You are on page 1of 6

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 5

(Week 1& Week 2) Q2

Pangalan: _____________________Puntos: ____


Kompetensi: Nasasagot ang mga tanong sa binasang anecdota.

Basahin at intindihing mabuti ang maikling kuwento.

Ang Kalabaw at Ang Kambing


Isang araw naliligo si kalabaw, ng siya’y nagtapos sa pagtatrabaho.
Naligo siya buong araw.Kinabukasan siya ay naglalakad papunta kung saan
siya nagtatrabaho kasama ang kanyang amo subalit may isang hayop na
nanlalamig dahil sa sobrang lamig at nangangailangan ng tulong niya at ito si
kambing.

Hindi lamang sa malamig ang panahon at ito ay lumakas rin ang


hangin,ulan at naninilim ang langit.Nang nakita niya ito.Ito’y pinuntahan niya
sa kinaroroonan upang tulongan subalit si kambing ay takot na takot sa tubig
dahil siya ay mamabasa.Ang ginawa ni kalabaw ay naghakot ng ilang dahon
ng saging at ginawang parang bahay- kubo upang itoy mapagsilongan ni
kambing.

Kinabukasan siya’y nakamulat na lamang at maayos na ang takbo ng


panahon.Nang sila’y nakalabas sa bahay-kubo laking pasasalamat ni kambing
kay kalabaw dahil hindi siya nabasa at inaalagaan siya.

Sa katagalan sila’y naging magkaibigan kahit saan sila magkita.


TEST 1. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot:

1. Sino ang naliligo?

A.Kambing B.Kalabaw C.Aso D.Kuneho

2. Ano ang nakita niya?

A . Langgam B.Ibon C.kambing D.Kalabaw

3. Sino ang nangangailangan ng tulong?

A .Amo B. Ibon C. Kalabaw D. Kambing

4 .Paano niya ito tinulongan?

A. Pinabayaan B.Ginawan ng bahay-kubo

C. Niligo D .Binihisan

5.Ano ang sinabi ni kambing kay kalabaw?

A.Walang anuman B.Maraming salamat

C.Aalis na po ako D.Maghintay ka

6.Paano mo mailarawan si kalabaw?

A. Mainisin B. Matulongin C.Masungit D.Maingay

7.Para saan ang dahon ng saging?

A .Gawing pambalot B. Gawing bahay-kubo

C .Gawing decorasyon D. Gawing sulatan

8.Ano ang kinalabasan sa pagtulong ni kalabaw kay kambing?

A.Naging magkaaway B.Naging magkaibigan

C. Naging magkalaro D.Naging magkasama


Test II. Ibigay at isulat ang tamang sagot:

9 .Bakit naging magkaibigan sila kambing at kalabaw?

10 .Isulat ang magandang –aral sa kuwentong binasa.

Kompetensi:Nailalarawan ang tagpuan at tauhan sa teksto.

TEST III Basahin at intindihing mabuti .

Ang Munting Gamugamo

Noon ay may dalawang gamugamo .Isang munting gamugamo at


isang malaking gamugamo .Naaakit sila sa liwanag , kaya madalas silang
lumapit sa pinakamaliwanag na ilaw na kanilang makita.

Kay ganda ng apoy ng kandila sabi ni munting gamugamo.

Mag –ingat ka munting gamugamo paalala ni malaking gamugamo.


Maganda ang apoy ng kandila ,subalit ito rin ay mapalinlang. Kung mapadikit
ka sa apoy,baka matupok ang pakpak mo at hindi ka na makakalipad.

Hindi po ako natatakot sagot ni gamugamo.Hindi niya alintana ang


babala ni malaking gamugamo.Lalo pa siyang lumapit sa apoy ng kandila
upang doon maglaro. Kay sarap ng pakiramdam kapag naglalaro ako malapit
sa apoy ng kandila! Kay liwanag at kay init .
Ngunit ,bigla siyang napadikit sa lingas ng kandila,at nalaglag siya sa
mesa.

Sinabi ko na sa iyo munting gamugamo, malungkot na sinabi ni


malaking gamugamo.

Ngayon hindi kana makakalipad muli.

11 –12. .Ilarawan si munting gamugamo.

13 –14. Ilarawan si malaking gamugamo.

PUMILI DITO PARA SA INYONG SAGOT SA LOOB NG KAHON:

Maalalahanin hindi marunong magpakinig

Hindi nag –iingat maawain

Fernando Amorsolo

Si Fernando Amorsolo ay isang mahuhusay na pintor ng


Pilipinas, ay isinilang sa Paco,Maynila noong Mayo 30 , 1892.
Napatanyag siya sa mga iginuhit niyang mga larawan ng
tanawing bukid.Naglalarawan ng buhay at ugaling Pilipino tulad ng
pagtatanim ng palay , paglalaba sa batis, pagiging dalagang Pilipina,
pagsasalok ng tubig at iba pa.Napakahusay ng kanyang kamay at
pambihira ang kanyang angking talino sa paggamit ng mga
kulay.Nabibigyan niya ng buhay ang larawang kanyang iginuguhit.

Siya ay itinanghal na pinakamahusay na pintor noong 1920 -


1930.

15 – 16. Ilarawan si Fernando Amorsolo

BAHAY KUBO

Doon sa bukirin ni Mang Juan ay may bahay kubo, ito ay


napaligiran ng mga pananim.May mga gulay at prutas.Hindi sila nakaranas ng
guton kahit kalian, dahil sa kanilang kasipagan at kabaitan.

17 .Ilarawan ang bahay kubo.

18. Ilarawan si Mang Juan.

19 -20. Dito sa ating bansa ,magbigay ng dalawang epekto o bunga dala


nitong virus na COVID -19.
Pumili dito para sa inyong sagot sa loob ng kahon:

Nagpayaman ng ating mamamayan

Nagpahirap sa mga taumbayan

Nakapagsaya

Nakakatakot

Nakakamatay

Nakakalusog

You might also like