You are on page 1of 6

Schools Division Office

City of Mandaluyong
HULO INTEGRATED SCHOOL
E. Pantaleon St. Hulo, Mandaluyong City
Tel. # 532-1194

BANGHAY-ARALIN
SA MATHEMATICS
2

Prepared by:

FLORELYN C. ESCULTURA
MT-I
Banghay Aralin sa Mathematics Grade 2
Oras
Aralin 98

I. Paksa
Pagsasabi ng Oras o Araw na Nakalipas Gamit ang Kalendaryo
II. Layunin
1. Nakapaghahanap ng haba ng oras sa nakalipas gamit ang kalendaryo
2. Nasasabi ang bilang ng araw o oras na nakalipas na
3. Naibibigay ang kahalaghan ng oras
III. Kinakailangang Kaisipan at Kasanayan
1. Pagsasabi ng mga Araw sa Isang Linggo
2. Pagdadagdag (hanggang 2 digits) at multiplying (tables of 2,3,4,5 at 10)
IV. Sanggunian/Kagamitan
Sanggunian:
Mathematics K to 12 Curriculum Guide p. 24
Teacher’s Guide pp. 339-344
Learners’ Materials pp. 240-241
Kagamitan:
Kalendaryo
Drill cards
Show Me Board
V. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Ipakita ang mga plaskards na may pangalan ng pitong araw.
Lunes Sabado

Pagkatapos, ilagay ang mga kards sa pisara nang hindi


nakaayos.
Tumawag ng mag-aaral na mag-aayos sa mga araw sa tamang
pagkaka-sunod-sunod.
2. Paunang Pagtataya
a. Ano-anong mga araw ka nasa paaralan?
b. Anong araw kayo nagsisimba?
c. Anong mga araw ang tinatawag na weekends?
d. Anong araw ang susunod sa Miyerkules?
e. Anong araw bago mag-Linggo?
f. Anong araw pagkatapos ng dalawang araw pagkatapos ng Martes?
g. Ilang araw ang nakararaan simula Lunes hanggang Biyernes?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pangkat 1
Ipakita ang kalendaryo:
· Ano ang mga ito?
· Mayroon ba kayo nito sa bahay?
· Ano ang nasa kalendaryo?
· Ano ang sinasabi sa atin ng kalendaryo?
·
2. Paglalahad
a. Concrete
Pangkat 1
· Pangkatin sa apat ang mga bata.
· Bigyan ang bawat grupo ng kard na tulad nito:

Pagpoproseso:
· Ano ang nakikita sa kard?
· Ano ang unang araw sa Enero?
· Ano ang ikapitong araw sa Enero?
Ikahon ang unang grupo para mabuo ang isang Linggo
- -Ilang araw mayroon sa isang Linggo?
- Ipakahon sa mga bata ang iba pang grupo ng
pitong araw?
- -Ilang grupo ng pito mayroon ang buwan ng Enero?
- -Ilang Linggo mayroon sa buwan ng Enero?
Pangkat 2
Bigyan ng kalendaryo ang pangkat. Bigyan sila ng sapat na
oras upang makabisado nila ang mga buwan at maintindihan na
may 12 buwan sa isang taon.
· Ilang buwan ang mga may 31 na araw? Ano-ano ang
mga ito?
· Ano ang masasabi ninyo sa buwan ng Pebrero?
Pangkat 3
Gamit ang kalendaryo, itanong ang mga tanong na ito:
· Ano ang unang buwan ng taon?
· Anong buwan bago at pagkatapos ng Marso?
· Ilang buwan ang nakaraan simula Hulyo hanggang
Nobyembre?
Gabayan ang mga bata kung paano makukuha ang
nakaraang buwan.
· Lunes hanggang Biyernes 5-1=4 na araw
Hulyo hanggang Nobyembre 11-7= 4 na buwan
· Gamit ang diagram

b. Pictorial
Ipalista sa mga bata ang mga pangalan ng pitong araw at 12
buwan. Sabihin sa mga bata na ipakita ang solusyon sa pagsagot
sa mga tanong.
· Ilang araw ang nakararaan simula Martes hanggang
Sabado?
· Ilang Linggo ang nakaraan simula Oktubre 7 hanggang
Oktubre 28?
· Ilang buwan ang nakararaan mula Pebrero hanggang
Hunyo? simula Abril hanggang Disyembre?
· Ilang araw ang nakararaan simula Hulyo 2 hanggang Hulyo
30?
c. Abstract
Tanungin ang mga bata:
1. Ilang araw ang nakalilipas simula Lunes hanggang Linggo?
2. Ilang araw ang nakalipas simula Enero 1 hanggang Pebrero
1?
3. Ilang buwan ang nakalipas simula Enero hanggang
Nobyembre?
3. Karagdagang Gawain
Magpagawa sa bata ng suliranin tungkol sa oras na nakaraan. Ito
aymagagamit para sa pagbabalik-aral kinabukasan.
4. Paglalapat
Ibigay ang sitwasyon sa mga bata.

Pagpoproseso:
· Ilang araw ang lumipas bago bumalik ng bahay si Andoy?
· Kung bumalik siya ng Linggo, ilang araw siya sa siyudad?
· Sakaling ninais niya na bumalik pagkatapos ng 2 araw,
anong araw siya babalik ng bahay?
· Ano ang kahalagahan ng oras o araw sa ting buhay?

5. Paglalahat
Paano mo hahanapin ang haba ng panahon o oras gamit ang
kalendaryo?
7 araw = 1 Linggo
4 na Linggo = 1 buwan
12 buwan = 1 taon
VI. Pagtataya
A. Gamit ang kalendaryo, sagutin ang bawat tanong.
1. Ilang araw ang nakalipas mula Linggo hanggang Miyerkules?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
2. Ilang Linggo ang nakalipas mula Setyembre 1 hanggang Setyembre
22?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5

3. Ngayon ay Martes. Ilang araw ang lilipas hanggang Martes ng susunod


na Linggo?
a. 3 b. 5 c. 7 d. 9

4. Anong petsa pagkatapos ng 25 araw kung ngayon ay Hunyo 1?


a. Huno 25 b. Hunyo 26 c. Hunyo 27 d. Hunyo 28

5. Si Charity ay ipinangak ng Mayo. Ilang buwan siya sa Nobyembre?


a. 4 b. 5 c. 6 d. 7

B. Basahin at sagutin.
1. Ilang linggo ang nakalipas mula Enero 1 hanggang Pebrero 1?
2. Ilang buwan ang nakalipas mula Marso hanggang Oktubre?
3. Ilang linggo ang nakalipas mula Nobyembre hanggang Marso ng
susunod na taon?
4. Kung ngayon ay Abril, ilang buwan ang lilipas bago mag-Disyembre?
VII. Takdang-Aralin
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang
sumusunod na tanong.

Mga Tanong:
1. Ilang buwan ang nakalipas mula Bagong Taon hanggang Pasko?
2. Pagkatapos ng araw ng mga puso, ilang buwan ang lilipas para
ipagdiwang ang araw ng mga nanay?
3. Simula sa buwan ng pasukan sa paaralan, ilang buwan bago
ipagdiwang ang Pasko?
4. Ilang buwan ang pagitan sa Bagong Taon at sa buwan ng mga
puso?
5. Ilang linggo bago magpasukan pagkatapos ng Bagong Taon?

You might also like