You are on page 1of 3

Jamalia M.

Acmad

Grade 12- Gemini

Work Immersion Narrative Report

(1st Week/2nd Week)

Mayo 02, 2023 – Unang araw, dinala kami ng aming guro na si sir Christian Naquila sa aming Immersion
venue.Naka assign kami sa (MSU-MSAT) Office of the Campus Head sa Maigo, Lanao del Norte. Ang mga
taong nakilala namin ay ang pinuno ng campus , ang mga guro at pati na din ang mga ibat-ibang
empleyado ng campus.Dahil wala pang trabahong ibinibigay, ang mga empleyado ng Campus Head
Office ay naglilibang sa amin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa
pagtatrabaho bilang isang bahagi ng mga empleyado sa campus. Pagkatapos,sila naman ang nagtanong
tungkol sa aming background – pangalan, kaarawan, lugar ng kapanganakan, at paninirahan.
Pagkatapos nito, isang pormal na interbyu ang magsisimula, Sinuri nila ang aming resume partikular na
ang mga nagawa at nagtanong tungkol nito pagkatapos sinuri kung walang mali ang application form
namin. Sa hapon ako ay tinuruan nila ako kung paano mag photocopy ng mga dokumento ,maghatid ng
memorandum sa ibat-ibang departamento at tinuturuan nila ako kung paano iproseso ang
memorandum ayon sa pagkakasunodsunod nito.Maganda ang karanasan at mahirap kung bago ka
palang pero magandang mapagdaanan itong mga karanasan dahil mas mapalago ko ang aking kaalaman
at mapabuti kritikal na pag-iisip.

Mayo 03,2023- Isang magandang araw muli sa aking trabaho,maaga akong pumasok bandang 8:00 nang
umaga.Pagdating ko ay naglinis kami at dahil may meeting ay tumulong kami sa pamamahagi ng snacks
nang mga dadating.Sobrang kinakabahan ako sa oras na iyon dahil sila ay sikat na kawani ng paaralan
pero naglakas loob akong harapin ang mga ito kahit nanginginig ako sa hiya .Pagkatapos ay sobrang
saya ko dahil sa nakakatulong din kami. At ,mas naplawak ko ang aking kaalaman sa trabaho , pagpos ay
bandang 4:30 ng hapon umuwi na kami ng may pani bagong karanasan sa trabaho at sobrang
nagpapasalamat.

Mayo 04,2023- Napakagandang umaga nanaman at sinabayan sa mainit na araw maaga akong pumasok
bandang 8:00 ng umaga tulad ng dati ay naghahanda ako ng meryenda sa mga bisita at tinutulungan ko
ang kalihim na ipamahagi ang mgameryenda sa mga bisita, pagkatapos kong tapusin ang aking gawain
na ibinigay niy a at panibagong Gawain nanaman inutusan niya kami ayusin ang makalat na mga papel
at nagtapon din kami nang mga basura, at naglinis kami sa opisina pagkatapos ay bago umuwi ay
sinigurado naming isinara ang bintana at pinatay ang ilaw . bago kami umuwi bandang 4:59 ng hapon.

Mayo 05, 2023- Isang napakagandang umaga nanaman 8:00 ng umaga naghanda na akong
magsimulang muli sa trabaho inutusan kami ng kalihim na punuin muli ng tubig ang pampainit
Napakaganda ng araw na ginagawa namin itong gawain na ibinigay niya. Pagkatapos nun ay inutusan
kami na ibigay ang memorandum sa guidance office . Masaya akong ginagawa ang aking gawain dahil
marami akong nakakasalubong ng mga guro na unang beses na makita pagkatapos namin natapos ang
mga gwain namin umuwi na kami at sinigurado naming na malinis ang opisina bago kami umuwi
bandang 4:30 ng hapon.

Mayo 08, 2023- Isang panibagong, umaga sa trabaho ngayon ay nagsimula na akong magtrabaho para
gawin ang ilang maraming bagay, at ngayon ay may pupuntahan ang boss kaya inatasan nila kami na
panatilihing malinis ang opisina ng campus head dahil halos ng mga faculty at empleyado ay pumunta sa
marawi city para sa ilang mahahalagang negosyo kaugnay, at Pagkatapos naming nagawa ang mga
gawain ay , sinigurado namin na sarado ang bintana at patay ang ilaw dahil yun ang utos ng kalihim Bb.
winelyn, kaya siniguro naming natapos ang mga gawain bago kaming umuwi bandang 4:59 ng hapon.

Mayo 09,2023 - Ngayon araw ay trabaho na naman maaga akong pumapasok saakin trabaho bandang
8:00 ng umaga pagkatapos naglinis ako ng sahig at inayos ko ang mga libro kasi yun ang utos ng kalihim
na gawin, masaya ako dahil meron akong ntutunan araw-araw sa trabaho pagkatapos nun sabi sa akin
ng kalihim Bb. winelyn na dapat samahan ko siya sa palengke para bumili ng mga pangangailangan tulad
ng meryenda at inumin. Pagkatapos nung nakabili na kami inayos ko ang mga biskwit , kape at inilagay
sa cabinet. Pagkatapos naming natapos ang Gawain ay kumain na kami na pang tanghalian pagkatapos
bumalik kami agad sa opisina at inutusan akong i ihatid ang memorandum sa guidance office. Una ay
nagbigay galang ako sa mga nakakatanda, bago ko binigay Isang Magandang araw pero medyo
kinakabahan, at natapos ko rin ang aking Gawain at higit sa lahat meron akong maraming natutunan sa
trabaho.

Mayo 10,2023 – Magandang araw ito ay oras ng pagtatrabaho nag simula na naman panibagong araw sa
trabaho ngayon inutusan kami ng kalihim Bb. Winelyn na ipa photocopy ang mga dokumento at
pagkatapos ay ipahatid niya ang memorandum sa supply office nakasalubong namin si Bb. ipay at
binigay namin ang ipinapadala na memorandum. Pagkatapos naming bumalik ay meron ipinapagawa sa
amin na linisin ang mga kalat at naglinis din kami sa opisina. Pagkatapos naming natapos ay nagpaalam
na kami sa kalihim na umuwi na kami bandang 4:59 ng hapon.

Mayo 11 ,2023 - Magandang araw nanaman ito ang aking walong araw sa aking trabaho ngayon maaga
akong pumasok sa aking trabaho bandang 8:00 ng umaga. Sobrang busy kasi nag-asikaso kami ng mga
bisita at tinulungan namin ang kalihim na si Bb. Winelyn sa paghahanda ng meryenda at initusan na rin
kami na bumili ng pagkain sa labas para sa merienda ng mga bisita , pagkabalik namin ay naghanda na
rin kami ng mainit na kape para sa mga bisita dahil may meeting ang mga guro kaya naghanda na kami
ipamahagi ang mga pagkain sa bisita . Pagkatapos ng merienda ay naglinis kami sa mesa at nagligpit ng
mga nakakalat na pagkain pagkatapos ng meeting ay nagwalis kami sa sahig at at sinigurado naming
nilinis ng maayos . Natuwa ako dahil nakita ko ang ibang mga empleyado ng msu-msat at
nagpapasalamat ako dahil marami akong natutunan sa pagtatrabaho at napabuti ko ang sarili ko at ito
rin ay paghahanda ko sa trabaho na dumating balang araw . Bandang 4:59 ng hapon kami ay uuwi na
may natutunan ng karagdagang kaalaman. Huwag kalimutang maging magalang sa mga nakatatanda.

Mayo 12,2023- Panibagong araw nanaman kaya maaga akong pumasok sa trabaho bandang 8:00 nang
umaga inutusan ako ng kalihim na kunin ang printer at dalhin ito sa kanya sa conference room at linisin
ang ilang magugulong kalat sa opisina pagkatapos ay inutusan kami ng guro na bumili ng tinapay sa labas
para ipakain sa naglilinis sa labas sa paaralan at hinatid na namin sa senior high building dahil doon na
kami inutusan pumunta sabi ng guro nasi Bb. nash at pagkatapos naming maihatid ay bumalik na kami
opisina at binigyan kami ng merienda ni Bb. nash, medyo nahiya ako. para tanggapin ang merienda, at
nagpasalamat din ako sa gurong nagbigay sa amin huwag kalimotan magpasalamat. Bandang 4:59 ng
hapon kami ay uuwi na may na may karagdagang kaalaman sa trabaho.

Mayo 16, 2023- Panibagong araw nanaman ito ang aming huling araw ng trabaho kaya maaga akong
pumasok sa trabaho bandang 8:00 nang umaga at nag simula na kaming mag trabaho una pinapagawa
samin ay inutusan kami na mag linis sa opisina at pagkatapos ay merong pagpupulong sa mga guro at
estudyante kami din ay nag handa ng mga pagkain sa kanila at tinulungan din namin ang mga
empleyado, Pagkatapos matapos ang pagpupulong nila ay naglinis na kami ng mga pinagkainan sa mga
bisita at sinigarado naming na malinis at pagkatapos ay nalungkot ako dahil ma miss ko sila bukod sila
ay mababait samin at tinuring nila kami na mabuti at higit sa lahat sa kunting mga araw ay meron din
kami natutunan sa kanila kung pano mag trabaho bilang isang empleyado sa opisina. Salamat din Atty.
Jamaloden A. Basar sa pabigay meryenda at lubos kaming nagpapasalamat sa inyong kabaitan
maraming salamat sa inyo.

You might also like