You are on page 1of 1

Ayessa Mae Nicole M.

Aguirre

ESP

Ideneklarang ‘holiday’ ng gobyerno ang April 05, 2023, ng hapon, kaya’t wala
kaming pasok sa naturang araw. Naging magaan ang aking pakiramdam nang
marinig ko ang balitang ito sapagkat sawakas makapagpapahinga na rin ako. April
05 ng umaga, maaga akong nagising sapagkat pinapapunta ako ng aking lola sa
kanilang bahay at do’n na raw mananghalian at maghapunan. Habang nasa bahay
nila, naglaro kami ng aking mga pinsan at nanood ng mga palabas. Sa hapong iyon,
napagpasyahan ko na do’n muna matulog, sa gabi ring iyon napagplanohan na mag
wwalking kami kinabukasan as a form of exercise.
April 06, 4:00 a.m, ginising ako ng aking pinsan sapagkat aalis na raw kami
para maglakad, sa pagkakaalam ko, sa Hagonoy lang kami ngunit laking gulat ko na
sa City of Digos pala. Umagang umaga hingal na hingal na ‘ko, sobrang layo ng
aming nilakad. Sa bandang tulay ng Balutakay, nangingiyak-iyak na ‘ko sa pagod.
dalawang oras na paglalakad ang nakalipas, biglang tumigil ang aking auntie at
pinsan at tumingin sa isang pamilyar na establishimento. JOLIBEE. agad nawala
ang aking pagod, nilibre kami ng aking auntie at kalaunay umuwi na rin. Mga alas
10 ng umaga, akoy natulog ng mahimbing dahil sa pagod. Hapon ng araw na yon,
kami’y masayang naghapunan.
April 07, 2023 ng umaga, napagpasiyahan kong umuwi sa bahay, sinundo ako
ng aking ina, sya palaý nagluluto ng BIKO, it’s been a long time since I saw her
making such specialty, that’s why I’m beyond glad she made one. Habang nagluluto
ang akin ina, napagpasyahan kong gumawa ng ice cream, nanood ako sa youtube,
mga tutorial sa paggawa ng icecream, tamang tama may mga ingredients kami sa
bahay kaya Nakagawa ako. Masaya kaming nananghalian at naghapunan.

You might also like