You are on page 1of 8

FILIPINO 6

QUARTER 2 – WEEK 5
Aspekto ng Pandiwa
Ikalawang
Araw
Pagganyak:
May tatlong aspekto ng pandiwa.
 Ang aspektong pangnagdaan ng pandiwa o perpektibo ay kilos o galaw na
nangyari o naganap na.
Hal. Si Ramon ay nagkasakit ng tuberculosis.
 Ang aspektong pangkasalukuyan ng pandiwa o imperpektibo ay kilos o
galaw na nangyayari o nagaganap.
Hal. Siya ay nagpapagamot sa Ospital ng Maynila.
 Ang aspektong panghinaharap ng pandiwa o kontemplatibo ay kilos o galaw
na hindi pa nangyayari o nagaganap.
Hal. Iinom siya ng gamot at kakain ng masusustansyang pagkain upang gumaling
sa kanyang karamdaman
Panuto:
Lagyan ng tsek sa patlang ang pandiwang pangnagdaan o ang mga salitang kilos na naganap na.
Gamitin ang mga salitang may tsek upang mabuo ang diwa ng talata sa ibaba.
Panuto:
Lagyan ng tsek sa patlang ang pandiwang pangnagdaan o ang mga salitang kilos na naganap na.
Gamitin ang mga salitang may tsek upang mabuo ang diwa ng talata sa ibaba.

Noong Setyembre 15, 2019 isang super typhoon ang _______________sa


buong probinsiya ng Abra, ang Ompong. Maraming _______________na
bahay at ari-arian dahil sa bagyong ito. Hindi nakaligtas ang Tayum
Central School sa bagsik ni Ompong. Maraming ____________na puno
kabilang na ang puno ng manga na tinaguriang century tree.
___________________ din ang pader na katabi ng puno. Agad na
____________ ang mga guro at magulang ng paaralan upang ayusin ang
mga nasira.
Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit gamit ang mga
titik: PN (aspektong pangnagdaan), PK (aspektong pangkasalukuyan),
PH(aspektong panghinaharap).
_____ 1. Pasasalamatan ko ang mga taong tumulong sa akin upang
makamit ko ang aking pangarap.
_____ 2. Sumayaw sa entablado ang magkakapatid.
_____ 3. Binubuhat ni Mang Tonio ang mabigat na sako ng bigas.
_____ 4. Ang sanggol ay binabantayan ni Ate Carla sa sala.
_____ 5. Ang lalaki ay sumaklolo sa matandang babae na nahimatay.
Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit gamit ang mga titik: PN
(aspektong pangnagdaan), PK (aspektong pangkasalukuyan), PH(aspektong
panghinaharap).
_____ 1. Sino ang mag-aalaga sa mga bata habang nagtatrabaho ka sa Dubai?
_____ 2. Ang mga programa ng DOH ay itinataguyod ng mga lokal na
pamahalaan.
_____ 3. Si Jasmin ay nagtagumpay sa paligsahan sa pagsusulat ng tula.
_____4. Sa palengke bibili ng gulay ang aking ate mamaya.
____5. Natutulog ako nang maaga tuwing masama ang aking pakiramdam.

You might also like