h i n a
12 | P a h i n a
Pang-Isahang Pagsasanay Balik-aral
A.Ang mga sagot ay maaaring A.1. -ng
magkakaiba-iba. 2. -ng
B. Ang mga sagot ay maaaring 3. na
magkakaiba-iba. 4. -ng
Pagsusulit 5. -ng
A. B. 1.Hinihikayat ang lahat na mag ehersisyo upang
1. naghandog lumakas ang ating resistensya
2. pag-arte 2.Makakaiwas tayo sa sakit na COVID-19 kung lahat
3. taga-ulat
m
tayo ay susunod sa alintutuning ipinatutupad ng
4. hugasan
u pamahalaan.
5. umawit
3.Nag-iipon ng pera si Jade at bibili siya ng bagong
6. sumuko
u
7. ipasyal cellphone.
8. maganda 4.Sasama si Edriel sa Olongapo dahil nakaipon siya
9. sulsihan ng pera.
10. magdikit 5.Nag-aaral nang mabuti si Trisha kaya nakakuha
B. siya ng mataas na marka.
1.bumili Pinatnubayang Pagsasanay 1
2. malalim
1. mabilis
3. kumuha
2. sumalok
4.nagsiksikan
3. nahulog
5.ginagabayan
4. pagguhit
6.ipinagluto
5. kalakip
7.tumula
6. ituro
8. samahan
7. kalalakihan
9. nagtiyaga
8. magtinda
10. itabi
9. naghukay
Pangwakas
10. diligan
Ang salitang-ugat ay ang payak
Pinatnubayang Pagsasanay 2
na salitang walang dagdag o salitang buo
ang kilos. Ang mga ito ay maaring Salitang- Panlapi Posisyon ng
pangngalan, pang-uri o pandiwa. ugat Panlapi
Ang panlapi ay kataga o mga 1. lipad -um gitlapi
katagang ikinakabit sa unahan, sa gitna, 2.simba nag- unlapi
hulihan at kabilaan ng isang salitang- 3.ani um- unlapi
ugat upang makabuo ng bagong salita. 4.suklay su-, -in kabilaan
5.ganda ma- unlapi
Maylapi ang salitang-ugat kung
6.tulong pag- unlapi
ito ay nilalapian o kinakabitan ng kataga
7.sama sa-, -han kabilaan
sa unahan, gitna, hulihan, o sa 8.tulog pina- unlapi
magkabilang bahagi nito. 9.tugtog Nag-,tu-,-an laguhan
10. guhit taga unlapi
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlo Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa lahat
ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!
Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay Fornainquiries of feedback,


Tanggapan please write
ng mga Paaralan sa or call:
Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Department of Education – Region III – Division of Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
Learning Resources Management Section (LRMS)
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Zone 6, Iba, Zambales
Website: www.depedzambales.ph
Tel./Fax No. (047) 602 1391

You might also like