You are on page 1of 2

CHEUNG, Sachie Daniela G.

STEM 12-L
11950021

Nakagawian

"Bye, mars! See you next week". Ito ang mga huling salitang binanggit ko sa aking mga
kaibigan sa eskwelahan bago nagsimula ang kwarantina. Sinunod ko ang aking normal na
gawain: sumakay ako ng bus upang makauwi, kumain pagdating sa bahay, nanood ng mga
pelikula sa laptop, naligo, at natulog. Hindi ko naman inakala na ito ang aking kalakaran sa
susunod na limang buwan. Sa unang buwan, ako ay nai-stress dahil sa mga naiwang gawain sa
paaralan na kailangan kong tapusin. Kung wala ang aking pamilya upang suportahan ako sa mga
panahong iyon ay sa palagay ko ay sasabog na ang aking ulo sa dami ng gawain. Gumising,
kumain, mag-aral, matulog, at uulit. Ito ang aking nakasanayan sa unang buwan ng kwarantina.

Nang matapos ang taong panuruan, iba naman ang aking gawain para sa sumunod na
dalawang buwan: gumising nang tanghali, malipasan ng oras para sa agahan kaya kumain nalang
ng pananghalian, maligo, manood ng mga pelikula, at matulog nang madaling araw. Sobrang
saya ko sa panahong ito sapagkat tag-araw na! Wala na akong masyadong gawaing eskwelahan
na kailangan intindihin. Nakipaglaro nalang ako ng PS4 kasama ang aking batang lalaking
kapatid kasi naubusan na ako ng K-Drama na papanoorin. Masyado na akong napaibig kay
Captain Ri. Dahil hindi kailangang pumasok sa mga opisina ang aking mga magulang, naglalaro
nalang kami ng baraha sa bahay. Ngayon lamang kami nagsama nang ganitong katagal ng aking
pamilya. Mas napamahal at napatibay ang aming pagsasama. Gumising, kumain, makipaglaro,
manood, matulog at uulit. Ito ang aking nakasanayan sa pangalawa at pangatlong buwan ng
kwarantina.

Habang patagal nang patagal ang kwarantina ay pahina nang pahina ang aking kalooban.
Nag-simula nanaman ang aking klase. Noong una ay nasiyahan ako sapagkat mayroon nanaman
akong pwedeng gawin at maari ko nang baguhin ang aking nakagawian, ngunit mas lumaki ang
aking pagkabalisa. Sa pang-apat at pang-lima na buwan ay nabuwag ang aking mga
nakasanayan. Nagbago ang aking mundo nang dahil sa sakit na dala ng pandemya ay nawalan
ako ng mahal sa buhay. Ang sakit na ito ay kumalat sa aking pamilya. Sa mga araw na ito ay
puro pagkabalisa ang aking naramdaman. Nagkaroon ng pansariling kwarantina ang aking
pamilya sa aming bahay. Nawalan ako ng nakasanayan sa pang-apat at pang-limang buwang ng
kwarantina.

Ako'y tumatanggi na makasanayan ang gawaing ito sapagkat naniniwala akong matatapos
din ang bangungot na ito. Ang dami kong naranasan naramdaman sa kwarantinang ito: saya, inis,
stress at lungkot. At dahil sa kwarantina ay mayroon akong natutunang importante; Huwag kang
masanay sa iyong mga nakagawian dahil hindi mo alam kung kailan darating ang mga
pagbabago sa buhay mo.

You might also like