You are on page 1of 19

ABM-3

Sir. Krippe Anthony Ramos

HAVE A
BRIGHT
DAY

My Journal
Nash Justine S. Madla

Sept 15, 2020


It’s Tuesday, and its our free day!!!!! Tinapos kona kahapon
ung mga binigay na seatwork, quiz, assignments, para di nako
last minute gagawa. Tinatanggal ko na bad habit ko na
gagawa lang pag malapit na ung deadline o gumagawa mismo
sa school. Dipa naman mahirap sa ngayon ung mga binibigay
nila kaya ok pa naman. Ito ako nagluto ng lunch naming kasi
wala naman nakong gagawin at tumulong narin sa gawaing
bahay, nakaka bored narin actually hahahaha. Buong hapon at
gabi naka hilata lang wala naman kasing gagawin, at ako lang
dito sa bahay kasi sila mama at papa umalis un lang!!!! happy
Tuesday!!!!

Sept 16, 2020

Nagising ako bandang 8 am dahil may online class ako ng


9:30 sa Pilipino, mabait naman ung teacher naming hindi sya
masungit. Madali naman ung topic na gets ko naman, kaso
nga lang naaubsan kami ng oras kaya itutuloy nalang namin
next week. Wala na kaming ka sunod na subject kaya naman
ginawa ko nalang ung mga activity at assignment agad, dahil
ayoko tambakan ng gawain at para narin wala Nakong gawin
bukas.

Sept 17, 2020

Nayanig ang mundo ng stan tweet ngayong umaga dahil


nilabas ng ‘GMMTV’ ang teaser ng f4 thailand, we didn’t
expect this kind of news dahil kakatapos lang ng still2gether,
wala pa ngang 1week yon. Halos lahat ng kakilala ko nag
decicde ng mag deact ng stan acc nila or inactive na, para
narin sa mental health. My online friend’s, decide to not speak
up, yes we speak but not litirally. We dicide to support parin
pero hindi na katulad dati. Yun lang disappointed pero im
happy kasi may new project sila, magkasama pa.

Sept 18, 2020

I woke up around 8 am kasi wala naman kaming class,


magbibigay nalang daw sila ng mga gagawin naming for the
whole weekend, di naman madami kaya oky lang…. Tinapos
kona agad yung mga binigay sa araw na to kasi expected ko
na may pahabol payan sa sabado at lingo at ayokong
tambakan at para ma gamit ko naman ang weekend para
makapag pahinga……….
Sept 21, 2020

Dahil Monday ulit meron nanamang online class, nakaka


excite sya pero di parin ako sanay magising ng maaga pero
sinusubukan ko parin kahit papaano. Maganda naman ang
takbo ng online class naming pag katapos ng isang subject
may mag bibigay agad ng google meet or zoom, dahil doon
kami nag online class. Tinapos ko na lahat ng mga binigay
kahit Friday pa ang pasahan para naman hindi tambakan. Un
lang sa araw na ‘to!!
Sept 22, 2020

Nagising ako ng bandang 11 ng tanghali dahil wala naman


kaming class sa araw na ito at tinapos ko narin yung mga
seatwork’s at assignments kagabi kaya naman wala ng
gagawin, pero un nga may ng sesend parin ng mga gagawin
(di naman maiiwasan) kaya hangga’t maari matapos ko na
agad. Wala naman kaming ginawa buong hapon at gabi kain
at tulog lang kumbaga!!! Un lang!!
Sept 23, 2020

Nagising ako mga bandang 7:30 dahil nag send yung first
subject naming ng task para sa asynchronous class naming,
wala namang ganap masyado tsaka kunti rin yung mga
nagbigay sa araw na ito. Tsaka pupunta daw kami ni mama
bukas sa tito ko dahil birthday nya so ok? Hahahaha. Un lang
wala naman palaging ganap sa buhay ko hahahahaha!!!
Sept 24, 2020

It’s free day nanaman buti nalang walang nag send ng mga
gagawin para sa araw na ito dahil may pupuntahan pa kami ni
mama mamayang hapon ata? Mga bandang alas dos na kami
nag ayos ng aming mga sarili para pumunta dun sa tinitirhan
ng tito ko malapit lang ditto, isang sakay lang naman.
Sumakay lng kami ng taxi ni mama at kapatid ko at si papa
naman naka motor dahil bawal ang limahan sa loob ng taxi,
pagkarating namin maayos naman wala na mang masyadong
tao at nasusunod ang social distancing at naka facemask parin
ang iilan. Sinalubong ako ng lola naming sa may labasan ng
tinitirhan nila. Madaming pagkain at ang iba ay nag inuman
na sa may labas ng bahay kantahan, sayawan atbp. Kumain
lang kami nila mama at si papa naman pag katapos kumain
umupo na sa mga nag-iinuman at ako naman ay nakikipag
kwentuhan sa pinsan ko, halos ilang buwan narin kaming
hindi nag kikita kaya madami kaming napagkwentuhan, mga
bandang 8’ na kami umuwi buti nalang may mga taxi pa kahit
paano. Na higa agad ako sa sobrang pagod at antok, masasabi
ko na ito ang masayang araw ko dahil ata nakalabas ako ng
bahay!
Sept 25, 2020

Hindi agada ako nagising ng maaga dahil sa pagod narin at


nakalimutan kong mag alarm, pero buti naman walang
pinadala na gawain para sa araw na ito, haysss. Nag-init lang
si mama ng ulam galing sa birthdihan kahapon, di panama sira
dahil na ref naman at maganda at masarap ang pagkaka luto
nito. May isa lang atang nag send ng quiz at ang ibang teacher
ay nag bigay lang ng video lesson para sa monday discussion
nalang!!

Sept 28, 2020


Monday and we have online classes, maganda naman may
natutunan kahit pa putol-putol ang connection dahil sa bagal
ng internet, na deliver na yung wallpaper para sa kwarto nila
mama dahil bumili sya nung linggo para sa kwarto nila at
samin, sa sala narin, inuna muna naming yung sa kwarto nila
mama, masaya naman un nga lang masyadong pagod dahil
sobrang init ng araw na ito hays buti naman natapos na
goodnight!!

Sept 29, 2020


Nagising ako ng bandang alas otso, wala namang binigay na
quiz ngayon pero DAY 2 na ng paglalagay ng wallpaper,
napag desisyon naming na dito muna sa sala naming dahil
napa ka init ng araw ngayon at may ganap rin daw pala bukas
kaya nag lagay na agad kami ng wallpaper at nag ayos narin
ng bahay para naman presentable para bukas. Nakaka pagod
pero worth it naman!!!

Sept 30, 2020

Nagising ako ng may narinig na mga tao sa ibaba, Nakita ko


mga kamag-anak ni papa sa sala naka upo, oo nga pala
ngayon pala sila bibisita ditto samin. Nag luto lang si mama
ng ilang putahe ng ulam dahil nag dala narin sila tita ng ulam
at desserts galing sa isang pastry shop ng kamag-anak naming.
Pina kilala lang ako ni papa sa mga tita ko sa side ng family
nya dahil diko rin ito mga kilala mas malapit ako at mas kilala
ko ang side nila mama. Ok naman di naman akward sakin
naging comfortable naman ako sa kanila.

Oct 1, 2020

Its first day of October 3 months nalang pasko na ang bilis ng


taon at ang bilis mag palit ng taon, mahirap ang taon na ito sa
mga pilipinong walang makain dahil na walan sila ng trabaho,
maraming nag saradong kumpanya pero anong tugon ng
gobyerno dito? Pataas ng patas ang kaso ng covid sa bansa
pero wala paring aksyon, oo meron kaso kulang ito. Hindi
sapat ang mga tugon nila dito kaya’t madaming nagugutom na
mga Pilipino…

Oct 2, 2020

Maraming pinagawa pero kaya naman basta alam mo ito. Hindi man
mataas ang grado na nakuha ko sa quiz ok lang dahil pwede naman
bumawi diba?? Naging maganda naman ang umaga at gabi ko,
naramdaman kong sumsakit ang mata ko kaya tinigilan ko muna mag
cellphone at matulog nalang kapag walang ginagawa…
Oct 5, 2020

Maraming pinagawa ngayoong araw pero ok lang naman nag take


down notes ako ng sinned na powerpoint video dahil may quiz daw
kami sa Oct 7, naging maganda naman ang araw ganon parin sagot ng
mga assignments na sinend, check ng pe activities at iba pa.
0ct 6, 2020

Pumunta kami ni mama sa lola ko dahil yung isa kong pinsan ay mag
bibirthday ngayon, malapit naman ako sa pinsan ko na mag birthday
ngayon mga kasing edad ko lang sya, naka punta kami dito sa bahay
ng lola ko ng bandang 2 ng hapon di naman mainit makulimlim
naman, naging maganda naman ang birthday wala naman nag away o
kaya naman nag wala dahil sa kalasingan. Hindi naman ingrande ang
celebration tamang amin amin lang na mag-kaka anak naging masaya
naman napkanta ng di oras pero sulit dahil nag kita kita ulit kami!!
Oct 7,2020

Nakapas naman ako sa quiz naming ngayon di naman perfect score


atleast hindi 0 diba hahahaha, maulan na ang araw na ito kaya
masarap matulog mag damage at matulog tamang making lang ng
music kasabay ng pag dampi ng ulan sa mga bubong na gawang yero
napaka sarap matulog!!
Oct 8, 2020

Di ko alam isusulat dito sa araw na ito dahil wala naman akong


ginawa dito sa bahay kundi matulog maghapon heheheh….
0ct 9, 2020

I’ve read na meron nag suicide na student dahil hindi daw natanggap
yung module nya. Maraming nag comment dito dahil sa issue na ito at
nag trending pa sa twitter ang #academicfreezenow number 1 sya
buong araw iba’t iba ang naging reaksyon ng mga tao dito, I don’t
know what to say dahil di ko alam ang buong storya at pangyayari
pero isa lang sasabihin ko hindi sagot ang pag kitil ng sariling buhay,
pag subok lang ito na ibinigay sa ‘atin ang mga pag subok upang
maging mas matatag tayo pag dating ng panahon.

Oct 12, 2020


Nagising ako ng bandang alas syete dahil may online class kami
ngayon pero nung sabado pa nag sabi ang mga teacher namin na wala
munang class ngayon pero may ibibgay daw silang mga seatworks at
powerpoint para basahin at ang kalahati ditto ay nasagutan kona at
baka mamayang gabi ko sya sasagutan para bukas wala na akong
gagawin.

You might also like