You are on page 1of 2

Name:___________________________ Score_____________

Panuto : Basahin at unawain ang kuwento at piliin ang maaaring maging wakas.
1. Isang araw naglalakad si Mang Kanor pauwi galing sa trabaho. Laking gulat niya nang marinig ang malakas na
iyak ng isang bata. Nilapitan niya ito at nakita niyang may mga sugat ang bata. “Aba! kawawa naman ang
batang ito”. Tinanong niya ang bata kung ano ang nangyari. “Nawawala po ako, di ko po makita ang aking
nanay”. Wika ng bata. “Iuuwi muna kita upang gamutin”. Sabi ni Mang Kanor . Pagdating nila sa bahay
ginamot ng asawa ni Mang Kanor ang sugat nito, binihisan, at pinakain. Nagdesisyon siyang dalhin ito sa
barangay upang ipagbigay alam na ang bata ay nawawala. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa bata?
A. Magpakalat kalat sa kalsada C. Mapupunta sa bahay Ampunan
B. Makakauwi sa tahanan nila
2. Naglalakad pauwi si Aling Rosita galing sa palengke bitbit ang isang tray na itlog, mga gulay, at prutas na
kaniyang pinamili. Naglalaro ang mga binatilyo ng basketbol sa covered court na malapit sa bahay ni Aling
Rosita . Di namalayan ng mga binata na parating na si Aling Rosita . Kaya patuloy sa pag-shoot ng bola sa ring
ang mga ito. Hanggang sa ang bola ni Ram ay hindi pumasok sa ring kundi tumama lamang ito sa poste ng ring
pagkatapos tumalbog sa ibang direksyon. Nang biglang napasigaw sa gulat si Aling Rosita , “Ang mga itlog
ko!”. Ano kaya ang nangyari sa mga itlog ni Aling Belen?
A. Nabasag ang mga itlog ni Aling Rosita
B. Hindi nabasag ang mga itlog ni Aling Rosita
C. Binigay ang itlog sa kapibahay
3. Dumating galing ibang bansa ang tiyahin ni Marimar. Maraming mga biniling pasalubong para sa kaniyang
mga kapatid at pamangkin. Nang bumisita ito sa kaniyang kapatid dala-dala nito ang mga pasalubong para sa
kanila. Nakita ni Marimar ang mga tsokolate na dala ng kaniyang tiyahin. Agad niya itong kinuha at kinain
nang kinain. Kinagabihan ay narinig ng Ina na umiyak si Marimar. Ano ang nangyari sa kaniya?
A. Nakipagkuwentuhan si Marimar sa kaniyang tiyahin.
B. Gumagawa si Marimar ng takdang aralin
C. Sumakit ang ngipin
4. Madilim ang kalangitan noong hapong iyon, habang nasa loob ng bahay si Alona naisip niyang baka umulan
nang malakas. “Kapag umulan maliligo ako sa labas” bulong nito sa sarili. Pumatak ang malakas na ulan sa
kanilang bubong at dali-daling tumakbo si Alona sa kalsada at nagtampisaw sa tubig. Buong hapon siyang
naglaro sa ilalim ng ulan. Kinagabihan, habang siya naghahanda sa pagtulog, nagsimula siyang bumahing. Ano
kaya ang mangyayari kay Alona ?
A. Magkakasakit si Alona b. Maging mabuti ang kaniyang pakiramdam
B. Makikipaglaro sa kapitbahay
5. May inabot na sulat ang Kartiro sa mga magulang ni Joan. Nang buksan at basahin ito ay lumandag sa tuwa Si
Aling Aurora. Ano ang nilalaman ng sulat?
A. Nakipag-away si Joan sa kaibigan
B. Hindi natanggap si Joan sa inaaplayang trabaho
C. Natanggap si Joan sa trabaho.

PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa


bawat pangungusap. Isulat angTamang salita sa sagutang papel.
6.Napansin nina Rec, Raisa at Edmon ang isang batang gusgusin na naglalakad sa kalye.
A. Marumi B. malinis C. masaya
7. Niyaya nila ang batang pulubi na sumama sa kanila.
A. Tinaboy B. Hinikayat C. Pinadamapot
8. Mabilis tumakbo si Lucas kaya siya ang nanalo.
A. Mabagal B. Makupad C. Matulin
9. Ang pagong ay mabagal lumakad.
A. Maliksi B. Makupad C. Matulin
10. May sakit ang maarugang ina ni Eric kaya siya ang gumagawa ng gawaing bahay.
A. pabaya B. maalaga C. makasarili

PANUTO: Gamitin ang magagalang na pananalitang angkop sa bawat sitwasyon.


Isulat ang sagot sa sagutang papel
11. Nakasalubong mo ang inyong Punongguro isang hapon habang ikaw ay
naglalakad patungo sa inyong silid-aralan. Ano ang sasabihin mo ?
A. Magandang hapon po Gng. Baleza. B. Magandang umaga Gng. Baleza.
C. Magandang hapon Gng. Baleza
12. Pinahiram ka ng pera nang matalik mong kaibigan. Ano ang sasabihin mo?
A. Salamat. B. Maraming salamat po. C. Maraming salamat.
13. Hindi sinasadyang nawisikan mo ng tubig ang damit ng iyong kaklase habang
kayo ay kumakain sa kantina . Ano ang sasabihin mo?
A. Hindi mo siya pansinin B. Pasensiya na. C. Pasensiya na di ko po sinasadya.
14. Nais mong ipakilala ang iyong Nanay Minda sa iyong mga kaibigan. Paano mo
ito gagawin ? A. Siya po ang aking nanay Minda. B. Si nanay Minda. C. Siya si
Nanay
15. Nakita mo sa simbahan ang paborito mong guro noong nasa elementarya ka
pa . Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
A. Kumusta ka na. B. Kamusta na po kayo Ma’am.. C. Kumusta na Maam

You might also like