You are on page 1of 2

Saturday (March 12, 2022)

Dear Diary

Alas-dos ng madaling araw ay ginising ako ng aking nanay upang makapaghanda ako dahil
ngayong araw ay may pupuntahan kaming Grand Reunion sa Labangan, Zamboanga del Sur. Bumaba na
ako nakita ko mga pinsan ko na umi-impake sa van na sasakyan namin. Kami ay aalis na at ang oras ay
3:00 ng madaling araw. 2 oras ay nakarating na kami sa Matanog, Lanao del Sur at dito kami kakain ng
umagahan. Ang ganda ng tanawin dito at sobrang lamig ng hangin kaya pagkatapos kong kumain ay
parang masarap umidlip at umidlip ako dahil may apat na oras pa kaming biyahe. Bandang 8:40 ng
umaga ay nakarating kami ng Tukuran, Zamboanga del Sur at nasasabik na ako dahil malapit na kami sa
aming paroroonan. Bandang 10:00 am ay nakarating na kami sa junction,Labangan, Zamboanga del Sur
kung saan magaganap ang pagtitipon at sinalubong kami ng mga kamag-anak namin at ibinigay ang
aming susuotin na damit para sa reunion. Marami ang nangyayari ngayon may mga palaro, pa raffle,
mga katanungan na may papremyo halos diko na masulat dahil sa maraming ginagawa ngayon. Pagsapit
ng 3:30 ng hapon ay natapos ang kaganapan at nag si uwian lahat at kami naman ay mananatili sa bahay
ng kapatid ng aming lola at inaantok ako kaya matutulog nalang ako dahil sa pagod. Bandang 8:00 ng
gabi, kami ay pinapupunta sa bahay ng isa naming kamag- anak upang kumain. Pagkatapos kumain ay
nakikipag-chikahan ang matatanda at kami naman magpinsan ay naglalaro ng mobile games at inabot ng
12:00 am. Maraming kaganapan ang nangyari sa araw na ito kaya dito ko na tatapusin.

Monday (March 14, 2022)

Dear Diary

Alas otso ng umaga, kami ngayon ay aalis na upang bumalik sa Cotabato. Nakakalungkot man isipin
ngunit wala kaming magagawa dahil may klase kami at ang matatanda sa amin ay may trabaho pang
naiwan pero sulit naman ang aming bakasyon. Alas nuwebe ng umaga naman ay nakaalis na kami ng
Zamboanga del Sur at bandang alas onse ay nakarating kami ng Lagusan ng Picong, Sultan Naga
Dimaporo at dito kami hihinto upang mananghalian at konting pahinga, kaagad kaming umalis para
ipagpatuloy ang pag-bibiyahe. Bandang alas tres ng hapon ay ligtas kaming nakarating ng Lungsod ng
Cotabato at kami ay dideretso na sa aming bahay upang makapagpahinga. Pagkarating namin sa bahay
ay kakain pa pala kami ng litson manok kaya nakikain narin ako at pagkatapos ay ibinaba ko kasama ang
aking pinsan ang mga dinala namin upang maibalik na sa may ari ang sasakyan. Bandang alas singko
medya ng hapon ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at gustong gusto ko maligo ngunit ako'y
pagod kaya di nalang ako maliligo. Wala na akong maisip na ilalagay sa aking diary kaya dito ko muna
tatapusin.

Tuesday (March 22, 2022)

Dear Diary

Kakagising kolang at ang oras ay alas-siyete media ng umaga, walang kaganapang nangyayari kaya
magseselpon nalang upang pag-aralan ang lingguwahe ng mga Hapon. Alas-otso ay bumaba ako upang
kumain ng almusal inutusan pa ako mag prito ng isda para sa pusa naming. Alas-dose ng tanghali ay
kumain kami ng mga kapatid ko ng prinito kong isda atsaka lucky me chicken at kasama narin ang mga
pusa namin na anim kay hindi maiwanan. Wala akong magawa kaya ala-una ay ginagawa ko ang aking
mga aktibidad sa ibat-ibang subject. Alas-tres ng hapon ay sinundo ko ang aking nanay galing paaralan
dahil isa siyang guro. Ang natitirang mga oras ay gumagawa ako ng walang saysay na mga bagay.
Pagsapit ng alas-otso ay huhugasan ko ang mga pinggan dahil ako ang naka-iskedyul sa gabi at
pagkatapos ay hihintayin nalang makatulog.

You might also like