You are on page 1of 23

MOTHER TONGUE ARALIN 3

2 THESSALONIANS 3:5

May the Lord direct


your hearts into the love
of God.
DREAM DAY
MGA SALITANG KILOS NA MAGAGANAP
DREAM DAY
Sa paaralan ng SanJose ay magkakaroon
ng Dream Day. Sama-samang
mangangarap ang mga bata ng gusto
nilang propesyon paglaki.
Upang maging mas masaya ang
kanilang pagbabahagi, idinaan nila sa
tugma.
Joy:
Maging nars ang pangarap ko
paglaki.
Pag-aalaga sa maysakit ay
gagawin ko nang tapat.
Chester:
Pangarap kong maging inhinyero.
Paggawa ng bahay at tulay ay pagbubutihin ko.
Jenny:
Maging fashion designer ang gusto ko paglaki.
Magagandang damit ang aking ipatatahi.
Joselito:
Ako ay magiging beterinaryo.
Mga hayop ay aalagaan ko.
Nilda:
Magiging manunulat ako sa hinaharap.
Susulat ako ng magagandang kuwento at pangarap.
Magtatanghal sila ng programa sa araw na ito. Tiyak na
magiging masaya ang mga mag-aaral.

Tulungan natin ang mga


bata upang maabot ang
kanilang mga pangarap.
PAG-USAPAN
1. Para saan kaya ang ginanap na Dream Day sa paaralan?
2. Bakit mahalaga sa isang bata ang magkaroon ng
pangarap?
3. Ano-ano ang kailangang gawin upang matupad mo ang
iyong pangarap?
4. Ano ang naramdaman mo sa iyong napakinggan?
PAUNLARIN
Ang dream ay “pangarap.”
Ang salitang day ay “araw.”
Kung gayon, ang Dream Day ay “araw ng pagbuo ng mga
pangarap.”
MGA SALITANG KILOS NA
MAGAGANAP

Bukod sa mga salitang kilos na nagaganap at


naganap, may mga salitang kilos na mangyayari pa
lang.
ANG SALITANG KILOS NA MAGAGANAP AY
GAGAWIN PA LAMANG.

Basahin ang mga Halimbawa


1. Magbabasa ako ng aklat mamayang gabi.
2. Mamamasyal siya sa parke sa Sabado.
3. Magsisimba kami sa Linggo.
4. Magbabakasyon si Ben sa Cebu sa isang taon.
5. Magbabalik-aral ako sa Matematika mamayang hapon
Tandaan natin!
Salitang Kilos na NAGANAP

Tapos na ang kilos o


nagawa na ang isang bagay.
Salitang Kilos na NAGAGANAP

Kilos na kasalukuyan pang


ginagawa.
Salitang Kilos na MAGAGANAP

Kilos na mangyayari o
gagawin pa lamang.
naganap nagaganap magaganap
nagwalis nagwawalis magwawalis

kumain kumakain kakain

tumakbo tumatakbo tatakbo

naghugas naghuhugas maghuhugas

nagsayaw nagsasayaw magsasayaw


SAGUTAN NATIN!
Tukuyin ang angkop na salita upang mabuo ang
pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Si Mark ay (magwawalis, nagwalis) sa sala kanina.


2. Saan tayo (nagpunta,magpupunta) bukas?
3. (nagsisimba, magsisimba) ako sa linggo.
4. (kumain, kumakain) ako ngayon sa aming kusina.
5. Ako ay (magsusulat, nagsulat) ng aralin kahapon.
Tukuyin ang salitang kilos na bubuo sa pangungusap gamit ang
mga salitang nasa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

(punta) 1.________kami ni lolo sa bukid susunod na araw.


(dating) 2. Sa martes _______ ang pinsan ko mula sa probinsiya.
(ayos) 3. ______ sila ng kanilang kwarto sa Lunes.
(walis) 4. Ako ay ______ ng bakuran kahapon.
(bili) 5. ______ ako ng kakanin sa palengke bukas.

You might also like