You are on page 1of 7

2018-2019

Kahit na ganito lang ako alam ko sa sarili ko na makakapasa ako at makakaakyat ako ng grade11 dahil
may tiwala at plano ako pero simulan muna natin to sa mga plano ko ngayong 2018 kung papano ko
aayusin ang buhay ko. Una, syempre maghahanap ako ng barkada o mga barkada nanpwedeng
maasahan. Ayun naka hanap ako ng for keeps na mga tao at unti unti nilang nabago ang ugali na ang
kinalabasan ay maganda. Pangalawa, makapag laro ng mabuti yung tila bang mga kalaro ako na pwede
kong maasahan at walang mga masasamang masasabi sakin. Pangatlo, makahanap ng pwedeng
makasama tulad ng jowa, oo jowa nga. Ayun din nakahanap ako pero nililigawan ko palang siya kaya
parang ganun nadin. Natutulungan niya ako sa mga bagay na di ko kaya at natuturuan sa mga bagay na
di ko alam. Pang-apat, eto yung huli kong gustong maganap, makahanap ng student teacher o teacher
na mag bibigay inspirasyon sakin sa pag aaral. Ayun ulit nakahanap ako di ko na papangalanan pero
dalawa sila isang teacher at student teacher. Siguro maayos na buhay ko sa taong ito dahil nalagpasan
ko na mga pagsubok na ibinigay sakin sa taong ito. Kung meron man akong planong di natupad o
nangyari siguro nakalimutan ko na yun dahil sa positibo nalang ako tumitingin ngayon. Yun lang mga
plano ko sa taong ito.

2019-2020

Ang plano ko naman ngayon ay di masyado maiiba sa plano ko nung huling taon. Siguro naman
grade11 na ako ngayon at kami na nung nililigawan ko, sana lang naman. Balak ko lang naman makapag
tapos ng grade11 at makapag enjoy sa unang araw ko bilang Senior High. Eto pa pala nasa tamang edad
na siguro ako neto dahil 17 na ako. Para makapag laro sa mga tournaments para sa mga laro tulad ng
LoL , ML at iba pa na pwedeng malaruan na may premyo. At kung papalaring manalo man kung sakali
ito'y ibibili ko ng mga gamit na wala ako nung huling taon, di naman sa wala pero yung galing mismo sa
aking pagod. At kung sakaling kami na nung nililigawan ko syempre aayusin ko na lalo pag aaral ko kahit
may kasabay na paglalaro, wala eh gamer ako. Ano pa kaya pwede kong magawa ngayong grade11 na
ako, siguro ipapasok ko na dito yung plano kong makabili ng sariling computer na pwede kong malaruan
at pano ko yun gagawin syempre sasali ako sa mga palaro. Wala eh nasa lahi na namin ang pag lalaro
pero eto ako walang pc na pwedeng malaruan, may pc nga pang encode nalang. Wala yun lang
magagawa ko ngayong grade11 na ako, magkaroon man lang ng konting pera para sa sarili. At sana
naman ay matupad para nadin sa ikabubuti ko.
2020-2021

Teka may sinabi ba akong makaka grade12 ako? Wala naman ha. Pero gora na to kaya eto na ang aking
plano sa taon na to. College na ako, yehey! Di pa naman sigurado pero wag na nating idown sarili natin
sa panahon ngayon alam mo naman ang mga tao lalo na kung pinoy. Mag hahanap na siguro ako dito ng
sideline para makatulong man lang sa mga magulang ko sa pag tuition ko at sa mga kapatid ko. Hindi
parin mawawala ang pag-lalaro ko dito ipinanganak ako para sa paglalaro, ops. Di para pag laruan ang
mga babae kundi ang mga video games, para klaro sainyo. Di ko alam kung ano mga plano ko sa taong
ito dahil puro laro ang nasa isip ko may konting side din para sa pag aaral at syempre meron din para sa
ang sinta. Ay oo nga pala, college na kami. Unang plano para ngayon ay pupunta sa bahay nila syempre
bahay nung nililigawan ko. Papakilala na agad ako, hihingiin ko blessings nila para maging kampante na
ako pero di naman sa atat ako siguro nga ikaw atat nang malaman kung sino tong babaeng to eh. Oh isa
nayun para sa taong ito, ano pa kaya. Mag sisimula na pala akong mag ipon para sa bibilhin kong aso
siguro naman may kakayahan na akong maka desisyon ng maayos dahil matured na ako sa panahon na
ito. At papangalanan ko ang asong yun ng Chuckie. Dahil chuckie ang paborito kong inumin. Yun lang
siguro sa susunod na taon maayos na ang mga plano ko.

2021-2022

Eto nanaman college parin ako syempre apat na taon ang college. Di parin ako sigurado kung nakapasa
ako nung huling taon pero simulan na natin tong planong to. Siguro naman naka-ipon na ako kahit
papano diba? Isipin na nating may naipon na akong pera para sa bibilhin kong computer at nabili ko na
ito. Sunod na pag iipunan ko naman ay ang asong gusto kong bilhin. Plano ko din na makapag tapos na
may mataas na grado para hindi mabigo ang aking mga magulang. Kung kami pa ng babaeng yun siguro
lagi ko na siyang pinupuntahan sa panahong ito dahil nasa tamang edad na din naman ako, kami. Pero
syempre yung pag aaral di parin pababayaan. Naka plano na din dito yung pag hahanap ko ng pwedeng
mapagkitaan dahil kunyare naalis na ako sa una kong pinag kikitaan kaya dapat may pangalawang pag
pipilian diba praktikal. Ayun na isipin na nating nag away kami ng aking sinta dahil daw ako’y
nangbababae. Pero sa totoo lang hindi naman kaya alisin na natin yun dito. Plano dapat hindi kwento
pero pwede narin. Ano pa kaya ang pwede kong maging plano sa taong ito, siguro ipalagay na natin dito
na sana makakuha ako ng maayos na grado yun lang.
2022-2023

Maganda ang gising ko sa araw na to at alam ko yun dahil sa taong ito nabili ko na ang gusto kong aso,
at dahil dito sobrang saya ko sa taong ito. 3rd yr college na kami ng aking sinta. Hanggang ngayon alam
kong kami parin nasa plano na eh. Oh yung pag aaral baka makalimutan, mataas mga grado ko kaya chill
lang kayo dahil di naman ako pabaya. May aso na ako yehey! Chuckie ang pangalan niya at siya ay lalaki.
Di ko alam kung gusto niya din ang mga aso pero ako gustong gusto ko pero mas gusto ko siya syempre.
Wala akong masyadong maisip na magiging plano ko para sa taong ito. Siguro , mas okay na kung
gagawan ko na ngayon. Una mag iipon ulit para sa tuition syempre nabili ko na mga gusto ko kaya para
naman sa mga kapatid ko ang pag iipunan ko ngayon. Mag hahanap ulit ako ng pwedeng mapag kitaan
para naman may pang baon kung sakaling wala ng maibibigay ang mga magulang ko. Syempre mag aaral
parin ng mabuti para sa kinabukasan at siguro lagi na akong may date nito, kadate ko lang naman yung
aso ko at pc. Sige mag selos ka de joke lang syempre pati jowa ko kadate ko alangan namang pabayaan
ko siya eh hindi naman ako ganung lalaki. Dito ibibili ko na ang mga kapatid ko ng lahat ng gusto nila
basta’t ba kaya ko. Wala pa akong maayos na trabaho pero naka plano na dito yung magiging ako baling
araw. Kaya sa pera na meron ako ngayon ito’y gagastusin ko muna sa ikasasaya ng aking mga kapatid.

2023-2024

Upang maayos ko tong plano ko dito sa taong ito, gusto ko munang linawin na ako’y nakapasa dahil sa
pag tiyatiyaga ko nung huling taon, napagod ako kaka trabaho at kakaaral. Pero eto ako ngayon naka 4th
yr college din. At kasama ko ang aking sinta sa pag akyat sa aming graduation kahit na kunware malayo
kami sa isa’t isa dahil sa pag-aaral pero napupuntahan ko naman siya sakanilang bahay. Eto na plano ko
ng umakyat sa stage kung saan kukunin ko na ang aking diploma. Isipin na natin hanggang 4th yr college
lang tong pag aaral para mas mapadali ang aking pag pla plano at maging maayos sa susunod na taon.
Yun na nga naka akyat na ako sa stage para kunin ang aking diploma. Sunod naman ay pumunta ako sa
graduation ng aking sinta na sobrang saya dahil sawakas nakapag tapos din kami ng magkasama. Puno
ng lungkot, saya, sama ng loob, away, at kung ano ano pa pero nalagpasan naming ang pagod na yun at
nandito na kami tapos na ang aming pag aaral at oras na para mag hanap ng aming trabaho. Ah siya nga
pala ang kurso na kinuha ko ay Stem at napalagay dun na ako’y magiging isang ganap na Engineer kung
pinalad man. At siya ay Tvl, home economics at ang hahanapin niyang trabaho ay maging isang manager
ng hotel. At yun lang ang aking maikekwento ngayon.
2024-2025

Yung nangyari nung huli taon ay nag graduate kami ng aking sinta, kaya naman ngayon ay kami nag
hahanap ng trabaho. Sana ay palarin na maging ganap na Engineer para naman makatulong na ako sa
pamilya ko ng maayos at wala ng kahirap hirap pa. At sana ganun din siya na maging ganap na Manager
na sa isang hotel. Kapag nakahanap na kami ng trabaho syempre pwedeng mag kalayo kami dahil sa
trabaho pero sa bahay lang din naman siya uuwi. Kung may bahay na akong nabili, pero wala pa naman
dahil nag hahanap pa ng trabaho kaya sa bahay muna nila siya uuwi. OK magandang balita to ako’y
malapit na kunware makahanap ng trabaho diba ang astig ng plano ko dito. Siya naman ay ganun din
madali na din pero mas naunahan ko siya syempre may plano akong maganda kaya mas inuna ko na
sarili ko dito. Ayun na dun na tayo sa may trabaho na ako, paalam!

2025-2026

Nangyari na ang isa sa pinaka masayang araw ko dito sa taong ito at alam ko yun dahil ako’y may
trabaho na. siguro ganap na akong engineer dito at si ano din ganap na hotel manager. Ang ganda na ng
buhay naming dahil kami ay nakahanap na ng trabaho na pinangarap naming para sa isa’t isa. Nag-plano
ako sa sarili ko na mag iipon ako dahil sasusunod na taon ay isang magandang taon para sakanya
syempre pati narin sakin, di ko na ilalagay dito mga magulang o pamilya ko o sarili ko lang. Gusto kong
mag kwento tungkol sakanya at sakin parang samin narin kaya wag nalang mag hanap ng mga
masasayang parte kung saan kasama ko ang aking pamilya sa planong ito dahil sa totoong buhay sila ay
naka plano na saakin. Plano ko dito ngayon ay mag ipon ng maraming pera, pera para mabigyan ko ng
kinabukasan ang aking mga kapatid kung kaya ko man, at para masuklian ko ang mga pagod ng aking
mga magulang. Isipin na nating nasuklian ko na ang pag hihirap nila sakin nung ako’y bata pa. Ngayon na
may trabaho na ako kaya ko ng panagutan ang sarili ko pero di naman siguro madali kung ganto na kahit
may trabaho na ako kailangan ko ng maging kampante. Di parin mawawala yung plano ko para
sakanya.Sunod na gagawin ko kapag nagawa ko na yun. Dun niyo malalaman sa susunod na taon, tara.
2026-2027

Ang taon na to ang sobrang espesyal para saakin. Dahil ako’y naka ipon na ng sapat na pera para binili
kong engagement ring para sa aking sinta. Sawakas kukunsultahin ko na ang mga barkada ko para sa
aking pag propose sakanya. Balak ko sanang mag propose sakanya sa harap ng simbahan mismo kahit
saang simbahan basta simbahan na nakikita kami ng panginoon sa harap niya mismo. Bibili na ako ng
mga gagamitin ko sa pag propose, sapat na din naman pera ko para mabigay yung iba sa aking mga
magulang. Pero unahin muna natin yung pag ibig ko dito. Dito nay un handa na akong mag propose
sakanya. Tara isipin natin na nakapag propose na ako. At sinagot niya ako. Nag plano na kaming
magpakasal sa susunod na taon para mas lalong maging masaya ang aming samahan. Nakapag plano na
daw siya n gaming ipapagawang bahay. Pero di niya alam na may plano na pala ako pero di naman yata
plano , gusto niyo bang malaman? Dun tayo sa susunod na taon para mas maganda ang usapan natin.

2027-2028

Para naman dito, dito ay ang aming kasal! Tara na agad sa simbahan, di teka lang. bili muna tayo ng
mga susuotin natin at para nadin dun sa simbahan na papakasalan naming, lahat sila excited na sa kasal
naming ako naman ay kabang kaba. Ito na yung taon na hinihintay ko kung saan magiging akin na talaga
siya. Sa mga dumaan na panahon yung mga plano ko para saamin ay natupad na.Karamihan dun ay
nagbunga ng magagandang alaala na di ko na nabanggit. Plano ko ngayon ay pakasalan tong babaeng to
dahil siya ang nag bigay saya, buhay at tamis ng pagkatao. Bakit ko pa siya pakakawalan kung pwede
namang pakasalan, napagod ako sakanya dati pero ipinaglaban ko parin at nagsikap upang makuha siya
at ngayon ay sakin na siya. Tila ba tumigil ang mundo ko nung nakita ko siyang naka wedding gown na sa
harap ng altar. Dun ko na siya lalapitan at magiging asawa. Hahalikan ko na siya sa harap ng panginoon
at maraming tao na kung saan di na kami mag kakahiwalay pa. plano ko lang dito ay pakasalan siya at
wag ng mag paligoy ligoy pa. tapos na ang aming kasal at agad ko siyang dinala sa kung saan ko pinatayo
ang bahay na pinagplanuhan niyang di niya alam na pinagawa ko na pala. Nandun nadin yung mga bagay
na gusto niya, di niya alam na naging successful ako di ko sinabi para mas maganda. Kompleto lahat ng
gusto niya duon. Isa isahin ko pa ba? Wag na masyadong madami. At alam kong mag tatanong siya kung
pano ko nabili ang mga yun. Nakalimutan niyo na ba na sumasali ako sa mga gaming tournaments? Yan
kasi porket di ko na kinwento di niyo na aalahanin. Ako’y nag tagumpay sa laro naming kami ay nanalo.
Masyadong malaki ang pinalanunan ko mga 10million pesos, at yun ay galing lang sa laro ang saying
maging successful dahil sa mahal mo ang ginagawa mo. At syempre nakaipon din ako sa trabaho ko
bilang Engineer, mga 5million pesos. Ganun ako ka successful sa mga susunod kong taon. Syempre bakit
pa idadown ang sarili kung pwede namang I cheer up diba? Sa positibo lang tayo lagi. Malay mo ikaw na
ang susunod na katulad ko na ganto ka successful diba? Tiwala lang.
2028-2029

Oh my goddddd! Kasal na pala kami. Aanakan ko na siya, syempre natural na yun sa mag asawa kaya
nung una palang nag plano na kami na mag kaanak ng 3 o 4 nakalimutan ko na basta may anak kami ok
na sakin. At madami na din kaming aso, madami na din akong pc, at mga magulang ko? Mga kapatid ko?
Ayun maayos na ang buhay nila at sila ay sobrang saya sa pag raos namin. Sabi ko naman sainyo diba
hayaan nalang muna natin ako na mag saya. Tingnan niyo ngayon ang nagawa ko para sa pamilya ko
sobrang gaan sa pakiramdam na naiunlad mo ang pamilya niyo kasabay ang taong mahal mo. May hindi
pa kayo nalalaman diba? At alam niyo ba kung ano yun? Teka lang baka nakalimutan niyo ng itanong
kung ano yun. Sige ganito muna, may napansin ba kayo na puro lang aking sinta at jowa lang ginamit ko
na salita para sakanya? Masdan niyo yung mga pula at magalang kong inilagay ang pangalan niya. Diba
dahil lang sa planong ito dito nalaman kung sino ba talaga ang dapat na para sakin. At kung saan ako
aabot. Yun lang plano ko, maiunlad ang pamilya, mapangasawa si Kate, mag karoon ng madaming aso,
madaming pera, malaking bahay, madaming kotse, at kung ano ano pang mga bagay na maganda para
saamin. Nakapag tapos ako ng dahil sa mga plano kong yun di natin alam na uunlad pala ako kahit ganun
yung mga pinag gagawa ko dati. Eto ako ngayon maunlad na ako at isang masayang tatay sa tatlong anak
namin, pinangalanan ko ang panganay naming na babae na si Ashley, pangalawa naman ay lalaki siya ay
si Deib diba pangalan palang gwapo na tulad ng tatay, eto na si bunso syempre bunso dapat cute name,
ang pangalan niya ay Annie. Yun na nga. Ang plano ko ay maging successful kaya eto ako ngayon. ^_^

You might also like