You are on page 1of 7

NARRATIVE REPORT

Day 1 (May 08, 2023)


Bandang alas kwatro ng hapon araw ng lunes, ay naatasan kami ng aming guro na
mamulot ng basura sa gilid ng aming silid-aralan. Kami ay hinati at binigyan ng kani-
kaniyang grupo, at ang aking grupo ay sina Renemae Tunggay, Mialyn Bastida, at Bernadeth
Luna. Wala kaming pinalampas na segundo at agad sinimulan ang nasabing gawain. Madali
rin naman kaming natapos dahil hindi naman ito gano’n karami at tila bente minutos lamang
ang aming ginugol na oras.

Day 2 (May 09, 2023)


Sa aming ikalawang araw, ang araw ng Martes. Ang aming pangalawang araw gawain
ay ang maglinis muli sa gilid ng aming silid-aralan. Tulad ng dati, gano’n parin ang aming
kani-kaniyang grupo. Sinimulan namin ang nasabing gawain bandang 4:20 ng hapon. Kami
ay nagwalis at namulot ng mga basura. Kinse minutos namin itong natapos.

Day 3 (May 10, 2023)


7:20 pa ng umaga nang tingnan ko ang aking relo noong araw ng Miyerkules, ng
kami ay maitalaga na maglinis sa likod ng opisina ng aming paaralan. Dahil sa hindi
naman gaano karami ang nadatnan naming basura, amin lamang itong pinulot habang
masaya na nagkekwentuhan at tawanan.

Day 4 (May 11, 2023)


Sa araw ng huwebes, bandang 3:30 ng hapon ay naatasan na naman kami na
maglinis sa gilid ng aming silid-aralan. Marami ang basurang bumungad sa amin, kaya’t
kalahating oras kaming namulot, nalinis at nag segregate ng mga nasabing nakakalat na
basura. Natapos namin ang aming gawain sampung minuto bago mag alas kwatro.

Day 5 (May 12, 2023)


Sa aming huling arawng paglilinis, ang araw ng Byernes, ay naatasan muli kaming
maglinis sa gilid ng aming silid-aralan. Nagsimula kami bandang alas kwatro ng hapon, at
tulad ng dati, inihiwalay namin ang magkakatulad na basurang aming nakita, at sininop ito
sa kani-kaniyang sako. Natapos namin ang aming gawain , natapos ang trenta minutos, at
masayang sabay-sabay na umuwi sa aming kani-kaniyang tahanan.
CLEAN-UP
DRIVE

Leader: Chriszaly Vidal


Member: Renamae Tunggay
Mialyn Bastida
Bernadeth Luna

You might also like